Kabanata Dalawampu’t Lima Nagstop-over sila Clint at Victoria sa Good Sheperd. Bibili kasi siya ng ube at strawberry jam saka ibang pasalubong na rin para sa mga kasama niya sa bahay. Lingid sa kaalaman nila ay may nagmamasid pala sa kanila mula sa hindi kalayuan. Matapos nilang mamili ng mga pasalubong ay nagtanghalian sila sa Burnham Park. Mala-picnic ang set up nila. Umalis pa siya sandali para sana bumili ng manggang hilaw dahil mas nauna siyang matapos kumain kay Clint. Namimili pa siya dahil hinahanap niya 'yong mas hilaw na klase ng mangga. Habang naglalakad sa gilid ay nakasalubong niya si Caloy. Nakangiti ito sa kanya. "Hi, Ria. Nagkita tayo ulit," bati pa nito sa kanya. "Oo nga eh. Nandito rin pala kayo. Pauwi na rin naman kami later," tugon niya habang nakangiti. "Sige, inga

