~Cheska~
“Migs asasan kana ba?Sabi ko wait lang.!
“Migs bumalik ka ditto hindi mo ko pwedeng iwan.”
Muli akong napapikit matapos maalala ang tagpong iyon sa mall.Mahigit 5 buwan na ang nakalipas mula ng mangyari iyon subalit hanggang ngayon ay hindi parin masagot ang mga tanong sa akinng isipan.Kung Bakit tuluyan ng hindi nagbalik si Migs at sino nga ba ang lalaking nakita ko.
Hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako.May mga times na umiiyak parin ako.Madalas pa nga ay bigla na lamang tutulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan.Wala naman akong magawa kundi ang ipagdasal na sana isang araw ay magkarong linaw ang mga pangyayari at magkaron ng kasagutan ang mga tanong ko.
“Senyorita papasok na ko ah.” Wika ni yaya matapos kumatok
“Sure yaya.” Magalang kong sagot habang pinupunasan ang luhang lumandas sa aking muka.
“Ipapakuha ko lang ang mga gamit mo maya maya ay aalis na tayo.” Wika ni yaya pagkapasok
“Sige po.”
Pagkakuha ng mga gamit ko ay lumabas narin ang ilang maids.Naiwan si yaya at tumabi sa akin.
“Ready kana ba iha?”
“Opo, miss ko narin po ang villa.Excited po ako lalot ngayon ay kasama ko sila mama at papa.”
“Mabuti naman kung ganon,masaya ko para sayo.”
“Salamat po yaya.”
Uuwe kami sa villa kasama ang mga magulang ko sa unang pagkakataon upang magcelebrate ng christmas.Masaya ko dahil makakasama ko na sila nagyong pasko bagay na hindi nangyayari noon.Subalit nakakalungkot dahil babalik ako sa lugar kung saan ko nakilala ang lalaking labis na hinahanap ng puso ko.Babalik na naman ang mga alaala at sakit na dulot ng lalaking mahal ko.
Limang oras ang nagging byahe subalit para sa akin ay tila ang bilis nito.Hindi ko lamang siguro namalayan sapagkat okupado ni Migs ang isip ko.Baliw naba ko at nagging ganito ako sa isang multo.Sadyang mahirap labanan ang pag ibig,nakakainis nakakasakit.
Naunang bumaba sila mama sa sasakyan at huli nakong nakababa.Pakiramdam ko nanginginig anng mga paa ko.Gaya ng dati ay masaya kaming sinalubong ng mga tauhan ng villa.
Naghanda sila ng maraming pagkain, lahat ay masasarap subalit di gaya noon ay hindi ko magawang maexcite sa pagkain.Si Migs ang naaalala ko sa pagkain dito sa villa.Gusto kong ipikit ang mga mata ko sapagkat tila nakikita ko sa bawat sulot ng mansion ang imahe ni Migs.Hindi ko na ito kaya, ayokong kumuha ng atensyon sa oras na bigla na lamang akong maluha.
“Maglalakad lakad lang po ako.” Paalam ko sa mama ko
“Sige anak, pero wag kang magtatagal ah hapon na.” paalala nito
“Opo.”
Naglakad na ko palayo sa mansion.Tinahak ko ang daang papunta sa manggahan.Habang naglalakad ay Malaya kong inalala ang mga panahong magkasama kami ni Migs.
“Hoy multong makulit ano ba?Naiinis mo na ko ah.Wag ka ng magsinungaling dyan.” Naalala kong sigaw ko kay Migs noong Binubweset niya ko at binabalibag ng maliliit na bato.
Naupo ako sa ilalim ng manga kung saan kami laging tumatambay ni Migs.Habang nakaupo ay tila nakikita ko ang mga mangungulit at paglalambing niya sa akin.Sana ay sinulit koi yon,sana ay hindi na lamang ako nagsungit sa kanya.
“Ito ang gusto ko yung simpleng makasama ka lang.” wika niya noon habang nakaunan sa mga hita ko.
Napangiti ako habang inaalala iyon,naroon parin ang kirot sa bawat alaalang nagbabalik sa akin.
Nakakamis ang mga pangungulit niya, lalo ang paghawak niya sa kamay ko na tila ayawa niyang bitawan.
“Pahiram muna ng kamay mo.” Sambit pa niya.Sana ay noon ko pa hinawakan ang mga kamay mo Migs
“Sinusulit ko lang ang pagkakataong mahawakan ka.” Sana ay hindi kita binitawan,sana ay hindi ka nawala.
“Multo na ako Cheska at alam kong panandalian lamang ang kakayahan konng mahawakan ang buhay na tulad mo.Darating ang araw na hindi na kita magagawang hawakan.”
Napapikit ako ng mariin matapos maalala ang mga katagang iyon na sinasambit ni Migs sa akin noon.Kasunod noon ay biglang pagbabalik ng alaala ng panahon na unti unti ng nawawala si Migs sa harapan ko.Bumalik din ang takot at sakit na naramdaman ko ng panahong iyon.Muli heto na naman ako at lumuluhang muli.Napaupo na lamang ako sapgkat nanghihina na naman ang mga tuhod ko.Doon ay binuhos ko mga luha ko ,gusto ko silang maubos subalit tila walang katapusan ang luhang ito.Ilang minute akong nasa ganong ayos.Patuloy na umiiyak.Tumayo ako at mariing pumikit
“Migs I missed you.” Bulong ko
“I know.”
“Alam mo naman pala eh,bakit hindi ka pa bumalik!” inis kong tanong
“Andito na kaya ako.”
“Andito na baka sapukin kita dya------.”
“Migs?”