Wesley 1
"I will pay you five hundred thousand pesos." Sabi ng babae na pabalik balik sa harap niya.
It's her boss, she is working as a regular office clerk sa isang accounting firm. Hindi siya ang tipo ng tao na matalino kaya nakapasok sa trabahong iyon. It is more on malakas ang kapit kaya nakapasok, may kilala ang kaibigan niya sa loob kaya mabilis ang kanyang naging hiring process.
Hindi niya alam kung bakit siya pinatawag kanina ng boss nila. Aside sa pagiging clerk niya ay pinasok na din niya ang mundo ng pagiging isang secret agent. Pero puro safe rules lang ang nagagawa niya, undercover siya madalas sa misyon nila. And so far ay limang misyon palang ang kanyang nasamahan. Due to safety ay lihim sa lahat ang trabaho niyang iyon.
Kailangan niya ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang nanay, isang treasurer ang kanyang ama sa isang coop sa kanilang lugar. At sa pagiging clerk niya ay di makakaya na makalikom ng kahit isang tuldok man lang ng gastos sa operasyon. Magkano lang naman ang kanyang sahod, minsan nga ay kapos pa sa pang araw araw nilang pangangailangan.
Kaya ganun nalang ang pagnanais niyang makahanap ng mga side hustle para lang makalikom ng sapat na halaga para doon. Sa ngayon ay tila isinasampal na sa kanya ang opportunity na makaroon ng salapi. Sapat na ang halagang iyon para sa operasyon ng Nanay niya, maaring sobra pa. Kung kinakailangan na magsangla ng kaluluwa ay gagawin niya para sa Nanay niya.
Hindi siya ang tipo ng agent na magaling, katunayan ay siya ang pinakaduwag na agent yata. Pera lang talaga ang nagtutulak sa kanya para pasukin ang ganung trabaho. Ang masasabi niya lang na edge niya sa mga kasama ay ang kanyang skills sa pag hack sa mga computers. Pero malayo parin sa kakayahan ni Aqua.
"Aa-anong gagawin?" Kinakabahan niyang tanong.
Di na niya itatanong kung paano nagkaroon ng ideya ang boss niya na alukin siya ng ganun. Alam naman ng boung opisina ang kalagayan ng Nanay niya. Marahil ay alam ng boss niya na di siya tatanggi sa mga ganun ka tempting na mga offer.
"Akitin mo yung fiancee ko, and make him back out to our wedding." Sabi nito.
"Ano?"
Parang natulig ang kanyang utak sa kanyang narinig, she saw this scene in a movie before but now it is right in front of her. Anong klaseng tao pala ang boyfriend nito para ganun nalang kung iwasan ng boss niya, to the extent na aabot pa sa point na mag hire ng aakit.
"Seduce him and make him fall in love." Sabi nito. Napalunok muna siya, bago muling nagsalita.
"Okay bago ko tanggapin ang mission na ito, pwede ko bang malaman ang rason?"
Usisa niya.
Alam niyang di naman needed ng boss niya na magpaliwanag pa. She paid so much at marahil ay malaking pabor para dito ang mawala sa landas nito ang fiancee nito.
"You see I am not into boys, may live in partner ako. Besides it is just an arranged marriage that only my father arranged." Tiim ang bagang nitong sabi.
"Did you try to talk to him?" Tanong niya. Pwede naman siguro na daanin nalang muna sa pakiusap, at least di na nito kailangan pa na umabot sa point na ganito.
"I'm not into drama and all that stuff, all I need is proof that he is unfaithful. Maybe that would be enough for my family to cancel my engagement. " Sabi nito.
Di niya alam kung ano ang kanyang dapat na isipin sa sinabing iyon ng babae. Di niya alam kung ano ang first name ng Villamor na sinasabi nito, para sana mapa hukayan niya ng baho bago gawin ang kanyang misyon.
"You'll see once you're there already, for now just sign this and wait for my call." Sabi nito na tila itinataboy na siya.
She knows that after signing the contract there is no backing out, she needs to do her part. Malaking halaga ang nakasalalay sa misyon niya, kaya kailangan niyang ayusin ang buhay niya. Baka maipapatay pa siya pag nabigo siya.
Wala siyang gaanong kilala na Villamor maliban syempre sa chief PNP at sa isang kilalang negosyante. Hindi niya alam kung paano ang kanilang magiging meet up ng kung sinumang Villamor sa kanyang misyon.
Two days later
Hindi siya komportable sa kanyang suot na halos hubo't hubad na, puro babae naman ang kanyang mga kasama. From make up and props ay provided na naman sa kanya, all she need to do is dance and flirt a little then boom. Five hundred thousand is hers.
"Ang pretty nyo naman po, ang hot nyo pa. " Sabi ng isa.
Naisip niyang mabuti na wala doon ang kanyang boss, isipin niya palang na makikita siya nito ay kinikilabutan na siya. Oo naka sexy na damit madalas ang babae kaya di mo iisipin na tibo ito.
Kinakabahan siyang di mawari habang nasa isang private room din ng nasabing hotel. Isang room daw ang kinaroroonan ng lalaki at di niya alam kung ano ang kanyang dadatnan. Sa tulong ng dalawang baklang malalaki ang katawan ay inalalayan ng mga ito ang malaking cake na maskot na siyang kinaroroonan niya.
Ayos na din na naka two piece siya at least di ganun kainit sa loob. Maingay at puno ng tawanan ang paligid, tiniyak naman ni Ms. Milton na di siya makikilala ng fiancee nito. She will do her best para sa task na gagawin niya ngayon, it may not be as perfect as she aims, pero bahala na.
"Kaya mo to H, sasayaw kalang!" Pagkausap niya sa sarili niya.
"The guy with the cigarette is my fiancée." Dinig niya mula sa ear piece na binigay ni Ms. Milton. Sumilip siya ng bahagya, kaagad na hinanap ang target niya ngayong gabi.
Halos bumagsak ang kanyang mata nang makilala ang lalaki na kanyang target. Kilalang kilala niya ito, kuung sila G siguro ang nasa kalagayan niya ay manginginig sa takot, she knows him. Isa ito sa mga tiger head mens. Member ang lalaki ng ogag billionaires at isa ito sa masusungit na trainor nila during their training.
Nung una ay pakilig kilig pa sila, pero kalaunan ay napalitan ng inis ang lahat. Presko, masungit at sobrang higpit ng lalaki sa kanila sa training. Dumating pa nga sa point na inaway away na niya ito sa sobrang inis niya. She failed to do tasks and he punished her without even hearing her reasons. From then she held that hatred in her heart.
Sa ngayon alam niyang kailangan niyang gawin ang kanyang misyon. Di na siya pwedeng umatras pa, siguro ay gagalingan nalang niya. She will give him the gift that he would never imagined she can give.