Mico 5

1109 Words
Kumuha nalang siya ng drinks kaysa ma stress sa kakatitig sa ex ng boss ng kakambal niya. Parang gusto niyang pagpahingahin nalang ito at wag ng magsalita pa. "Actually isa din po sa reason kung bakit pinilit ko na maka attend ngayon, it's because I want to talk to Mico about our relationship." Sabi ng babae, dahilan para marahas siyang mapalingon dito. "There's no need to talk about what's in the past. May kanya kanya na tayong buhay, besides theres Faith here. I am courting her." Sabi ng lalaki. Mukhang may malalim na rason ang hiwalayan ng dalawa na tila ba ay ayaw na ng lalaki sa babae. "Pero Mico, I know you're just upset about my decision about pursuing my modelling career." Sabi ng babae. Nawala na ang tila kompyansa sa mukha ng babae na kanina lang ay nababadha. Parang lalamunin na siya ng babae sa tingin nito. "Like I said tapos na yun, just move on. I and Faith will soon get married once she'll accept me as her boyfriend." Sabi ng lalaki dahilan para matigilan siya. Parang ang drastic naman masyado kung ganun ang plano ng isang lalaki, isang malaking red flag. Nanliligaw palang pero kasal agad after, kaloka paano nila makikilala ang isat isa ng mabuti kung di man lang nila ma enjoy muna ang pagiging mag bf, gf dahil nag jump agad into something more serious relationship. Pero at least may direction ang relasyon, unlike sa ibang lalaki hanggang gf lang ang afford. "What? Are you insane? Di mo pa siya gaanong kilala yet you are planning to marry her agad?!" Halata ang disgusto sa mukha ng babae. Pero ang sarap palang makita ang ganun lalo na kung kontrabida ang makikita mo na ganun. Alam niya wala naman siyang dapat na grudge sa babae kasi di naman niya ito kilala. Pero sa unang tingin niya palang ay alam niya ng may pagkahaba habang sungay na tinatago ang babae. She can identify plastic easily once she sees one. "We are about to leave, see you again grandpa!" Baling nito sa matandang lalaki. Mukhang di parin makapaniwala ang mga naroon sa sinabi ng lalaki. Kahit siya man ay di makapaniwala sa sinabi ng lalaki. Sabagay alam naman niya na walang katotohanan ang sinasabi nito ngayon, dahil di naman siya nito talaga nililigawan. "Aalis naba tayo?" Bulong niya dito. Gusto niya pa sanang matikman ang beef steak na nakahain kanina, ang dami kasing kinakausap ng lalaki kanina kaya di niya na nagawang kumain pa. "Yes, I had enough of drama." Sabi nito na hinawakan siya sa siko at iginiya papalabas sa event area na pinagdarausan ng reunion ng mga bully nitong kamag anak. Kaya pala ayaw nitong umattend ng mga ganung pagtitipon. Mukhang na trauma na ito, pero dahil sa kanya ay napilitan itong pumunta. "Sorry Sir kung napilitan kayong pumunta dahil sakin. Nawala po talaga sa isip ko ang bilin nyo." Sabi niya nang sapitin nila ang parking. Alam niya naman na kahit ilang libong sorry ang kanyang gawin ay di na niya mababago pa ang mga nangyari na. "No worries at least nabawasan na ang mga unwanted animals sa buhay ko." Napalingon siya sa kanyang narinig. Wala lang medyo nagulat lang siya na makarinig ng ganung pag discribe ng isang respected billionaire sa mga kaanak nito. They are indeed an animals, di man sa mukha pero sa mga pag ugali na mayron ang mga ito dinaig pa ng mga ito ang hayop. "Ganun ba talaga pag mayayaman? I mean they think they are god." Di niya napigilang itanong dito. "Just don't mind them, besides they are not included in my priorities." Tila balewala na sagot lang nito. Ang sarap lang ng feeling na pwede palang matulog abg lalaki sa biyahe dahil may sarili naman itong driver. Di niya alam kung alam nito ang bahay ng kakambal niya, kasi pag ganun lagot na, bihira pa naman ang sasakyan dun sa bahay ng kakambal niya pag ganitong oras na. Wala din naman siyang duplicate key sa bahay nito. "Manong sa may mrt nyo nalang po ako ibaba." Sabi niya sa driver ng lalaki. Mas mapapadali ang pagsakay niya pauwe sa kanyang bahay. Yung bahay na masasabi niyang kanya talaga, pinag ipunan niya iyon mula sa kanyang kita sa pagnenegosyo. Dalawang lote iyon na ibinigay niya sa kakambal niya ang isa. Pero siya palang ang nagpatayo ng bahay ang kakambal niya ay mas pinili na mag patuloy sa pag rent ng apartment nito. Di rin naman niya masisisi ang kanyang kakambal lalo at di rin naman talaga biro ang magpatayo ng bahay ngayon. "Sa mismong apartment mo na siya ihatid." Halos mapatalon pa siya sa gulat ng magsalita ang lalaki. "A e di ako uuwe ngayon sa apartment ko, dun ako sa bahay ng kakambal ko matutulog." Sabi niya sa boss ng kakambal. Pagod na pagod na siya at wala na siyang ibang gustong gawin ngayon kundi ang ipahinga ang kanyang katawang lupa. "Your twin?" Tila takang tanong pa ng lalaki. "Opo, kakambal ko po." Sagot niya na parang gusto niyang mamutla ng mga sandaling iyon. Mukhang di yata alam ng boss ng kakambal niya na may kakambal ito. "Wow so are you identical or paternal?" "Identical." Mahina niyang sagot. "Wow, good genes." Mahina nitong bulong. Matapos na sabihin ang address ng kanyang bahay ay umayos na siya ng upo. Di nalang niya gaanong inintindi ang mga sinasabi ng lalaki, ngayon niya naramdaman sobrang pagod sa boung maghapon, idagdag pa ang pakikipagplastikan niya kanina sa loob sa harap ng pamilya ng lalaki. She did a lot of things today, alam niyang obligado siyang gawin ang mga trabaho sa opisina, pero ibang usapan ang pagsama nito sa kanya sa party na yun at lalong di kasama ang pagpapakilala nito sa kanya as nililigawan at papakasalan daw nito. Maryusep, kung nagkataon pala na assuming siya at ambisyosa ay baka umasa na kaagad siya sa mga sinabi nito kanina. Sa mga pinagsasabi nito kanina sa harap ng mga kaanak nito ay iisipin talaga ng mga makakarinig na totoo ang sinasabi nito. Alam niyang di na magiging tahimik ang buhay niya lalo na sinabi ng kakambal niya na mag iingat siya sa mga kaanak ng boss nito. Wala namang specific na word na sinabi na nag confirm sa sinabi ng lalaki ay parang inamin na din niya nung nanahimik nalang. Alam niyang mas magiging mukha siyang defensive kong aawatin niya ito. Pagod na pagod na din siya para intindihin pa ito. Alam niyang pag sinaway niya ang lalaki ay di talaga siya naman. Mahirap din pag malayo sa pamilya, pero kung ang pamilya na un ay mahina ay magiging napakalaking problema yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD