“Migs ano ba?Ang kulit mo ah.” Inis na sigaw ni Cheska kay Migs isang araw habang pinaglalaruan nito ang mga halamang tinatanim niya.
“Sungit mo naman tumutulong lang eh.”pacute na sagot naman nito
“Tumutulong, eh sinisira mo tingnan mo nga yang mga halaman nadudurog na sa kamay mo.”
“Hindi kaya.” Sagot pa ni Migs at pagkatapos ay naputol ang halamang tinanim nito.
Inis na tinitigan ni Cheska ang natahimik na multo.
“Doon ka muna ngang multo ka.Baka hindi kita matantya.” Gigil na utos ni Cheska
Lumayo naman ng bahagya si Migs at naupo sa isang tabi.Sumalampak pa ito sa lupa at tila kawawang nagbubunot ng mga maliliit na damo.Malungkot na malungkot ang mga mata nito dahilan upang makonsensya si Cheska.
“Hay napasobra ata ako, kawawa naman yung multong yon, magsosorry na nga lang ako mamaya.” Bulong niya sa sarili
Hindi na muna pinansin ni Cheska ang nagtatampong si Migs at tinapos na ang ginagawa niya.Makalipas ang ilang minute ay natapos na din siya at tatawagin na sana niya si Migs subalit gayon na lang nag pagtataka niya ng wala ito doon.Nagpalinga linga siya upang hanapin ito subalit wala talaga.
Maiinis na naman sana siya dahil basta nalang itong nawala ng maya maya ay may yumakap sa kanya mula sa likod at may hawak na red rose.
“Beauty sorry na bati na tayo.” Malambing na wika ni Migs kay Cheska matapos nitong yunakap at inabot ang bulaklak.
“Hoy multo ano ba tong ginagawa mo?” gulat pa niyang tanong
Hinigpitan lamang ni Migs ang yakap niya at pinatong pa ang ulo sa balikat ni Cheska.
“Patawarin mo na ako please bati na tayo, hindi ko kayang nagagalit ka sa akin.”
Kita sa mata ni Migs ang pagkalungkot dahil sa pagkakagalit ni Cheska sa kanya at determinado talaga siyang magkaayos sila.Samantala hindi naman makakilos si Cheska dahil sa kabang nadarama gawa ng pagyakap ni Migs sa kanya.
“Okay na Migs.Sige pinapatawad na kita.”
“Talaga ba?Salamat ha.” Natutuwang sambit nito at akmang yayakapin ulit si Cheska
“Okay na hindi na kailangan ng yakap.” Maagap na wika ni Cheska at lumakad na.
Naiwang nangingiti si Migs lalot kitang kita niya ang pagpula ng muka ng dalaga.Natutuwa siya na kahit gaano siya kakulit ay nagagawa siyang pagtyagaan nito.Kahit sobrang pangungulit ang gawin niya at minsan ay naiinis na ito hindi pa rin lilipas ang isang araw na hindi sila magkakaayos.
Isang araw ay tahimik na nagbabasa ng libro si Cheska sa ilalim ng puno na hindi kalayuan sa mansion.Abaalang abala sya sa pagbabasa ng kanyang romance book ng bigla na lamang may maliliit na baton a tumama sa kanya.
“Aray .”
“hindi ako yun ah.” Depensa agad ni Migs
Hindi na lamang pinansin ni Cheska at pinagpatuloy na ang pagbabasa.Subalit maya maya lamang ay may bumato na naman sa kanya.
“Migs ayan ka na naman!” inis ulit niyang wika
“Po?Bakit po beauty?” kunwari ay walang alam na tanong ng pasaway na multo
“Wala!”
Pinagpatuloy na lamang ni Cheska ang pagbabasa kahit pa naiinis na sya.Makalipas ang ilang minuto ay binato na naman siya ni Migs at pangatlong beses na ito kaya naman sobra na ang inis niya.Hindi naman ito masakit subalit nakakairita parin ang pangbabato nito sa kanya.
“Hoy multong makulit ano ba?Naiinis mo na ko ah.Wag ka ng magsinungaling dyan!” gigil na sigaw ni Cheska
“Napakasungit mo naman, hindi naman masakit, sasaktan ba naman kita.”
“Kahit na nga ba, kanina ka pa eh wala ka bang magawa at ako ang binubweset mo?”
“Ikaw kase, ayaw mo ko pansinin.” Parang bata na wika ng nagtatampong si Migs.
“Kailangan talaga magpapansin ka?Magtigil ka nga dyang multo ka.” Sagot ni Cheska at akmang babalik na sa pagbabasa.
