Kabanata Apatnapu’t Lima Sumapit ang lunes, tinamad na pumasok si Victoria. Kanina kasing tumunog ang alarm niya ay masakit ang ulo niya kaya hindi siya bumangon. Ngayon naman ay sumasakit ang puson niya. Pinapakiramdaman niya ang kirot dahil pawala wala naman ito. Nang maging maayos ang pakiramdam ay bumaba na siya. Nakita niya si Marcus sa sala na nagla-laptop at may kausap sa cellphone, pero nang makita siya nito ay agad itong lumapit sa kanya. Nagpaalam din kaagad ito sa kausap. "Victoria, masama na naman ba ang pakiramdam mo? Namumutla ka na naman," nag-aalang tanong nito sa kanya. "Kaninang umaga, pero ngayon ayos naman na ako. Kakain muna ako ng almusal," tugon niya rito at dahan-dahang lumakad papunta sa kusina. Nagugutom na siya pero nang makita niya ang hotdog, spam at scram

