Espesyal na Kabanata Hindi masyadong maselan ang ngging pagbubuntis ni Victoria sa kambal nila ni Marcus. Ngunit naging sobra ang pagiging bugnutin nito. Mabilis itong mainis kay Marcus, minsan wala pa man itong sinasabi o ginawa sa kanya ay naiirita na kaagad ito sa asawa. Kapag umiiwas naman ito at hindi nagpapakita para hindi na mainis sa kanya si Victoria ay gano’n pa rin. Naiinis pa rin ito na hindi nito nakikita ang asawa. Naging tampulan tuloy ng tukso si Marcus ng mga kaibigan. “Pre, ano ba talaga? Tiklop na tiklop ka talaga sa asawa mo ah?” pang-aasar ng kaibigan nitong si Buknoy. Iiling-iling lang naman si Caloy. “Buknoy, maiintindihan mo rin ako kapag ikaw ang nagmahal. Akala mo matikas ka na, at ikaw na ang pinakamalakas pero hindi. Madalas isang sitsit pa lang ni Misis,
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