“Sungit mo naman, alam mo naman na ikaw lang ang nakakakita sa akin,tapos ayaw mo pa ko pansinin, ang boring naman ng life ko.” Pagmamaktol nito
Nakonsensya naman si Cheska at nagpasyang pagbigyan na lamang ang kaartehan ng makulit na multo.
“Mali kase yung ginagawa mo, pwede mo namang sabihin sakin.” Pagpapaliwanag niya
“Sorry na po.”
“Ano bang gusto mo?” tanong ni Cheska
Napangiti si Migs at mabilis na lumapit kay Cheska at walang paalam na nahiga sa mga hita nito.Kinagulat naman ito ni Cheska ngunit hindi na niya nagawa pang tumutol.
“Ito ang gusto ko,yung simpleng makasama ka lang.”seryosong sabi ni Migs at titig na titig sa mga mata ng dalaga
Muli ay hindi nagawang magsalita ni Cheska,hindi niya maisip kung ano ba ang dapat niyang gawin o sabihin.
“Beauty pahiram muna ng lap mo ah, matutulog lang ako.” Wika ni Migs pagkapikit ng mga mata
“Baliw, hindi ka naman natutulog, multo ka na eh.” Sa wakas ay naisagot ni Cheska
“Oo nga no.Di pipikit na lang kunwari natutulog ako.Gusto ko lang naman maranasan na matulog sa tabi mo.” Nakapikit ngunit nakangiting wika nito
Muli na namang natahimik si Cheska dahil sa sinabi ni Migs.Napatingin na lamang siya sa nakapikit na multo at kusang kumilos ang mga kamay niya at namalayan na lamang ni Cheska na hinagaplos na pala niya ang muka nito.Nagulat pa siya ng hawakan ni Migs ang kamay niya.Nakapikit pa rin ito ngunit mahigpit na hawak ang kamay niya.
Sa huli ay napangiti na lamang si Cheska at unti unting gumaan ang pakiramdam niya.Nanatili lang sa ganong ayos ang dalawa sa ilang oras na lumipas.Bandang hapon nan g bumalik sa mansion at naroon pa rin ang ngiti sa mga labi ni Migs habang pilit namang tinatago ni Cheska ang kakaibang sayang nadarama.
Tahimik lamang silang naglalakad hanggang sa dahan dahang hinawakan ni Migs ang kamay niya at gaya ng dati ay kinabigla ito ng dalaga.
“Pahiram muna ng kamay mo ngayon ha.” Sabi ni Migs at tumango lamang si Cheska
Nagpatuloy sila sa paglalakad kahit kapwa sila tahimik.
“Naiilang kaba?” bigla ay tanong ni Migs “Wag kang mailing, wala naman itong malisya, gusto ko lang sulitin yung pagkakataon na mahawakan ang kamay mo hanggat kaya ko pa.”
“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Cheska
“Multo na ko Cheska at alam ko na panandalian lamang ang kakayahan kong mahawakan ang buhay na katulad mo .Darating ang araw na hindi na kita magagawang hawakan pa.” seryosong pahayag ni Migs.
Nakaramdam naman ng takot si Cheska sa isiping darating nga ang araw na iyon at hindi niya malaman kung ano bang dapat sabihin.
“Kaya pahiram muna ah.” Wika pa ni Migs at lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nito na tila ayaw itong binatawan.
“Malaya kang gawin ang kahit anong gusto mo.” Sa wakas ay nasambit ni Cheska
“ Thanks.”
“Teka nga bakit ba ako lang ang nahahawakan mo, bakit yung iba hindi mo mahawakan?”
“Ang totoo hindi ko rin alam, siguro dahil sa dasal ko noon n asana makita mo na ko at makausap ka.Dahil mabait si God siguro hinayaan na rin niyang mahawakan kita.”
“Ganon ba yon?”
“Oo pwede rin namang destiny tayo.”
“Muli ay natahimik si Cheska sa sinabing iyon ni Migs.
“Destiny ? Tayo?” pag uulit niya
“Oo destiny na magkakilala tayo at mapasaya ka bago man lang ako umallis sa mundo.”
“Ahh … siguro nga.”
Nagmamadali na sila sa paglalakad at ng nasa mansion na sila ay binitawan na ni Migs ang kamay ni Cheska.Nagtungo agad si Cheska sa kanyang kwarto upang maligo habang naiwan naman si Migs sa labas.
“Oo destiny nga tayo.Destiny na pagtagpuin at paglayuin.” Malungkot na wika ni Migs pagkapasok ni Cheska sa silid nito.
Ngumiti ng may pait sa kanyang muka si Migs pagkatapos ay naglakad lakad na lang sa loob ng mansion.Samantala hindi maalis alis sa isip ni Cheska ang mga pinag usapan nila ni Migs.Hindi niya alam kung bakit ganon anng pakiramdam niya.