bc

When Revenge Gone Wrong

book_age18+
1.4K
FOLLOW
13.5K
READ
billionaire
revenge
HE
second chance
bxg
kicking
witty
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Nang minsang nagka problema sa trabaho ang kakambal ni Hope na si Faith ay pinili niyang tulongan ito at magpanggap na kakambal niya. They are the exact opposite ika nga nila, kung siya palaban ang kakambal naman niya ay mahina ang loob. Okay naman ang lahat maliban sa boss nitong si Mico Montefalco na masungit na nga arogante pa. Nauubos sa tuwina ang kanyang kakarampot na pasensya, hanggang unti unting tila nagbago ito na di niya napigil ang puso niyang mahalin ang lalaki. Pero isang maling sumbong lang ay tinanggal na nito sa trabaho ang kakambal niya. Kaya naman gumanti siya dito, pero paano kung sa halip na makaganti ay siya pa ang madehado? paano niya aawatin ang puso niya na tila iba ang isinisigaw?

chap-preview
Free preview
Mico 1
Gusto niyang sakalin ang kakambal niya nang mga oras na iyon, di naman siya na inform na ganito pala kasungit at kayabang ang boss nitong bilyonaryo. Di naman siya binilinan bago man lang lumayas para habulin ang boyfriend nitong pangit. Although na meet na niya ito before at kung maalala lang nito ay nakaaway na siya nito noon, pero malamang ay limot na nito ang bagay na iyon. "Did you answer my Mom's call?" kunot ang noo at nakasimangot na tanong nito sa kanya. Parang gusto niya tuloy na bangasan ang lalaki ng mga oras na iyon. "Yes Sir, sabi po niya maaga daw po kayo dapat sa venue ng reunion niyo." nakangiwi niyang sabi dito. Parang anumang sandali mula ngayon ay mag evolve na ang boss niya. "Diba kabilin bilinan ko na wag kang nagbibigay ng anumang info sa kanya about sa mga ginagawa ko?" tila gusto na niyang tumakbo papalabas ng pinto ng opisina nito ng mga sandaling iyon. Alam naman niyang may kasalanan siya pero it's an honest mistake. Di naman kasi siya na inform ng mabait niyang kakambal, malay niya bang may ganung patakaran pala ito ngayon sa kakamadali kasi ng kakambal ay di na siya nasabihan ng mga details. Natry na naman niya noong mag sub sa kanyang kakambal ayos lang naman, isang araw lang naman yung swapping na ginawa nila nakabiroan pa nga niya ang ina ng lalaki. Kaya naman ay di niya maintindihan ang amo ng kakambal niya. Sabagay batas nga pala ang lalaki. "Pwede po bang sumingit Sir?" Sabi niya na pilit na inaawat ang lalaking parang manok lang naman na putak ng putak. "Ano?" Masungit na tanong pa nito sa kanya. Kung sarili niya lang itong boss ay kanina niya pa ito nasapak. Lakas ng amats nito ngayon parang ikinagandang lalaki nito ang pagsusungit nito. Mico Montefalco is a sought after bachelor sa bansa, pero taliwas pala sa mga article na nababasa niya ang personality nito. Crush ng kakambal niya ang lalaki kaya nga napili nito na mag apply sa kompanya ng lalaki kaysa sa mas magandang opportunity na naghihintay sana dito sa France sa Tita nila. Naiinis siya dito nung una pero naiintindihan na niya ngayon kung bakit mas pinili ng kakambal ang manatili sa pinas sa kabila ng liit ng sahod. Natatakot ito na makipagsapalaran sa ibang bansa. May kaaway itong feeling may ari ng kompanya kaya ito nakiusap sa kanya na siya na muna. Mahirap daw pakisamahan ang kasama nito sa trabaho na iyon. Balak din nitong sundan ang sinto sinto na pangit nitong boyfriend. Siya naman ay pinili na mag negosyo nalang para naman malaya parin siyang magagawa ang gusto niya. Naiinis siya kasi na inuutos utosan lang, halos opposite niya ang kakambal niya. Mahina ang loob nito habang siya naman ay palaban, kaya naman pag ganitong may pupuntahan ito na lakad ay siya ang dinadramahan na mag sub dito o kaya naman ay pag may nakakaaway ito sa trabaho. "Sabi po niya kasi urgent daw po kaya sinagot ko na." Katwiran niya pa dito. "Urgent, bakit sino ba ang nagpapasahod sayo? Ako ba o ang Nanay ko?" Masungit na tanong nito sa kanya, mukhang bad decision ang naging pagsagot sagot niya dito. "E Kasi -" "Lumayas ka sa harap ko, tell her that I have something important to attend to. Sabihin mo kaya na niya iyon." Sabi nito sa kanya na ikinumpas pa ang kamay sa kanya. Parang gusto niyang ihampas hampas ang ulo nito sa lamesa at baka sakaling matauhan ng slight man lang. She gather all her strength para wag lang ito masuntok sa inis niya. "Kalma self, baka mauna kang mamatay dyan sa boss mo! " Nagmartsa na siya papalabas sa opisina ng boss niya. Unang araw niya palang pero parang mauubos na ang kanyang kakarampot na ngalang na pasensya. Gusto niyang murahin ito ng malutong para naman sulit ang kanyang stress dito. Pero alam niyang ikakapahamak ng kakambal niya iyon, kaya cancel nalang muna ang revenge niya dito. Nag print nalang siya ng mga kinakailangan na i print, alam naman niya ang mga kailangan na gawin doon dahil may instruction naman sa bawat folder na naroon. Nakaka stress talaga ang maging empleyado lang, kaya nga ayaw niyang mag trabaho sa ibang kompanya