Chapter 13

1283 Words
~Cheska~ “Migs sandali,hintayin mo ko,wag mo koi wan!!” naiiyak kong sigaw habang tumatakbo Takbo ako ng takbo habang hinahabol si Migs subalit kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi siya huminto at tila hindi niya ako naririnig.Pagod na pagod narin ako subalit hindi ko magawang makalapit sa kanya.Hanggang sa nadapa na ako sa labis na pagmamadali at tuluyan nan gang nakalayo si Migs. “Migs don’t do this  please!’ sigaw ko pang muli “Senyorita ,senyorita, gumising ka!” nag aalalang wika ni yaya Celia “Migs!!” sigaw ko kasabay ang pagbagon sa aking pagkakahiga.  “Nanaginip ka senyorita.” Wika ni yaya Celia Hinihingal ako habang pinagmamasdan ang nakatingin na si yaya celia.Naramdaman kong basa ang aking pisngi.Nanaginip lamang pala ako,buti na lang at panaginip lamang iyon.Pero bakit ganon pakiramdam ko ay totoo at hanggang ngayon ay damang dama ko ang takot. “Iha uminom ka muna ng tubig.”Wika ni yaya at inabot sa akin ang tubig. “Ano ba ang panaginip mo at nagsisigaw ka.Narinig ka nalang naming kanina na sigaw ng sigaw,sino ba si Migs?” tanong pa ni yaya Doon ko naalalang hanapin si Migs sa loob ng kwarto ko.Nagpalinga linga ako upang tingnan kung nasa paligid si Migs subalit wala ito.Muli ko na namang naramdaman ang kaba at takot mula sa aking panaginip. “Iha okay ka lang ba?Sino ba yung Migs na tinatawag mo sa panaginip mo?” muli ay tanong ni Yaya,naririnig koi tong lahat subalit an atensyon ko ay wala sa mga iyon Nagmamadali akong bumangon upang hanapin si Migs.Hindi na ako ang abala pang sagutin si yaya, alam kong hindi rin niya maiintindihan. “Senyorita teka saan ka pupunta?”tanong niya muli subalit gaya kanina ay hindi ko na siya pinansin.Kailangan kong Makita si Migs. Nagpunta ako sa kitchen ngunit wala siya doon.Pinuntahan ko rin ang lahat ng parte ng mansion subalit wala pa rin.Nagmamadali akong puntahan si Kiko at nagtungo sa villa subalit kahit saan ay wala akong makitang Migs.Sa ilog, sa sagingan, sa ilalim ng manggang aming madalas puntahan, wala parin.Namalayan ko na lamang ang sariling nakaupo sa hardin habag umiiyak.Patuloy sa pag agos ang aking mga luha,at patuloy na nadudurog ang aking puso. “Kababalik mo lang kahapon, umalis ka na naman.” Natatakot ako,sunod sunod na ang biglang pag aalis niya.Pero hindi ito pwede, alam kong babalik siya, kailangan kong maghintay maging matatag.Sigurado akong babalik siya.Hindi niya ako iiiwan. Nang dumating ang hapon ay wala parin si Migs.Pinigil ko ang maluhang muli, marahil bukas ay uuwe na yon.Bukas ay hahanapin ko siyang muli.Hindi ako mawawalan ng pag asa. Patuloy akong umaasa na babalik si Migs.Araw araw ay naghanap ako at naghihintay sa kanyang pagbalik.Ngayon ay nagpasya akong hanapin ang sinasabi niyang mahabang daan na may mga kakahuyan. “Senyorita ito na po ang sinasabi mo.Ito lamang po ang alam kong mahabang daan sa tabi  ng kakahuyan dito sa atin.” Wika ni Mang Karding “Mang Karding, may nabalitaan po ba kayong naaksidente dito?” tanong ko nng maalala ang sinabi ni Migs na aksidente “Nako senyorita takaw aksidente ang lugar na ito.Kadalasan ay walang nakakaligtas sa mga naaksidente dito.” Sagot ni Mang karding “Alam nyo po ba kung kelan ang huling aksidente ditto.?” “Sa pagkakatanda ko po, 2 buwan mahigit na ang nakakalipas.Isang pamilya ang nabangga sa punong iyon.” Tinuro niya ang punong Malaki sa di kalayuan. “Ang sabi ng nakakita iniwasan daw po ang malaking truck kaya lamang sa puno naman bumangga.Kawawa nga po ang balita ko patay daw yung mag anak.” Nanghina akong lalo sa narinig ko,ang aksidenteng iyon kaya ang pamilya ni Migs.Dito nga ba namatay si Migs, bakit hindi siya nadala sa ospital?Bakit hinayaang mamatay si Migs ang bata pa niya. Pinilit kong lumakad kahit nanginginig ang aking mga tuhod.Sinikap kong lumapit sa puno kung saan sinasabing bumangga ang sasakyan ni Migs.Bakas pa sa puno ang nagging pagbangga ng sasakyan dito.Sinubukan kong hanapin si Migs,nagpalinga linga at pilit na lumakad kung saan saan. “Migs.Migs.Migs.Asan kana ba?Diba nangako kang hindi mo ko iiwan?” hindi ko na napigilang sigaw. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili,naiiyak na naman ako.Nasasaktan ako,bakit nangyayari ito.Bakit kailangan kong makilala ang kaawa awanng multong iyon.Bakit kailangan kong malaman ang sinapit niyang pagkamatay.Bakit sa dinami dami ng tao bakit sa isang multo pa ako nasasaktan ng ganito.                                     ………………………………….. Hindi ko na alam kung saan ko hahanapin si Migs,ilang araw na mula  ng mawala siya at hanggang ngayon wala prin siya, hindi ko na alam ang gagawin ko. “Senyorita malapit na mag gabi, halika na pumasok na tayo sa loob.” Tawag ni yaya Narito ako ngayon sa labas ng masion nakaupo at nakatanaw sa gate,naghihintay sa pagbabalik ni Migs.Halos araw araw ay ginagawa koi to,umaasang babalik siya.Tahimik akong naglakad papasok sa mansion.Alam kong nag aalala na sila sakin lalo na si Yaya subalit hindi ko talaga kayang maging ibalik ang dati kong sigla.Hindi ko rin naman magawang ikwento sa kanila ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito, lalo lamang silang mag aalala. Days had past and it’s been a week since Migs suddenly dissaper.Everyday I was hoping that Migs will be back at my side.It hurts me so much thinking that he might never come back. “Bweset ka Migs,sobra ka nang naglilibang.Kulang pa ba ang 1 week at hanggang ngayon wala ka parin?” inis kong sambit Narito ako ngayon sa ilog at nagsasalitang mag isa.Para akong tanga,kinakausap ang multong iniwan akong bigla. “Pag bumalik ka masasaktan ka talaga sa akin!” “Migs andito ka lang bas a tabi ko?Hindi lang ba kita nakikita?Tapos na ba ang oras na binigay sa atin?” umiiyak kong tanong Baka nrito lamang siya sa aking tabi at hindi ko lang siya makita.Ipinikit ko ang mga mata ko at muli ay humiling. “Pakiusap po,gusto ko pong makita muli si Migs,kahit sandali lang.Kung sakaling kaialangan na niyang umalis ng tuluyan tatanggapin ko po.Alam ko naman na mapapabuti siya sa piling mo mahal na panginoon.Isa lang po ang pakiusap ko,sana ay makausap ko siya at mkapag paalam ng maayos kahit sa huling pagkataon.” Umiiyak ako habanng binabanggit ang mga katagang iyon.Sa pagdilat ko at lalo akong napaiyak ng hindi ko makita si Migs.Marahil ay hindi na talaga pwede. “Migs yakapin mo naman ako.Pakiusap.” Masakit pero alam kong hindi ko pwedeng ipilit ang nais ko.Malungkot akong umuwe sa mansion.Tulad ng dati ay nagderetcho ako sa kwarto ko.Dinalhan ako ni Yaya ng pagkain subalit wala akong ganang kumain. “Yaya pasensya napo hindi po ako nagugutom.” “Sige,inumin mo nalang itong gatas mo.”wika niya “Anak, alam kong may pinagdadaanan ka,alam ko ring hindi mo pa kayang magsabi sakin.Gusto kong malaman mo na kapag handa kana,nandito lang ako.” Nakangiting pahayag ni yaya “Salamat po.” Tugon ko at yumakap sa kanya “Sige na magpahinga kana maaga pa tayo bukas.” Tumango na lamang ako at pinagmasdan ang paglabas ni Yaya.Kinuha ko ang isang box at mula roon ay inilabas ko ang bulaklak na huling bigay sakin ni Migs.Naisip kong maglagay ng malaking sulat dito sa aking salamin.Upang kung sakaling bumalik si Migs at wala na ako ay malaman niyang babalik din ako dito. “Migs bumalik kana, aalis na ako bukas.” Muli na anamn akong naluha.Patuloy akong nagungulila sa multong nagging sanhi upang magulo ang tahimik kong buhay.Ang makulit na multo na nagpasaya sa malungkot kong buhay. “Mahal kita Migs.” Wika ko bago ipinikit ang aking mga mata.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD