Kabanata Apatnapu’t Tatlo Sa sobrang busog ni Victoria ay nakakaramdam siya ng antok habang nagmamaneho pabalik sa opisina. Ilang beses na rin tumawag si Marcus sa kanya dahil pasado alas dos na pero pabalik pa lang siya sa opisina. Sa pang-apat na tawag ni Marcus ay sinagot naman na niya. "Hello! Bakit ka ba tawag nang tawag?" inis na tanong na niya rito. "Sino 'yang sinasabi mong ka-quickie mo? Nasaan ka na? Aba naman, Victoria? Mag-a-alas tres na pero hindi ka pa rin nakakabalik sa opisina? Umamin ka, kanino ka nakipagkita? Sa Clint na 'yon ba?" pasigaw na tanong nito. Napasimangot naman siya dahil naiinis siya na nakasigaw si Marcus sa kanya ngayon. "Nakakairita ka, ibababa ko na," tugon lang niya at binabaan niya nga ito ng tawag. Tinapakan niya nang madiin ang gas at na