kasi ayaw niyang inuutos utosan lang siya. "Tuboan ka sana ng pigsa sa itlog mo!" Medyo malakas na bulalas niya, wala namang ibang makakarinig dahil sa loob ng opisina ay silang dalawa lang ng baliw na boss ng kakambal niya ang naroon. Nag filing na siya kanina at lahat ng mga importanting mga information ay kinakailangan niyang i take down notes para magiging smooth ang transition nila ng kakambal niya pag nakabalik na ito. "Sinong tutuboan ng pigsa?" "Ay kalabaw!" Halos mapatalon siya sa gulat. Nasa likod lang naman niya ang lalaking inasam niyang matuboan ng pigsa ang itlog. "Sinong kàaway mo?" Tanong pa nito na tila clueless lang. Gusto niyang sabihin dito na "kayo po Sir, sana matuboan ng maraming pigsa ang itlog nyo!" Para bumait naman ng slight sana, pero alam niyang malaking gulo ang mangyayari once na sinabi niya iyon. Sa ngayon ay kakalmahan nalang muna niya, saka lang siya reresbak pag natanggal na sa trabaho ang kakambal niya. Baka kasi ang kakambal niya ang makarma mahirap na. "Sabi ko po yung aso ng ano... Yung kapitbahay po namin.. tama po yung kapitbahay po naman natuboan po ng pigsa... " Sa kabilang bahagi ng isip niya ay umaasa siyang maniniwala ang lalaki sa kanyang palusot. "Talaga lang ha, anyway wag kang masasanay na sumasagot sagot sa akin. Nanay ko lang ang may karapatan na ganyanin ako." Sabi nito na kumuha ng tubig sa maliit na ref na nasa loob ng silid na iyon. Pwede namang ipakuha sa kanya ang tubig nito, pero mas pinili nitong personal na kumuha. Maybe he want to warn her sinful mouth. Maiksi ang pasensya niya sa mga feeling entitled na mga tao. Kahit gaano kapa ka gwapo di na yan tumatalab sa kanya.. turn off sa mga taong ganun lalo na kung nag uumapaw na ang tiwala sa sarili to the point na ang baba na ng tingin sa mga tao sa paligid nito. "Sorry Sir di na po mauulit!" Sabi niya na di man lang nag abalang lumingon dito. Di niya kasi mapapaikot ang mga mata niya pag nakaharap dito. Baka maging jobless ang kakambal niya agad. "Hope so. Anyway what can you say about Miss Britany?" Tanong nito, dahilan para mapatigil siya sa kanyang ginagawa. Sinong pontio pilato ba yung Britany na sinasabi nito. Malamang ay kalandian lang naman nito ang tinutukoy nito ngayon. Pakialam niya ba sa pesting love life nito, after ng pagsigaw nito sa kanya kanina dahil sa pagsagot niya sa tawag ng Mommy nito ay di naman yata nito deserve na makuha ang opinyon niya sa love life nito. Pero alam niyang mag rereflect naman yun sa kakambal niya if magsungit siya. "Ayos lang po Sir." Sagot niya nalang kahit na gusto niya sanang sabihin na wag na nitong sirain ang buhay ng iba. Baka mamatay sa konsomisyon ang makakarelasyon nito dahil sa kasungitan nito. "My grandmother want me to date her. I know she will do everything to please Britany s family." Sabi nito na tila di gusto ang babae. "Why need to ask me Sir about that. Mahirap po ang isiksik ang sarili sa isang sitwasyon na alam mo na di ka masaya at di mo gusto." Sabi niya dito. Tila natigilan naman ito sa kanyang sinabi. "Wow okay, Then call her later and tell her that I'm with someone tonight." Sagot nito. Alam niyang kung anuman ang mga personal issues ng kanyang boss, este ng boss niya ay out na siya doon. Wala na siyang paki kung maikasal man ito kay satanas o kay valentina. Pero if she is in his shoes she wouldn't dare to put herself in a compromise situation that she might regret in the future. "Call me if you are about to leave!" Sabi nito bago siya iniwang nakabusangot. Paanong di siya sisimangot mali na naman ang kanyang na print. Kakadaldal nito sa kanya ay nadistract lang naman siya kaya mali ang kanyang na print na document. "Pambihira talaga o, kung minamalas ka nga naman!" Palatak niya pa. Papahapon na ng mga oras na iyon at kinakailangan na niyang matapos iyon para ma draft at mapermahan ang ibang documents bago siya umuwe. Sana lang makabalik na ang kakambal niya kaagad, parang bangungot para sa kanya ang magtrabaho para sa isang Mico Montefalco. Mukhang masyadong mataas ang tingin ng lalaki sa sarili nito, although may karapatan naman ito magyabang at magmataas pero di niya kasi matagalan ang ganung behaviour at baka masakal niya ang lalaki sa katagalan. Gusto niya ngang tawagan na ang kakambal para pabalikin, pero sa tuwing naiisip niyang di pa niya nakikita ang babaeng sadyang pakay niya roon ay umuurong ang kanyang isip. kailangan niya munang linisin ang landas ng kapatid niya bago ito pabalikin. She has to deal with the devil, ang katrabaho ng kakambal na feeling tagapagmana ng kompanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
71.4K
bc

His Six Months Rule

read
32.0K
bc

Daddy Granpa

read
293.4K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
62.9K
bc

My Cousins' Obsession

read
192.7K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
52.9K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
260.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook