Chapter 7

1435 Words
Umaga pa lamang ay naghahanda na ang mga tauhan sa mansion at maging si Cheska ay abalang abala sa mga Gawain.Ilang oras na lamang kase ay magdadatingan na ang mga kaibigan ni Cheska mula sa Maynila. Cheska was so excited to see her friends because she really missed them.It’s been 6 weeks since she came in mansion for vacation. Samantala unti unti narin siyang nasasanay sa presensya ng makulit na ghost na si Migs. “Mang Karding pakibuksan po ang gate sila na po iyan.” Magalang na pakisuyo ni Cheska Mabilis namang sumunod si Mang Karding at pinagbuksan ang isang itim na Van na paparating.Dalawang lalaki ,dalawang babae at isang bading ang  bumaba sa sasakyan at masaya silang sinalubong ni Cheska. “My god Chesx it’s so malayo!Pagod na pagoda ketch.” Sambit ni Bading “Grabe ang arte mo.” Girl 1 “Kase magand ako.” Bading “Kapal ah.Buti wala si Louisa kundi supalpal ka na naman don.” Girl 2 “Hoy magtigil nga kayo.Naku Chesx pasensya ka na alam mo naman yang mga yan.Thanks nga pala sa pag invite samin.” Guy 1 “It’s okay Ralph sanay nako.By the way Im happy that you guys are here.I missed you all.” “We miss you too Chesx.” Sambit naman nung isang lalaki na Nathan ang pangalan “Namiss ka naming lahat pero mas namiss ka ni Nathan.” Bading Nagkatinginan naman sina Cheska at Nathan at kapwa namula ang mga pisngi. “Oh group hug .” sigaw naman ni Ralph “We miss you Chesk.” Sambit ng lahat Walang humpay na kwentuhan ang ginawa ng mag kakaibigan at namasyal na rin sila sa buong villa.Lahat ay nagging masaya lalong lalo na si Cheska.Kapansin pansin naman ang pagiging malapit ni Cheska at ni Nathan, at hindi iyon nakatakas sa paningin ni Migs. “Boyfriend mo yon?” pangungulit ni Migs kay Cheska Naglalakad na pauwe ang magkakaibigan kasama si Migs at dahil sa pangungulit nito ay nagpasya si Cheska na magpahuli sa paglalakad. “Hindi nga were just friends.” Bulong na sagot ni Cheska “Were just friends ka pa dyan, kitang kita naman na more than friends kayo.Super sweet kaya sayo super concern pa.” “Kulit mo friends nga lang.” gigil na wika ni Cheska “Bakit ka inis guilty ka kase?” pang aasar pa ni Migs “Ano naman sayo kung guilty ako?” sa inis ay nawika ni Cheska Medyo nagsalubong ang kilay ni Migs matapos marinig ang sinabi ni Cheska.Magsasalita pa sana siya ng lumapit si Nathan “Hey bakit nag iisa ka dyan?Come with me sabay na tayo.” Nakangiting wika ni Nathan “Wag ka ngang epal singkit.” Inis na sagot ni Migs Hindi na nakapagreact pa si Cheska ng hawakan ni Nathan ang mga kamay niya at sabay na silang naglakad habang nagulat naman si Migs. “Aba bastos tong singkit na to ah, kitang nag uusap pa kami eh.” Inis na sambit muli ni Migs Nauna ng maglakad si Cheska at Nathan habang naiwan naman si Migs. “May pahawak hawak ka pa ng kamay,hoy ibalik mo sa akin si Beauty ko.” Sigaw ni Migs Inis na hinabol ni Migs ang dalawa at patuloy sa kakasigaw kahit naririnig ni Cheska ay hindi na lamang niya pinansin.Nasa mansion na sila ng abutan ni Migs ang dalawa at walang sabi sabi na hinila sa kamay si Cheska. “Aray ano ba?” pabulong na tanong ni Cheska “Friends pala ah may pahawak hawak pa kayo ng kamay!” inis na inis na wika ni Migs “Chesx may problem aba?May sinasabi ka ata?” Nathan “Wag kang epal singkit.” Migs “Wala Nathan, mauna na muna kayo sa loob susunod na lang ako.” Sagot ni Cheksa “Ha bakit?” Nathan “Mag uusap kami angal ka?” Migs “Basta mauna na kayo.”Sagot ni Cheska at pinagtulakan na si Nathan sa loob ng mansion Wala nang nagawa si Nathan kundi ang pumasok sa loob ng mansion. “Kawawang singkit pinagtabuyan buti nga sayo.” Tumatawang wika ni Migs Inis na binatukan ni Cheska ang tumatawang si Migs. “Problema mo?Bakit pati pagholding hands naming pinupuna mo?” inis na tanong ni Cheska “Wala lang sabi mo kase friends lanng kayo tapos---- “Eh ano naman ngayon?Bakit bawal magholding hands ang friends?” putol ni Cheska sa sinasabi ni Migs “Hindi naman.” “So bakit mo to ginagawa?Selos ka?” deretchahang tanong ni Cheska na nagpagulat kay Migs “Hoy hindi ah, bakit naman ako magseselos, sino kaba sa akala mo?” “Yun naman pala,edi manahimik ka dyan.” Pahayag ni Cheska saka tumalikod na at akmang aalis na “Oo naman no,kahit ghost ako chussy rin ako no.” sigaw ni Migs Bigla namang huminto sa paglalakad si Cheska at sa inis ay lumingon ito sa kanya. “Wag kang matutulog sa kwarto ko!” sigaw rin nito at nagmadali ng umalis “Hoy wag naman ganon.” Pahabol na sigaw pa ni Migs “Tsk sungit talaga akala mo naman kung sino, haist sino ka nga ba?” inis na wika niya Sa sobrang inis ay tumalikod na sa mansion at hahakbang n asana palayo subalit muli itong humarap. “Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako andito.”wika niya at pumasok na sa mansion Dahil sa pagod ay maagang nagpahinga ang magkakaibigan at gaya ng sinabi ni Cheska ay hindi pumasok si Migs sa kwarto niya.Sa halip na kulitin si Cheska ay nagtungo si Migs sa kwarto ni Nathan. “Wow ang sarap ng higa mo singit ah,pangiti ngiti ka pa dyan sipain kita dyan eh.” Inis na sambit ni Migs habang nakatayo sa tabi ng nakahigang si Nathan “Kasalanan mo yo , hindi tuloy ako makapasok sa kwarto ni Beauty.Pasalamat ka kundi dahil kay beauty sinaktan na kita,” dagdag pa niya “May araw ka rin sa akin.” Wika pa niya pagkatapos ay tumalikod na upang umalis “I like you Chesx.” Sambit ni Nathan na nagpahinto kay Migs “Anong sabi mo?” tanong niya pagkalapit niya Kay Nathan “I like you so much Cheska.” Ngiting sambit ni Nathan “Aba loko ka talaga, hindi ka pwedeng magkagusto sa kanya!” sigaw ni Migs Ipinikit naman ni Nathan ang mga mata upang matulog na, na lalong nagpainis kay Migs “Bastos ka talagang singkit ka.Ayaw mo kong pansinin ah teka.” Nag isip saglit si Migs at pagkatapos ay lumapit siya sa mga bintana at binuksan lahat ito dahilan upang pumasok ang malamig na hangin sa loob.Nakaramdam si Nathan ng malamig na hanging dumampi sa kanyang balat at naagaw ng bintanang nakabukas ang kanyang atensyon.Tumayo siya upang isirado ang mga bintana nang bigala na lamang nabasag ang flower vase na naroon. Nilingon ni Nathan  ang pinagbagsakan ng vase, napakunot ang kanyang noon sapagkat sa pagkakatanda niya ay nakita pa niyang nasa gitna ng lamesa ang vase.Kaya paano ito bumagsak gayong wala namang tao sa kwarto maliban sa kanya.Samantala lalapitan pa lamang sana niya ang nabasag na vase ng biglang magbukas ang mga bintanang sinara niya.Napaatras si Nathan ng muli ay nagtaka kung paanong sabay sabay na bumukas ang mga iyon.Maya maya pa ay gumalaw naman ang sopang naroon, saglit lang naman at huminto rin ito.Ngunit ng humakbang na si Nathan pabalik sa kama ay gumalaw ulit ang sopa at huminto lang ng huminto si Nathan.Gayon na lamang ang takot niya kayat nagmamadali siyang bumalik sa kama habang mabilis na gumagalaw ang sopa. “Sinong nandyan?Hindi nakakatuwa yang ginagawa mo!” natatakot na tanong ni Nathan Walang sumasagot sa tanong niya sa halip ay patuloy sa paggalaw ang sopa ay bukas sara naman ang bintana.Nagpatay sindi pa ang ilaw na lalong nagpatakot kay Nathan dahilan upang magsumiksik siya sa dulo ng kama. “Hey stop that hindi na nakakatuwa!” sigaw niya Kahit natatakot ay tumayo si Nathan at sinubukang buksan ang pinto subalit hindi niya ito mabuksan.Isang malakas na hangin ang pumasok sa loob at nagsarahan ang mga bintana at namatay rin ang ilaw.Nagtatakbo siya patungo sa kama at nagtalukbong ng kumot “Langya ka singit duwag ka naman pala.” Tumatawang sambit ni Migs. Pinatay sindi ulit ni Migs ang ilaw gaya ng ginagawa niya kanina.Tuwang tuwa ang lokong multo sa pananakot kay Nathan, habang takot na takot ito.Halos magdamag na tinakot ni Migs si Nathan kaya hindi na ito halos nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD