Kabanata Tatlumpu’t Anim Ang isang mabilis na hirit ni Marcus ay nauwi pa sa dalawa, hanggang sa naging tatlo. Hindi siya tumigil hanggang sa inabutan na sila ng pagdilim. "Marcus, nakakarami ka na, ha," saway ni Victoria sa kanya habang tinutulak ito palayo. Humihirit pa kasi ito nang isa pang round pero hindi na siya pumayag. Pagod na siya, at saka isa pa iniisip niya baka magsawa agad sa kanya si Marcus kung palagi siyang bibigay rito. Bumaba siya sa sala at naabutan sila Caloy at Buknoy na nanonood ng pelikula sa TV. "Victoria, kain ka na ng hapunan. Nagluto si Caloy," alok ni Buknoy sa kanya. Ngumiti naman siya habang lumalapit sa kanila. "Sige, hintayin ko lang si Marcus na bumaba, sabay na kaming kakain. Ano 'yang pinapanood niyo?" tanong niya sa mga ito sabay upo sa sofa. "

