Chapter 14

1110 Words
~Cheska~ Kinabukasan ay naghanda na kami sa aming pag alis.Ayoko pa sanang umalis subalit tapos na ang bakasyon at kailangan ko ng bumalik sa maynila.Bago tuluyang umalis ay lumingon pa ko sa mansion.Muli ay umaasa na babalik siya. Sa aking pag alis ay dala ko parin ang lungkot na dulot ng pagkawala ni Migs.Sayang lang at hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya.Sana ay may babaunin siyang masayang alaala.Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang mga pangungulit niya sa akin. “Chesx, can we talk?” Mom’s asked “Sure ma.” I answered Tatlong araw na ang nakalipas mula ng bumalik ako sa maynila.Mula ng bumalik ako ay nagpasya ang mga magulang ko na magpahinga na muna upang makasama ako.Masaya naman ako at sa wakas ay may oras na sila sa akin.Sayang hindi ito makikita ni Migs. “What’s the problem anak?Im been seeing you so sad since to come home.Are you still mad with me at your papa?” malambing na tanong ni mama “No ma.Never po akong nagalit sa inyo.I understand that you need to work,para iyon sa akin at nagpapasalamat po ako.” “Kung ganon what makes you sad?” “Wala po ito, may namimis lang po ako.” “Ang lola mo?” Tumango na lamang ako upang hindi na magtanaong pa si Mama.Totoong namimis ko ang lola subalit kabiyak noon ay ang labis kong pagkamiss sa mahal ko.Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni mama,napapikit ako at kahit paano ay nakaramdam ng katahimikan sa aking pusot isipan kahit pandalian lamang. Hindi ko naman nais na maging malungkot palagi subalit hindi ko talaga maiwasan.Isang araw ay nag aya si mama na mamasyal, wala akong ganang gumala subalit ayokong biguin ang mama ko.Sumama na lamang ako at nagbabakasakaling maibsan kahit paano ang lungkot dito sa puso ko. “Anak gusto mo ba kumain daan muna tayo sa restaurant na paborito mo?” tanong ni mama Naroon kami sa sasakyan at pauwe na sa bahay. “Hindi na po,mas gusto ko ang luto ni yaya.” “Okay.” Nagpasalamat ako at hindi na nangulit si mama, wala talaga ko sa mood. Para bang wala na kong enerhiya para sa ibang bagay.Pakiramdam ko pagod na pagod na ako at ubos na ubos na.Ang hirap pala magmahal, lalo kung ang kalaban mo ay tadhana.Gustuhin ko mang magalit, pero kanino? Kay Migs na bigla na lamang nawala, na alam ko namang hindi niya iyon kasalanan o sa akin na hinayaan ko ang sarili kong mahalin ang isang multong sa una palang ay alam ko naman ng mali.Tila nahihirapan akong huminga sa sakit na aking nadarama. Heto na naman ako, naiiyak na naman.Bakit hindi ko mapigil itong luhang ito.Napansin kong pasulyap sulyap sa akin si mama.Ayoko namang mag alala na naman siya, pero ang peste kong mga luha ayaw makisama.Pinasya kong tumingin  sa right  side ko upang maitago sa mama ko ang mga luha ko. Sa pagnanais kong maitago ang mga luha ko ay isang pamilyar na muka ang lalong nagpagulo ng aking isipan. “Migs.” Gulat kong sambit ng mapagmasdan ang lalaki sa loob ng sasakyan. Hindi ako maaaring magkamali, muka iyon ni Migs, subalit bakit?Paano?Tahimik at walang reaksyon na nakasandal lamang sa upuan ang lalaki.Malayong malayo ang ayos nito sa Migs na kilala ko.Ang Migs na kilala ko ay makulit at palangiti subalit ang lalaking ito ay tahimik lamang.Ngunit sigurado ako,muka ni Migs iyon. “Migs.” Sambit kong muli “Migs” tawag ko subalit mabilis ng nakalayo ang sasakyan nito.Gusto ko sanang pasundan ang sasakyan subalit nag iba na kami ng dereksyon at hindi ko narin makita  kung saan nagtungo ang sasakyan niya. “Anak, bakit?Kilala mo ba yun?” tanong ng mama ko “Nagkamali lang po.” “Oh okay.” Hanggang sa makauwe kami sa bahay ay naguguluhan parin ako sa aking nakita.Paano nangyare iyon.Si Migs ay multo na at ang nakita ko ay buhay na buhay.Imposibleng namang kamuka lang,sobrang magkamuka talaga sila.Pero imposible ring si Migs iyon.Ano ba talaga?Gulong gulo na ako sa paano ko siya kakalimutan pagkatapos ay may ganito pang dadagdag sa isipan ko.   Mabilis lamang na lumipas ang araw.Araw araw ay nagpupunta ko sa lugar kung saan ko nakita si ang kamuka ni Migs.Nagbabakasakaling makita ko ulit siya subalit hindi na nangyare.Hindi ko na ulit nakita ang lalaking iyon.Nagpasya din akong umuwe sa probinsya tuwing weekend, umaasang nagbalik na si Migs, subalit bigo parin ako.Isang buwan na simula ng makita ko ang lalaking iyon isang buwan narin ang nakalipas na pabalik balik ako sa probinsya.Gaya ng dati heto ako patuloy na umaasa. Isang araw ay pauwe na ako galing sa school ng maisipan kong pumunta muna sa mall.Malulungkot lamang ako sa bahay dahil maiisip ko na naman si Migs.Kanina pa ko palakad lakad ditto,kakain, lalakad, bibili paulit ulit lang.Hindi ko namalayan nabangga na pala ako ng isang bata at natapunan pa drinks na daka nito. “Sorry po.”sabi niya na tinanguan ko na lamang. Nagpupunas ako ng damit ng sa pagtaas ko ng aking paningin ay isang lalaki ang kumuha ng aking atensyon.Ang lalaking pinagdadasal kong makita ulit, ang lalaking kahawig ni Migs.Naglalakad ito kasama ang isang ginang na sa tingin ko ay ina nito at isang babae na tila personal maid . “Migs!” wika ko at nagmamadaling maglakad upang lapitan ito Binilisan ko ang lakad ko upang maabutan ko sila subalit madaming tao sa mall kayat nahirapan akong makalapit agad.Nakita kong papalayo na sila kayat nakaramdam ako ng pag aalala. “Migs!Migs wait!” sigaw ko upang maagaw ang atensyon niya subalit tila hindi niya ako naririnig. Tumakbo ako upang mhabol sila at tinawag ko na rin ng paulit ulit subulit baliwala lang.Patuloy ako sa pagtakbo ngunit patuloy naman siya sa paglayo sa akin.Hanggang sa hindi ko na sila makita.Inikot ko ang paningin ko sa mall upang hanapin siya. “Migs.Migs.Migs” tawag ko ng paulit ulit.Ayokong sumuko, hahanapin ko sya kaialangan kong malaman ang totoo.Sino siya at bakit magkamuka sila ni Migs. Takbo parin ako ng takbo hanggang sa nadapa na ako at hirap ng tumayo. “Migs nasan kana ba? Sabi ko wait lang eh.” Umiiyak kong sambit habang nakaupo sa floor ng mall.Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin at nagbubulungan. “Migs bumalik ka dito hindi mo ko pwedeng iwan.” Malakas na ang iyak ko at dumadami na rin ang taong nakatingin sa akin.Labis akong nasasaktan at wala akong alam gawin kundi ang umiyak.Hindi ko na kayang pigilan, tuluyan na akong sumabog.Ang sakit na dulot ng pagkawala ni Migs ay labis na dumurog sa puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD