Kabanata Apatnapu’t Anim Noong nakaraang linggo ay isinama niya si Marcus sa check-up niya sa OB. Ilang beses na rin kasi siya nito kinukulit. Gusto raw nitong makausap ang Doktor niya dahil marami raw siyang itatanong dito. Mabuti na nga lang at mukhang sanay naman ang OB niya sa mga ganitong klase ng first time dad. Kulang na lang ay si Marcus na ang magpacheck-up sa dami ng tanong nito eh. 12 weeks na ngayon ang tiyan niya. At kakaiba ang laki nito, dahil na rin sa kambal nga ang ipinagbubuntis niya kaya mas malaki ito kumpara sa nagdadalangtao na isa lang ang nasa sinapupunan. Ang sabi naman ng Doktor ay maayos naman ang kambal, basta iwasan pa rin daw ni Victoria ang magbuhat ng mabibigat at ang magpakastress. Nakawork from home naman na siya. Halos dalawang beses na lamang sa isang

