Kabanata Dalawampu’t Pito Natapos silang kumain ng hapunan. Pero hindi pa rin nauubos ang kwento ng kaibigan niyang si Diana. Partida hindi pa nakainom ng alak 'yan. Paano na lang kung lasing na ang kaibigan niyang 'yan? Baka ultimo bilang ng pubic hair niya ay nakwento na nito. "Gusto mo bang dito ka na rin mag-almusal bukas?" alok pa ni Diana kay Marcus. "Naku, hindi siya pwede bukas. Di’ba, Marcus?" nanggigigil na sabi niya. Pinanglalakihan pa niya ng mata si Marcus para tumanggi na ito. Mukhang nakuha naman nito ang gusto niyang sabihin. "Gusto ko sana, kaso may importanteng meeting ako bukas nang umaga. Salamat ha?" magalang nitong tanggi kay Diana. "Tanghalian na lang? Matatapos naman siguro ang meeting niyo bago magtanghalian?" alok pa rin ni Diana rito. "Alukin mo na rin ka

