Chapter 8

1301 Words
~ Cheska ~ “Bakit mo ginawa yon?” galit kong tanong sa multong ngayon ay kaharap ko na. Umaga pa lamang ay narinig ko na ang usapan ng mga kaibigan ko tungkol sa nangyare kay Nathan kagabe.Takot na takot ang mga kaibigan ko dahil sa nakakatakot na karanasan ni Nathan.Kita ko ang malalim na itim sa mga mata ni Nathan na tanda na hindi ito nakatulog ng maayos kagabe. Isa lang ang naisip kong maaaring gumawa ng pananakot na iyon, iyon ay walang iba kundi ang multong ito.Nang gigigil ako sa inis kayat hinanap ko agad siya at narito kami ngayon sa may hardin. “Ang alin?” taka pa kunwaring tanong nito “Bakit mo tinakot si Nathan?” “So nagsumbong na pala sayo?” “So ikaw nga ang may gawa non?” “Oo ako nga,nakatuwaan ko lang naman siya, malay ko bang matatakot siya ng gan---.” “Hindi mo dapat giinawa iyon!” sa inis ay pinutol ko agad ang sanay sasabihin niya. “Hindi lahat ng ginagawa mo ay nakakatuwa.Hindi dahil hindi ka niya nakikita ay gagawan mo na siya ng kalokohan.” “Grabe ka naman magreact,tinakot ko lang naman siya ng konte.” “Konte?Eh halos hindi na nga nakatulog yung tao.Palibhasa wala kang iniisip kundi ang sarili mo, wala kang pakialam kahit makasakit ka pa ng kapwa mo.” Gigil kong sumbat sa kanya Hindi ko na mapigil ang inis ko sa kanya.Bukod sa kaibigan ko si Nathan ay may munting pagtingin ako sa kanya.Hindi ako natutuwa sa dinanas niya dahil lang pantitrip ng multong ito.Naiinis ako dahil wala namang ginagawang masama yung tao. “Grabe ka naman sa akin, alam mo namang hindi ako ganon diba?” nagdadamdam niyang wika pero sarado ang isip ko sa pag arte niyang iyan. “Akala ko rin pero nagkamali ako,hindi ka pala good ghost.Kung nagawa mong takutin ang walang kamalay malay na tao, maaari mo rin siyang saktan.” Pahayag ko at tumalikod na “Wag mo nang gagalawin si Nathan kundi ako ang makakalaban mo.Wag ka na ring magpakita sa akin.Layuan mo na ako,ayaw kong magkaroon ng kaibigang sinungaling ay masama.” Sa inis ay nigla kong nasabi Kitang kita ko sa mga mata niya ang panlulumo at sama ng loob.Alam kong sumobra ako sa mga nasabi ko, pero anong gagawin ko hindi talaga tama ang ginawa niya.Nang dahil sa ginawa niya ay natakot ang mga kaibigan ko ay nagpasyang umuwe na.Sa halip na makasama ko pa sila ay naputol agad sapagkat pinutol ng sakim niyang damdamin. Wala na ang mga kaibigan ko, wala na rin si Migs.Simula nung paalisin ko siya ay hindi ko na siya nakita sa buong villa.Ano pa nga ba ang aasahan ko, pinagsalitaan ko ng masasakit pinalayas ko pa.Kung alam niya lang, nasasaktan din ako.Ayoko maniwalang masama siya, at ayokong maging masama siya kaya ganon na lang din ang inis ko.Nang bitawan ko ang mga salitang nakasakit sa kanya ay naramdam ako ng guilt sapagkat I know that was too harsh.But when the time he go away I felt something strange, and I cant explaint it. “Senyorita magmeryenda ka muna.” Wika ni Yaya Celia matapos ibaba ang dalang meryenda. Narito kami sa hardin at nakaupo lamang habang pinagmamasdan ko ang mga halaman.Limang oras na rin ang nakalipas simula ng umalis ang mga kaibigan ko at ng paalisin ko si Migs. “Senyorita?” rinig kong tawag ni Yaya “Po?Bakit po Yaya?” “Dinalan kita ng meryenda pero hindi mo naman pinapansin.” “Ah sorry po yaya.” Sagot ko at kahit walang gana ay sinimulan kong kainin ang sopas na dala ni Yaya “Siguro naiinip ka no?Kung sa bagay wala ka na naman kaseng kasama, nakakainip talaga.” Nailing na pahayag nito “Meron sana Yaya kaso pinaalis ko.” Bulong ko sa isip ko                                                  ……………………………………………. Simula ng umalis si Migs ay hindi na ito bumalik at ngayon nga ay pangalawang araw na mula ng wala ito sa tabi ko.Aaminin ko hinahanap hanap ko ang kakulitan niya at nalulungkot ako sa pagkawala nito sa tabi ko. Isang araw nagising na lamang ako na hinahanap ko si Migs at gusto kong pabalikin.Nagpasya akong hanapin ito sa buong mansion subalit hindi ko ito nakita.Nagpasya akong maglibot sa villa at nagbabakasakali na Makita siya roon ngunit bigo ako.Namalayan ko na lamang ang sarili na narito na pala ako sa ilog.Nakita ko rin siya sa wakas,nakaupo at malungkot. “Bakit hindi ka pa umuuwe?” tanong ko pag kaupo sa tabi niya Nagulat naman siya at hindi makapagsalita “Kailangan ba talaga susunduin pa kita?Abusado ka ng multo ka ah.” Nakangiti kong sambit na muli ay kinagulat niya. “Anong ibig mong sabihin?” takang tanong niya “Diba smart ghost ka bakit nagtatanong ka pa, hindi ba malinaw na pinapauwe na kita sa mansion.” “Pero diba pinaalis mo nga ako.” “Napakamasunurin mo naman,nasabi ko lang naman yon dahil galit ako sinunod mo naman.” “Akala ko kase— “Tama na nga yang drama mo.” Wika ko at tumayo na habang sinusundan niya ako ng tingin. “Ha?” “Diba sabi mo babantayan at pasasayahin mo ako dapat mong tuparin yon. Kaya tumayo ka na dyan at umuwe na tayo.” Sagot ko at nauna ng lumakad Nakita ko pa ang pagngiti at pag aliwalas ng muka ng Migs bago tumayo at sumunod sa aki.Napangiti na lamang din ako sa nakita ko.Kapwa kami tahimik habang nakasakay kay Kiko, walang nagtangkang magsalita isa man sa amin.Subalit hindi ako nakatiis, dala ng konsensya. “Im sorry bati na tayo ha.” Halos pabulong kong wika sapat lamang upang marinig niya “Sorry din,promise hindi ko na uulitin yon.” Sagot niya “Tapos na yon, mabuti pa kalimutan na natin yon.” “Sige.” Muling ay natahimik kaming dalawa dala ng walang mapag usapan at dala narin marahil ng hiyang nararamdaman naming. “Migs pwede magtanong ng personal sayo?” basag ko sa katahimikan “Oo naman.” “Anong kinamatay mo?” curious kong tanong “Ang totoo hindi ko alam.” “Ha bakit?” “Wala kase akong matandaan tungkol sa pagkatao ko.Basta isang araw nagising na lamang ako sa isang lugar, hindi ko alam kung sino ako, anong pangalan ko at kung saan ako nakatira.” Mahabang pahayag niya at ramdam na ramdam ko ang lungkot “Kaya pala wala kang pangalan.” “Oo wala akong alam kahit isa, hindi ko nga alam nung una na patay na ko eh.Para pa akong tanga na nagtataka kung bakit hindi ako pinapansin ng mga tao yun pala hindi niyo ako nakikita dahil kaluluwa na lamang ako.” “Ang lungkot mo siguro nung nalaman mong patay kana.” Bigla akong nalungkot matapos kung bigkasin ang salitang patay na.Ang bata pa niya subalit binawi na agad ang buhay niya. “Oo hindi pa nga ako makapaniwala ,pero buti nakita kita, nawala ang lungkot ko at napalitan ng sigla.” Hindi ko man naki ang muka niya ay ramdam ko ang pagngiti niya habang sinasabi iyon na siyang naghatid saya sa akin. Hindi ko na nagawang magsalita pa, para sa akin ay isang magandang musika ang sinambit niya.Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko,hindi ko maipaliwanag.Isa lang ang alam ko sa tuwing nasa tabi ko ang multong si Migs ay gumagaan ang pakiramdam ko, nagiging masaya ako. Sa ngayon ay hindi ko na muna iisipin ang mga tanonng ko sa sarili ko.Hindi ko na muna pupunahin ang mga kakaibang nangyayari sa akin.Sa halip ay sasabay ako sa daloy at hahayaang kusang dalhin sa mga kasagutang hinahanap ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD