Kabanata 3
** XAVIER POV **
"Tangna pare! Gusto mo bang mabugbog ka nanaman ni Gee!?? Seryosong usapan na pag si Alexa pinakialaman mo." Inis na sabi ni Vince sakin saka ako nilapitan at inakbayan. “Dude, babae lang yan. Si Alexa lang yan! Hayaan mo nalang siya kay Gee.” Seryosong tuloy nito.
"Ano ba Vince? Baliw na yang si Gee! Pinilit niya lang na pakasalan siya ni Alexa!" sabi ko sa kanya saka tinanggal ang pagkakaakbay niya, “Isa pa kung mahalaga si Alexa kay Gee bakit niya pa ito pinapahirapan?! Ginugulo niya lang ang isipan ni Alexa eh! Kung ayaw niya sa tao, edi bitawan niya! At isa pa, hindi kasal ang sulosyon sa lahat! Tingnan niyo nang nangyari!? Pareho lang silang masasaktan niyan sa mga ginagawa at mga desisyon nila eh! Langyang buhay!!” sigaw ko sa kanila saka lumipat nang upu-an habang sila naka harap parin sakin.
Hindi na ako uupo nalang at titingnan ang mga kalokohan ni Gee. Oo, minsan may pagka babaero ako pero kahit ganun marunong naman ako rumispeto sa desisyon nang babae. Hindi tulad niya, sariling asawa niya binababoy niya! Ganyan ba ang pagmamahal na sinasabi siya?
Don't get me wrong. I like Alexa, sino ba naman ang hindi? Siya lang yata ang babae sa buong school nato ang nakakakilala kung ano ang electric fan. Napaka simple niya at kahit alam ng karamihan na isa siyang commoner ay hindi naman maitatanggi na may ibubugang talino si Alexa. Hindi lang rin sa ganda o status ng buhay yan, pautakan rin hindi puro yabang.
"Kaya ba pinalabas mo dati na may nangyari sa inyo ni Alexa?! Gago ka rin Xavier eeh. Sinira mo ang pag kakaibigan niyo ni Gee para lang sa babaeng yan." Sabi ni Russel, “Kung ganyan ang klase nang pag tulong mo, mabuti pa wag ka nang makialam!” inis na dugtong nito. “Kung hindi ka sana nakialam sa kanila nuon, malamang sa mga oras na to, nagkakamabutihan na sila!” Nagkamabutihan? Paano mangyayari yun kung ayaw nga ni Alexa sa kanya.
Sinabi rin sakin ni Alexa nuon pa na ayaw niyang pumatol sa kaibigan kaya kahit ako ay hindi ako nag lakas loob na ligawan siya. Natatakot ako na baka pag niligawan ko siya masira na ring yung pagkakaibigan naming dalawa.
"Oo nga! Tama si Russell pare. Kung hindi dahil sayo malamang hindi niya pinilit si Alexa." Pagsasang-ayon ni Vince. Mali ba talaga ang desisyon ko? Gusto ko lang naman ilayo si Alexa sa lalaking yun? Possessive si Asher at alam ko kung gano siya kasama dahil kaibigan kami noon pa.
"Pare gusto ko si Alexa! Alam niyo yan." Paliwanag ko sa kanila, “Oo, pinlano ko yun para lang layuan ni Gee si Alexa dahil alam niyo naman ang nagagawa ni Alexa kay Gee diba? Nag bago siya dahil kay Alexa!” paliwanag ko, “Isa pa, alam ko mahuhulog at mahuhulog sakin si Alexa. Alam ko yun! Kung nag tiis pa sana ako kahit konti sana nagustohan niya rin ako.” Malungkot kong sabi, “Pero mali eh. Dahil sa ginawa ko, nadala ko siya sa sitwasyon na meron siya ngayon. Ako ang dahilan at hanggang ngayon, sinisisi ko parin ang sarili ko.” malungkot kong tuloy.
“Alam naming mahal mo siya pare pero hindi naman kailangang gumawa ka pa nang bagay na ikasisira nila ni Gee! Nang dahil sa ginawa mo, may naagrabyado na! Sana matuto ka na. Wag mo na silang pakialaman.” Paliwanag ni Russel saka tumayo. Hindi naman ako nakikialam, kaya nga lumayo ako diba? Pero nung nalaman ko ang mga pinag gagawa ni Gee ay hindi na pwedeng uupo nalang ako at manunood.
"Pero napipilitan lang si Alexa! Ililigtas ko siya." Diin ko pa, “Mahal ko siya at ililigtas ko siya mula kay Gee!” Hindi pa naman huli ang lahat
"At anong kapalit? Pagkakaibigan niyo ni Gee??! Pare pinipilit na namin si Gee na magkabati kayo kahit na hindi kayo nag uusap pag magkasabay tayo. Tangna! Para lang sa babae." Sigaw ni Russel, “Oh sige, anjan na tayo, mahal mo nga si Alexa pero ang tanong, mahal ka ba niya? Minahal ka ba talaga niya? Wag kang assuming Xavier! Wala ka na ring pinag-kaiba kay Gee.” Tiningnan ko siya nang masama, “Ano?! Totoo naman ah, wala ka naring pinagkaiba sa kanya. Hayaan niyo si Alexa, kung anong desisyon niya, matuto kayong makinig! Hindi yung pinipilit niyo kung anong gusto niyo!” dugtong niya.
"Mahal ko siya." Sabi ko nalang at sinawalalang bahala ang mga sinabi niya. Umiling naman si Russel sa sagot ko.
"Sumuko ka na tol." Pangsusuko sakin ni Vince.
Hindi na ako sumagot. Nandito kami sa auditorium. Kami nalang tatlo dito. Tapos na kasi yung meeting namin at umuna na nang alis sila Gee kasama ang ibang team mates namin. Tumayo ako para sana umalis nang magsalita si Vince.
"Sabagay.. Naaawa na rin ako kay Alexandrea." napatingin kami kay Vince.
"Anong ibig mung sabihin?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa ginagawa niyang pagpapaikot sa susi nang kotse niya sa kamay niya.
Tumingin sya sa akin.
"Halatang napipilitan na si Alexandrea. Makikita mo talaga sa mata niya na malungkot siya." Paliwanag ni Vince sakin. “Lahat nang babae pare may karapatang sumaya pero sa ginawa ni Gee, kinuha niya ang kaligayahan at kalayaan ni Alexandrea sa pag aakalang makukuha niya rin ang pag-ibig nito!” Hindi kailan man napipilit ang pagmamahal. Alam ko naman yun, kusa mong nararamdaman ang pagmamahal. Hindi ito basta ipilit mo nalang sa isang tao kasi mahal mo sila. Hindi porket mahal mo sila ay kailangan mamahalin karin nila.
“Nararamdaman naman natin yan lahat pero desisyon nila pareho yan! Nag gagamitan silang dalawa! Sana lang may matutunan sila sa ginagawa nila!” sagot ni Russel. “Totoong nasasaktan si Gee dahil hanggang ngayon hindi parin siya magawang mahalin ni Alexa at ganun din naman si Alexa dahil pakiramdam niya tuluyan na siyang nakuha ni Gee.” Dugtong nito. Isang lalaking mahal na mahal ang babaeng ayaw naman sa kanya. Kahit pa kunin niya ang lahat kay Alexa, hinding hindi niya basta bastang makukuha ang puso nito.
"Kung ganun anong gagawin natin? Ang gulo rin kasi nila eh." Inis pa na sabi ni Vince.
“Wala tayong gagawin. Mas mabuti pang di na muna tayo makialam.” Sagot ni Russel.
"Pero diba mahal naman talaga ni Gee si Alexa pero pinabayaan niya lang na isipin ni Alexa na s*x lang ang habol ni Gee sa kanya? Tangna lang." sabi pa ni Vince. Oo, gusto niya si Alexa. Ay hindi. MAHAL niya si Alexa, para sa kanya si Alexandrea lang ang babaeng nakikita niya. Oo, may karanasan siya sa ibang babae, kahit ako may karanasan ako sa ibang babae, pero iba parin talaga pag mahal mo isang tao.
"Alam naman ni Alexa na mahal siya ni Gee diba?" sabi ni Russel, “Nagtapat naman si Gee sa kanya diba?! Ilang beses niya nang sinabi kay Alexa na mahal niya ‘to pero ganun parin. Niligawan na't lahat lahat pero nagpapa hard to get parin si Alexa. Mga babae talaga.." malungkot na tuloy nito.
"Pero pare ang tanong............. Nararamdaman ba yun ni Alexa? Pare alam mo hindi lang yan puro salita. Iparamdam niya rin dapat." Tuloy ni Vince.
"At di lang puro paramdam, kumilos ka rin." sabi ko sabay lakad papalapit sa pinto.
"Saan ka pupunta?" Russell
"Kikilos na para hindi na ako maunahan." sabi ko sabay alis. Narinig ko pang sumigaw si Vince nang ‘Matagal ka nang naunahan.’ Pero hindi nalang ako lumingon sa kanila at dere-deretsong naglakad palabas. Naunahan nga ako ni Gee pero hindi ako papayag ngayon na pabayaan nalang sila. Dediskarte rin ako.
ALEXA POV ******
"HAHAHAHA ." tawa ako ng tawa kay Xavier.
Andito kami ngayon sa may bench at nanunood ng soccer. Ang dami ko talagang tawa kay Xavier dahil sa mga jokes niyang walang kasing korni! Hind rin kasi mainit ngayon kahit na tanghaling tapat kaya naisipan naming tumambay. Namiss ko rin to. Na miss ko ang pakiramdam na to.
"Tawa ka ng tawa jan. Pramisssss! Bading talaga yang number 10! Tingnan mo binigyan pa ng tubig ang number 5! Tingnan mo, nag pa cute pa." sabi niya sakin habang tinuturo yung naka number .
"HAHAHAHA.. Wag na nga! Pinagtitripan mo naman sila eh." Sabi ko sabay hampas sa kanya.
"Araayyy naman Rea! Sumisimple ka para mahawakan ang abs ko ah. Ano? type mo ko noh? Ayeeeeeeee.." parang tanga niyang sabi tapos siya naman yung parang kinilig. May topak rin tung lalaking to ah, dinaig pa ang babae kung kilikigin. Tch!
"Nakakatawa ka kasi eh.." sabi ko sabay iwas nang tingin. Tiningnan ko yung naglalaro sa field habang may mga ngiti parin sa labi ko. Hindi ko matukoy pero nag eenjoy talaga ako sa laro nila. Parang ngayon lang yata ako naka relax.
"Masaya ka?" parang sira na tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Anong problema nito? Tawa siya nang tawa kanina tapos ngayon biglang lulungkot ang itsura.
"Oo naman." masigla kong sagot. Masaya naman ako kung walang asungot sa paligid ko. Tsk!
"Mas masaya ka sakin ....................kesa kay Gee?" nawala yung ngiti ko.
Natahimik kami pareho. Napaiwas ako ng tingin pero ramdam ko nakatingin parin siya sa akin. Katabi ko lang rin kasi siya. Bakit naman kasi magtatanong siya tungkol sa lalaking yun?! Ayoko siyang isipin kahit ngayong araw lang, nakakapagod kasing lagi na lang siya yung pinoproblema ko. Nakakaloka rin minsan!
Pero dahil nasimulan niya na ring itanong parang gusto kong sabihin sa kanya ang hinanakit ko. Hindi na rin kasi iba sakin si Xavier dahil para ko na rin siyang kuya. Madalas nga naiisip ko sana nag pa ampon nalang ako sa kanila. HA! Baka mas naging maayos ang buhay ko. Mabait naman sakin si Xavier kaya wala akong problema sa kanya.
"Ba't ka ngumingiti mag isa jan?" tanong niya.
"Ampanget mo kasi.. HAHAHAHAHA." Tukso ko pa sakanya saka tumayo. Gusto ko munang iwanan ang lungkot at problema kung saang lupalop ng imperno ang impaktong yun. Ayaw kong banggitin ang pangalan niya kasi feeling ko mabibilaokan ako.
"Anooo? Ako pangit? Sa macho kung to?" tanong nya habang pinapakita nya yung muscles niya kahit wala naman. Ang totoo niyan, gwapo si Xavier, moreno, matangkad kasi syempre basket ball player siya, tyaka malambing at makulit. May abs rin siya kasi minsan ko na siyang nakitang hinubad ang tshirt niya sa twing may practice sila.
“HA! Paki ko sa muscles mo!? Mas malaki pa yatang muscles nang lamok kesa niyang sayo!” sagot ko pa sa kanya saka tumawa nang malakas.
Tawa lang kami ng tawa. Parang nawala yung stress ko.
Napahinto ako sa pagtawa ng maramdaman kung may nakatingin sa akin. Iba talaga yung pakiramdam na may ibang nakatitig sayo, nakakapanindig balahibo. Kinakabahan ako! Napatingin ako sa taas. Marami din palang nanunuod. Sa katunayan masaya naman ang laro at halatang enjoy na enjoy rin ang mga manunuod. Pero hindi yun ang problema ko ngayon! (oOo)
Nakita ko sa taas si Asher! Iba yung tingin niya samin. PATAY!!
Nakita niya ako….at ang malala…kasama ko si Xavier! Lagot ka na naman nito Alexa! Ang tanga-tanga kasi eh!
Tumalikod agad ako. Kinakabahan ako. Kasama ko pa si Xavier. Galit na naman siya. Anong gagawin ko?
Hindi rin naman siguro niya ako susugurin diba? Kasi pag mag kasama kami ni Xavier ganun lagi ang tingin niya na para siyang papatay pero nakatingin lang naman siya. Hindi siya lumalapit. Ayaw na ayaw niyang nag mumukhang talunan. Napabuntong hininga nalang ako. Ito ba ang pagmamahal na tinatawag mo Asher? You are selfish bastard!
"Oh? Bat parang nakakita ka ng multo? May sakit ka ba? Ang putla mo.." hinawakan niya ang nuo ko. Multo? Sana nga multo nalang ang nakita ko! Pero hindi eh, si Kamatayan yung nakita ko at parang sinasabing 'run-for-your-life'.
Tinabig ko agad ang kamay niya. Sana lang hindi na nakatingin si Asher. Kinakabahan ako. Baka anong gawin ni Asher lalo na kung makita niyang hinahawakan ako nang ibang lalaki...at hindi lang siya basta lalaki..Siya si Xavier. Myghaaad! Pakiramdam ko mahihimatay na ako rito sa kina uupuan ko.
"Nagugutom lang." matipid kung sagot.
Bigla namang dumating si Xyla. Parang kabuti.
"OMG! Kanina ko pa kayo hinahanap! Best hinahanap ka kanina ng asawa mo. Wait. Sayo natung pagkain ko. Tumawag si mama. Pinapauwi ako. Emergency daw." walang hinga-hingang sabi ni Xyla tapos umalis. Wow! Ang galing talaga nang timing ni Xyla. Sana sinabi ko nalang na naiihi ako edi sana inidoro nalang yung dinala niya. Tch!
"Anyaree dun?" tanong ko habang hawak yung burger at juice. Wow talaga! Kasasabi ko lang gutom ako diba tapos to the rescue agad ang bestfriend ko! Ang ganda talaga nang timing nun. Ang lakas lagi makaramdam!
Napatingin ako kay Xavier na nakatingin lang din sa akin.
"Kain tayo." aya ko sa kanya at iniharap ang burger sa mukha niya.
“Wag na, kulang pa yan sayo eh!” hinampas ko naman siya sa braso niya saka naman siya tumawa nang malakas, "Joke lang, kumain na ako kanina sa meeting eh." tanggi niya.
Nilantakan ko na yung pag kain. Grasya na eh! Masarap talaga pag libre! Sana naman ulit-ulitin to ni Xyla. HA! Abusado talaga ako. HAHA.
Napatingin ulit ako sa taas kung saan ko nakita si Asher habang ngumunguya nang burger. Wala na siya?? Saan na yun? Lagoooot na naman ako sa kama nito mamaya. Eh! Parang namula naman ako sa naiisip ko. TSS! Mas mabuti na sigurong nanjan si Xavier, at least hindi ako basta-basta nalalapitan ni Asher!
