Billionaire's Shared WifeUpdated at Jun 10, 2026, 14:01
Tila matagal itong nag isip bago muling nagsalita.
"What's your full name again baby?" Tanong nito na ikinamaang niya, nasa harap nito ang ID niya.
"Heather Alonzo, nasa id ko na diba?" Parang malapit na maubos ang pasensya niya.
"Yes it's here, pero anong trabaho mo?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.
"I'm a freelance model." Sagot niya. Alam niyang marangal ang trabaho niya at wala siyang dapat na ikahiya doon. As long as wala siyang tinatapakan na tao.
"Freelance model, hmmn at ano ang kapalit ng pagbabala mo sa akin?" Tanong nito mamaya maya. Di niya naiisip na humingi ng kapalit sa kanyang impormasyon na dala.
"Wala, sinabihan kita kasi di kaya ng konsensya ko na may maloko na naman ang pinsan ko at ng pamilya ko. Ngayon bahala kana sa buhay mo kung di ka maniniwala." Naiinis na sabi niya.
“And you expect me to believe,” dugtong niya, “that you want nothing in return.”
"Haist ang kulit din pala ng lahi nito, hay naku."
Nagtaas ng kilay si Eric.
“Go on.”
“Gusto kong matigil ang ginagawa nila,” diretsong sabi niya. “At gusto kong mailayo ang pangalan ko at ang sarili ko sa ganyang klase ng pamumuhay.” sagot niya.
Sandaling katahimikan.
“Interesting,” sabi ni Eric. “But let me be clear.” Lumapit siya nang isang hakbang.
“I don’t play savior. And I don’t trust strangers.”
“Hindi rin po ako naghahanap ng savior,” sagot niya na naiinis na din. “At hindi rin po ito tungkol sa ganun, alam ko kasi ang kalibre ng pinsan ko, gagawin niya ang lahat para makuha ang target niya.”
“Good,” sagot ni Eric agad. "Do you think di ko kayang paimbestigahan ang pinsan mo bago ko patulan? I'm not a fool baby, alam ko kung kailan ko dapat pasukin ang kweba at alam ko kung kailan hindi. Now may solusyon kaba sa sinasabi mo na problema?" Tanong nito.
"What? Haist ano ba, binalaan na kita and that's the solution. Now bahala kana sa buhay mo malakas naman pala ang radar mo nagsayang lang ako ng laway ko." Sabi niya na tumayo na.
"Not so Fast baby. Wala pa naman akong sinasabi na pwede kang umalis." Sabi ng lalaki na ikinamaang niya.
Tumalikod si Eric, naglakad papunta sa bintana.
“So tell me,” sabi niya habang nakatanaw sa siyudad, “why you? Why not just… walk away from them? Bakit mo ako binalaan?”
“Ginawa ko na ang lumayo sa kanila.” sagot niya dito. “Nag-aral ako sa Manila. Lumayo ako. Tinanggihan ko ang mga ‘opportunity’ nila.”
Lumingon si Eric.
“And yet you’re here.”
“Dahil hindi sila titigil,” sagot niya. “At kapag may target sila, lahat ng nasa paligid nadadamay.”
Tahimik si Eric.
“Kasama na kayo,” dagdag niya.
“Do you have proof?” tanong nito.
“Oo,” sagot niya sabay bukas ng envelope. Inilabas niya ang printed screenshots ng messages sa kanilang group chat, may recordings pa nga, itinerary drafts.
Eric glanced at them. Isa-isa. Mabagal.
“Paris,” bulong niya.
“Zurich.”
“Ten million monthly allowance.”
Napatawa ito ng pagak.
“They planned my life better than I did.”
“Sanay po sila,” sagot niya dito. “Hindi po ito ang una.”
Bumalik ito sa desk at inilapag ang mga papel.
“So,” sabi ni Eric, “you want to beat them at their own game. Pero paano kung sabihin ko sayo na may kapalit ang appointment na to?” sabi nito na tumayo, naglakad patungo sa kinauupoan niya at yumuko sa upoan niya dahilan para makulong siya sa malaki nitong katawan.
"Kapalit? Wala akong pera, magkano ba? Next week pa ang sahod ko." Kinakabahan niyang tanong dito. Namamawis na ang mga singit singit niya sa nerbiyos niya. Tumawa ang lalaki sa kanyanh sinabi.
"I don't need your money baby, diba gusto mo akong iligtas sa pinsan mo?"
"O-oo kaya nga ako nandito diba!"
"Good, marry me. Para di na ako mapag interesan ng pinsan mo." Nakangising sabi nito. Nanlalaki naman ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi nito.
"Ako?" Tanong niya, bago tumawa.
"Joker po pala kayo Sir Eric." Sabi niya, pero ang kabog sa puso niya ay sobra sobra.
"Alam mo siguro na di ako nagbibiro. Lalo na kung tungkol sa sex life ko." Sabi pa ng hudyo na may mapaglarong ngiti sa labi.
"Pervert!"
"Ow come on, what's wrong with sex life? It's normal besides gusto ko na din namang lumagay sa tahimik." Sabi ng lalaki na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Paano kung ayokong magpakasal sayo?" Tanong niya dito.
"Hmmn ano nga ba? Let's say na pwede nating gawan ng paraan ang mga modeling offers mo. How about banning you in every modeling agencies?"
Parang nanlamig ang kanyang paligid nang marinig ang sinabi ng lalaki. Lahat ng mga nerves niya ay na paralyzed sa kanyang narinig.
"Ano? Gago kaba? Tinulongan kana nga na makaiwas i hostage mo pa ako?!" Naiinis na bulyaw niya dito. Ang pag momodelo niya lang ang bumubuhay sa kanya.
"I like pierce lady, I love tiger." Parang nakakalokong sabi pa nito.
"Di pwede gagatasan ka ng pamilya ko." Sabi niya na pinanlalakihan ito ng mata.
"Pwede naman kitang ilayo sa kanila, total gusto mo namang tulongan ako diba? Then lubos lubosin mo na." Nakangising sabi nito.
Alam niyang wala siyang ibang pagpipilian