Kabanata Tatlumpu’t Apat "Victoria?" tawag ni Marcus habang kumakatok sa kwarto nito. Ilang segundo rin siyang naghintay bago siya nito pagbuksan ng pinto. "Why?" nakapamewang pa na tanong nito sa kanya. Nakabathrobe lang ito at mukhang bagong ligo. "I just want to say sorry. Hindi ko gustong maabutan tayo ng mga kaibigan ko sa gano'ng sitwasyon," paliwanag niya. Agad naman nitong hinarang ang kamay nito. "It's fine. Wala naman sa akin 'yon. Pareho lang tayong nadala. Anyway, I'll take a rest for now," tugon nito at akmang isasara na ang pinto pero hindi siya nito hinayaan. Hinarang nito ang kamay sa pinto. Tinulak niya 'yon at pumasok siya sa loob kahit na pinipigilan siya ni Victoria. Ni-lock niya nang maigi ang pinto ng kwarto. "Ano'ng ginagawa mo?" tanong nito sa kanya. Pero

