Kabanata Apatnapu’t Dalawa

2119 Words

Kabanata Apatnapu’t Dalawa Isinugod nila Victoria at Janno si Marcus sa ospital. Agad naman itong ipinasok sa emergency room dahil malalim ang natamo nitong saksak sa likod. Marami rin ang dugong nawala rito kaya iyak nang iyak si Victoria habang naghihintay na sa labas ng Emergency Room. Nilapitan naman siya ni Janno. "Tahan na, Victoria. Malakas at matatag si Marcus. Kayang kaya niya 'yon," pagpapalakas nito sa loob niya. "Hindi ko rin alam, Janno. Kanina ko pa gustong tumahan pero ayaw tumigil nitong mga luha ko," humihikbing tugon niya rito.   Kanina pa rin siya punas nang punas sa mga nilalabas na luha ng mga mata niya pero hindi pa rin ito humihinto. Sumisikip na rin ang dibdib niya kakaiyak mula pa kanina. Naramdaman na lamang niyang parang unti-unti nang nagdilim ang paligid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD