Kabanata 2
"Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaat?" kahit kailan talaga ang OA mag react ni Xyla.
"Sssshhhh.. Wag ka ngang maingay." Bulong ko sa kanya habang hawak ang bibig niya habang nakatingin sa paligid. Kung maka sigaw kasi kala mo naman sinabi kong kulay pink na yung moon! Duh..
Wala kaming klase ngayon kasi daw may Bagyong Ekok yata yun?! Basta, may bagyo raw, pero sabi nila hindi naman daw kami apektado. Ewan ko dun. Nagdadahilan lang yun sila para hindi matuloy ang klase nila! Tch! Heto ako ngayon, nanatili lang ako sa silid namin. Ayaw ko kasing makita si Hudas kahit ngayon lang makapagpahinga ang mata ko sa kanya!
"Pero totoo? OMG! Napansin ko lang ha? Lagi niyo nalang yang ginagawa! Baka ma preggy ka niyan bessy! Mag ingat ka. Nasayo parin ba yung pills na bigay ko? Nanghingi pa talaga ako ng advise sa tita ko tungkol jan.. Arrrggg! Nakakahiya yun kasi inisip niyang ako ang gagamit! KALOKA! Teka, inumin mo yun ha?" mahabang sabi niya. "Wag na wag mo talagang kalimutan yung pills best kasi hindi natin alam, pagkatapos ka niyang pagsawaan ay iiwan ka lang niyan. Alam mo naman yung mga lalaki. Hindi naman talaga ako anti-lalaki pero iba talaga ang kutob ko dyan."
Umiinum kasi ako ng pills kasi baka buntisin ako ni Asher. Ayoko namang mangyari yun lalo na’t ganito ang sitwasyon, bukod kasi sa iniisip ko ang pag-aaral ko ay mahalaga rin sakin ang batang mabubuo sa tyan ko kung sakali man. Naranasan kong walang kinilalang magulang kaya alam ko ang pakiramdam, kahit naman kasi kasal kami ni Asher; gusto ko ring makalaya sa kanya at hanapin ang taong tatanggapin ako at syempre mahal ko. Kahit naman sobrang hirap o malas ko na sa buhay, naniniwala parin naman ako sa sinasabi nilang 'LOVE'. Sino ba naman kasi ang hindi?
Ayoko sa taong gagamitin lang ang katawan ko kapalit nang pera niya! Pakiramdam ko nga wala na akong pinagkaiba sa mga babaeng mababa ang lipad, kailangan ko nang makakapitan para mabuhay kaya nagagawa ko to. Ang pabayaan siyang gamitin ang katawan ko kapalit nang perang winawaldas niya sakin. OO, napakababaw ko pero I need to be practical.
At syempre ayaw kung mag kaanak sa kanya noh kaya pumayag ako. Hindi naman alam ni Asher na nag pi-pills ako. Isa pa baka ayaw niya rin magka anak. Malay natin matauhan siya at iwan niya ako. Pano ang bata? Kawawa naman yun diba?
"Oo, pero bumili pa ako kanina bago pumunta dito. Malapit na kasi maubos." Sagot ko sa kanya.
"Grabe naman yan si Prince Gee! Parang s*x machine. Di ba siya nag sasawa?" tanong niya. Sa totoo lang; ilang beses ko na rin yang natanong sa sarili ko pero kahit ako hindi ko yan masagot-sagot! Para sakin isa siyang adik sa s*x! Oo adik siya kasi halos hindi naman siya nagsasawa, umaga, tanghali o gabi. Kahit saang sulok pa ng kwarto o bahay namin. Basta may pagkakataon, lage rin siyang umaariba!
"Ewan ko Xyla! Kainis nga, nung nakaraang araw naka inum na naman siya. Pero hindi naman siya lasing. Hindi ko siya pinansin at nagtulog-tulogan ako pero imbis na matulog din siya; GINISING NIYA AKO para makipag siping!!" sabi ko pa sa kanya na halos hindi makapaniwala sa nangyari nang mga araw na yun. Ganyan kasi talaga si Asher, halos kompleto siya sa lahat nang araw sa kalendaryo. Grabe! Plano niya yatang palitan ang salitang ‘s*x Machine’ nang pangalan niyang ‘Asher.’
"Kawawa ka naman best!" malungkot niya pang sabi habang nakatingin sakin. Ang ayaw ko talaga sa lahat ay yung kinakaawaan ako nang harap-harapan nang mga tao. Alam niyo yun? Yung pakiramdam na sobrang down ka na tapos sasabihin mo ang problema mo sa iba ang saloobing mo; pero imbis na e cheer-up ka nila, ipaparamdam pa nila na awang awa na sila sa atin.
Hindi ko talaga maintindihan tong bessy ko, kaya hindi ko maiwasang masaktan sa kalagayan nang buhay ko ngayon eh.
"Okay lang naman.” Saka ako umiwas nang tingin, “Di naman ako nag reresponce nung araw na yun. Pero manhid talaga siya eh! Kahit na kitang-kita na na hindi ako nasisiyahan tumatawa parin siya na parang si hudas." Pag-iiba ko nang usapan. Totoo naman kasi, parang nasisiyahan si Asher sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Masaya siya habang ako sobrang nahihirapan na sa tabi niya. Gusto ko nang umalis pero nakatali ako sa kanya. Parang gusto ko ngang kumanta nang ….
‘Nakatali kase…….
Tulad nang buhay ko ngayon,
Di ko akalain na mag iiba ang panahon…’
HA! Sana nga biro nalang lahat nang to, sana panaginip nalang, na sana pag gising ko anjan sa tabi ko si lola habang masaya akong kinukwentohan nang mga storya niya. Sana ganun lang ka simple ang buhay.
Hindi ko nga akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon pero ito na ang reyalidad. Reality sucks!
"Masarap ba?" namumulang tanong ni Xyla.
Namula din ako sa tanong niya. Mula kasi nung nag uusap kami ng mga ganitong topic hindi talaga siya nagsasalita o nag tatanong. Pero parang sanay na ako. Para na ngang wala ng hiya na natira sa sarili ko, ikaw ba naman kasi makaasawa nang isang Asher Gee Borromeo tingnan ko lang kung tatablan ka pa nang hiya!
Inalala ko naman yung mga panahon na may nangyari samin. Si Asher ang kauna-unahang lalaking bumasag sa basong kinaiingatan ko. Ang dating buong buong mansanas ay kinagatan niya. Tsss.. Ano ba tong iniisip ko.
"Masarap? Masakit parin eh. Grabe kasi siya maka pump Xy! Kung alam mo lang. Parang galit siya. Ay ewan! Hindi sarap yung nararamdaman ko." Seryosng sagot ko sa kanya. Simula nung makasal kami ni Asher hindi siya naging gentle sakin. Lahat nang kilos, marahas! Hindi niya inisip na masasaktan ako, pakiramdam ko nga laro lang ang lahat sa kanya. At ako naman tong si tanga ay nagpapalaro lang rin sa kanya.
Para sakin ay sagrado ang pakikipag s*x at gagawin mo lang to sa taong mahal mo at taong mahal ka. Pero nagbago yun ng pinasok ko na pakikipag s*x kay Asher. Pakiramdam ko ay hindi tama. Oo, kasal kami pero hindi ko siya mahal at alam kong hindi rin pagmamahal ang nararamdaman niya para sakin.
Hindi ko pa naranasang magmahal ng totoo, siguro crush lang o pag hanga pero hanggang dun lang yun. May naging boy friend ako nuon pero hindi ko naman masasabi na na inlove talaga ako sa kanya. Kumbaga wala akong mapaghahambingan ng pagmamahal.
Ano nga ba ang pagmamahal?
Ito ba yung iiyakan mo?
Yung iiyakan ka?
Yung magmamakaawa sayo?
Yung paulit-ulit kang sasaktan?
Yung sasakalin ka sa pagmamahal na sinasabi niya?
Kasi kung pagmamahal yan, nakakatakot palang magmahal. Nakakaawa yung mga taong na bulag sa tinatawag nilang pagmamahal.
Hindi siya umimik. Parang sinasabi niyang pagpatuloy ko lang.
"Hindi na siya ang Asher na kaibigan ko. Nakilala mo rin naman siya diba? Naging mag kaibigan din kayo pero iba siya ngayon eh." Paliwanag ko sa kanya. Naging magkaibigan rin kasi silang dalawa at kahit papano ay nakilala rin ni Xyla si Asher sa konting panahon na yun.
"Nag iba siya nung nalaman niya yung tungkol sa inyo ng bestfriend niyang si Xavier." sabi niya pa habang hinihimas-himas ang baba niya.
Tama siya. Nagbago ang lahat mula nung may nangyari nung araw na yun.
"Pero Xy, Alam mo naman diba na walang nangyari nang gabing yun? Nag inuman lang naman tayong lima eh. Isa pa tatlo tayong nandon sa kwarto na yun at siya naman nasa ibang kwarto kasama si Maddy.. Baka nga sila pa yung may ginawa." Sagot ko. Totoo naman kasing silang dalawa lang ni Maddy ang nasa loob nang kwarto nang gabing yun, ano bang iisipin nang makakakita sa kanila?!
Tch! Sila lang dalawa tapos walang nangyari? Imposible! Tapos kung maka react siya samin ni Xavier akala mo naman nakita niya kami sa akto. Wala kaming ginawa at wala rin kaming gagawin. Hindi ako yung tipong tatalohin ko ang kaibigan ko. Hindi ako pumapatol sa kaibigan at yun rin ang dahilan ko kung bakit hindi ko pinatulan ang panliligaw ni Asher.
"Oo nga, nung gabing yun kakatok sana ako sa kwarto niya ng lumabas si Maddy na naka bra at panty lang.." nakangusong sabi ni Xyla. Yun nga, alangan namang nag dasal at nagtitigan lang sila buong gabi. Paki spelling nga ng IMPOSIBLE! Yun yun eh!
"Kaya nga, madami pa naman kasing iba ba't ako pa ang napili niyang pakasalan.." malungkot kong bigkas. "Hindi naman ako mayaman, hindi rin ka sexy han pero maganda ako. At isa pa maganda ako, tapos maganda ulit." sabay kaming tumawa.
"Haba kasi ng buhok mo bessy.. Isa pa wala naman talagang nangyari sa inyo ni Xavier diba?" nakangising tukso niya.
Binatukan ko siya.
"Syempre wala. At napatunayan ko yun kay Asher!"
Si Asher naman talaga ang naka una sa akin! Nung araw ng kasal namin at sa mismong honeymoon namin. Hindi niya na talaga ipinagpabukas yun at talagang gustong gusto niya na akong galawin.
Marahas niyang pinasok ang ispada niya sa ka ibuturan ng aking perlas ng silanganan. Pinasok at sinisid ang karagatan at kinuha ang perlas ni Jesabel ! Ano ba tong naiisip ko?! Napailing nalang ako sa aking naisip.
"Tama na nga yan! Tara na." dugtong ko nalang saka ko siya hinila.
"Xy, Punta nalang tayo sa canteen ha? Mamaya na tayo dumiretso sa library. Nauuuhaw ako eh." Tumango naman siya bilang sagot.
Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang isipin lahat nang nangyari sa buhay ko. Una nagkasakit ang lola ko, huminto ako sa pag-aaral matustosan lang siya, namatay ang lola ko, mga dugtong-dugtong na utang tapos heto na…humantong ako sa ‘kapit patalim’ na sinasabi nila.
Naging asawa ko si Asher kapalit nang pera niya ay ang katawan ko. Mapait man isipin pero this is my life! Kahit anong gawin ko, ito na talaga ang tadhana ko at wala akong maaring gawin kundi ang panindigan ang desisyon ko kahit pa labag ito sa kalooban ko.
"Xavier?" bago kami makarating sa canteen ay hinarang ako nang lalaking matagal ko nang hindi nakikita.
Mula nung nangyari nuon sa inuman at napagkamalan na may nangyari samin ni Xavier ay talagang madalang ko nalang siyang makita. Hindi ko rin alam bakit nagseselos si Asher kay Xavier eh kaibigan ko lang naman ang tao.
Mabait si Xavier at para ko na rin siyang kuya. Lagi niya akong inaalagaan at lagi siyang nangungumusta sakin nuon. Nagbago lang ng nagpakasal kami ni Asher. Nagbago lahat ng takbo ng buhay ko ng ikasal ako kay Asher. Mas naging malayo ako sa mga taong nakapaligid sakin. Parang iniiwasan nila ako at natatakot silang mapalapit sakin. Hindi ko naman sila masisisi kasi kilala ko rin si Asher, wala siyang sinasanto.
"Ahhmmm.. Rea? Pwede ka bang makausap?" sabi ni Xavier habang nakatitig sa mata ko. Nasa harap naming siya ni Xyla at gusto akong kausapin. Tiningnan niya si Xyla sa tabi ko saka nag salita si Xy.
"Best sa canteen na muna ako ah?" paalam niya. Tumango lang ako bilang sagot. Alam kong gusto rin ni Xyla na mag tanong kay Xavier pero ayaw niya ng makialam. Kaibigan ko parin naman sila diba?
Ngayon, paano ko kakausapin ang lalaking naging kaibigan ko rin nang mahabang panahon?