Pero...pero...paano pag sa bahay na? Arrrrggg! Kahit saan tingnan, wala parin akong ligtas sa kanya. Hawak niya ako at kahit anong gawin ko hinding-hindi niya ako bibitawan hanggang hindi niya ako nalulosyang! Wala na talaga akong pag asang makahanap nang makakasabay ko papunta sa sinasabi nilang FOREVER!
Inis kong kinagat ang burger tapos iinum nang juice, kain ulit. Kung sino sigurong makakita sakin ngayon, iisipin talaga nilang may galit ako sa burger na kinakain ko! Kainis eh!
"Tissue oh?" sabi ni Xavier.
Tiningnan ko lang siya. Anong gagawin ko sa tissue niya? Kung pwede ko nga lang sanang burahin sa Mundo si Asher gamit ang tissue na yan, malamang ginawa ko na. Hindi kayang ayosin nang tissue na yan ang buhay ko. Teka, bat ba ako napadpad sa tissue? Pakialam ba nang tissue? Bat ko ban nire-relate sa tissue ang kung anong meron kami ni Gee? Hay!
Hindi talaga napapagod si Gee! Kahit sa isipan ko hindi siya ma alis-alis.
Nagulat ako nung pinunasan ni Xavier ang gilid ng lips ko. Napahawak ako malapit sa pinunasan niya at tiningnan siya. Ang lapit naming dalawa, nakatingin lang ako sa mukha niya habang siya nakatingin sa may labi ko kung saan malapit sa pinunasan niya.
"Para ka namang bata kung kumain eh." sabi niya tapos ngumiti.
blink * blink *
Ampogeeeeee *U*
Nagkatinginan kami sa mata habang yung kamay niya ay nilapit niya sa may lips ko. Gwapo naman si Xavier pero alam ko sa sarili ko na hanggang paghanga lang naman tong nararamdaman ko. Hindi kasi ako basta bastang naniniwala sa pagmamahal. I mean, I believe in love pero hanggang hindi ko nararamdaman ay patuloy ko paring sasabihin na hanggang pag hanga lang talaga ako.
Umiwas ako ng tingin. Aish! Feeling ko para akong cheater! Teka? Sinabi ko ba yun? CHEATER??? Kanino?? Kay Asher? Pwede ba! Hindi ko siya mahal at papel lang sa kasal ang nag uugnay samin!! Hudas siya!
Umiwas ako nang tingin at inalis ang pagkakahawak niya sa labe ko.
“Ahem!” ubo ko kunwari. Pakiramdam ko namumula yung pisngi ko sa itsura naming kanina. Nakakahiya talaga, kababae kong tao at naturingan pang may asawa saka naman ako lumandi nang bongga! Pero again, hindi ako lumalandi, sadyang marami lang talagang tukso sa mundo.
"Kamusta ka na pala?" tanong niya na nakatingin sa harapan. Kanina pa kami rito pero ngayon niya lang ako kinamusta. Okay rin tung lalaking to ah.
"Okay lang naman. Nakakatamad kasing mag aral. Kainis. Kahit minor palang yung subject namin ngayon kay hirap naman kasi. May mga research pa kaming kailangan gawin." Mahabang sagot ko. Gusto ko kasing tanggaling ang kaba sa dibdib ko at sa twing dumadaldal ako nawawala ang kaba nang puso ko. Teka, bat naman ako kakabahan? Gu-gu-gusto ko ba s-si…Aish! Ano ba tong naiisip ko!
"Ang ibig kong sabihin eh..... ano... kamusta ng may buhay asawa?" tiningnan ko siya pero nakayuko lang siya habang tinatanong ang tungkol dun.
"Alam mo Xavier, kung hindi lang kita kaibigan iisipin ko na may gusto ka sa akin. HAHAHA" awkward na tawa ko dahil nakaka kaba talaga. Pakiramdam ko nga na baka pag hindi ako nag biro baka katayin niya ako sa harap niya, pch! “Ang totoo, ganun parin naman ang takbo nang buhay ko, namin pala. Siguro nga parti na to nang buhay na pinili ko. Wala akong pera kaya kumapit ako kay Asher, gusto ni Asher nang ano..alam mo na.. yung..ay basta!” nahihiya ko pang sabi. Alangan naming sabihin kong gusto ni Asher yung mag jog jog ahh ahh kami. Nakakahiya yun lalo pa’t lalaki ang kausap ko! Ano ba?! *BLUSH* “Nabibigay niya naman ang pangangailangan ko at ganun na rin ako sa kanya.” Nakita kong niyukom niya ang kamao niya kaya inangat ko ang paningin ko sa mukha niya.
"Bakit? Porket ba kaibigan mo ako di na ako pwede mag kagusto sayo?" napatingin siya sa mukha ko kaya medyo nagulat ako, “Oo, sabihin na nating nabibigay mo ang pangangailangan niya pero hindi kinakailangan na ang kapalit nun ang kaligayahan mo! Wag mo namang hayaang maubos na ni Gee lahat na kung anong meron sayo! Lumaban ka!” sabi niya, “Pwede ka namang lumayo na sa kanya eh! Kung tutuosin bayad ka na dahil sa mga pagpapahirap niya sa buhay mo!”
Oo nga noh? Kasi naging mag kaibigan rin kami ni Hudas bago siya nagka gusto sakin. Wait? Porket ba kaibigan mo ako di na ako pwede mag kagusto sayo? Anong ibig niyang sabihin? At teka lang ha?! Bat parang iba ang dating nang sinabi niya sakin?
Una, pwedeng bang magkagustuhan ang mag kaibigan? Kung sabagay ganun rin ang nangyari samin ni Asher. Magkaibigan lang kami pero hindi ko inaasahang lalampas siya run. Pero hindi ko sinasabing gusto ko rin siya kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto at galit ang pumapaibabaw na nararamdaman ko.
Pangalawa, mauubos lahat ni Asher ang lahat nang kung anong meron ako? Wala na akong pag-aari na makukuha nang iba dahil lahat nakuha na! Kung tutuusin ay wala nang natira sakin. Kung mag sisikap ako, siguro makukuha ko pa ang kayamanan nang karunungan na kahit sino ay hindi ito makukuha at ako lang, bwaahahahaha.
Pangatlo, bayad na ako kay Asher? Siguro nga bayad na ako sa kanya dahil sa mga pasakit niya sakin. Baka nga pwede ko pa siyang kasohan dahil sa pananakit niya sakin at talagang nasaskal na ako! Pwede ko rin siyang makasuhan dahil sa pamimilit niya sakin na mag siping kami gabi-gabi, araw-araw, pero bakit may kung ano sa loob ko ang natatakot na malayo kay Asher? Na natatakot sa pwedeng mangyari pag nalayo kami ni Asher? No way! I don't want to be afraid with this. Mas nakakatakot parin si Asher.
"Ano bang pinupunto mo?" wala sa sariling tanong ko at napayuko.
"Paano kung gusto kita? Tapos gusto kitang iligtas sa utang mo kay Gee? Tatanggapin mo ba ako?" tanong niya. Napatingin ulit ako sa kanya.
Seyoso ba siya sa sinasabi niya???
Yumuko ulit ako, ang awkward kasi. Ako tung babaeng may asawa na demonyito tapos may lalaking ewan sa harap ko na nagtatanong kung tatanggapin ko ba siya? Anong gusto niyang isagot ko?! Pakiramdam ko nalunok ko yung dila ko! Seriously?
Hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kanya at ngumiti.
"Ang seryoso mo naman.. Hehe.. Pag isipan mo lang Rea.. Andito naman ako
eh....bilang kaibigan. Kahit kaibigan lang." pabulong niyang sabi yung huli.
Awkward naman akong ngumiti sa kanya. Siguro nga gusto niya ako pero hanggang dun lang yun. Naniniwala kasi ako na kung sino man ang nakalaan saking lalaki, kahit anong mangyari, magiging kami rin sa huli. And I thank you!
Napatingin ako sa likod ni Xavier.
Sa mga oras na to parang gusto kong bumukas ang lupa at kainin ako nang buhay! Pero parang walang planong bumukas nang lupa! Ngunit kahit ganun, gusto kong maghukay at ilibing ang sarili ko!
Magkaharap kami ni Xavier pero nasa likod niya ang paningin ko.
"Asher?" pabulong kong bigkas sa pangalan niya.
‘PATAY NA TALAGA! Anong gagawin ko?!’