Kabanata Tatlumpu’t Lima

2140 Words

Kabanata Tatlumpu’t Lima Tanghali na nagising at bumaba sila Buknoy at Caloy. Ipinaghain naman ni Victoria ang mga ito ng makakain. "Naku, nakakahiya naman sa’yo, Victoria. Ipinaghahanda mo pa kami. Baka sabihin ni Marcus pinapagod ka namin?" sabi ni Buknoy. Ngumiti lang naman siya sa mga ito. "Wala naman akong ibang ginagawa rito. Kayo nga 'tong abalang-abala sa paghahanap kay Anita, kaya kahit sa simpleng bagay kagaya nito, makabawi man lang ako sa tulong niyo sa’kin," tugon niya. "Alam ko na talaga kung bakit baliw na baliw sayo ang kaibigan namin. Dapat naman pala talaga. Maganda na, mabait pa," dugtong pa ni Buknoy. "Sa mga salitaan mo Buknoy, iisipin kong nilalandi mo si Victoria," bintang ni Caloy. Napatingin naman siya kay Buknoy. Agad namang umiling ito sa kanya. "Naku, hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD