Nagising siya sa madilim na kapaligiran. Nagpalinga linga siya at nakita niyang kausap ni Mico ang isa sa mga dumukot sa kanila.
"Di ako susunod sa gusto niyo kung may gagawin kayo sa babae." Matigas na sabi ni Mico sa kausap.
"Di mo naman kilala yan a!" Angal ng lalaki.
"Yun ang kondisyon ko, kahit patayin nyo ako wala kayong makukuha maski singkong duling sakin." Banta ng lalaki.
Gusto niyang maiyak sa tuwa sa narinig, kahit papaano ay nakasilip siya ng pag asa na makaalis sa lugar na iyon na ligtas. Pangako niya sa kanyang sarili na pag nakaalis sila sa lugar na iyon ay ibibigay niya ng kusa ang kanyang sarili sa lalaki. Wala naman siyang pera para pambayad sa magiging ransom niya.
Muli siyang pumikit lalo at mukhang hatinggabi palang.
"Faith!"
Napadilat siya nang marinig ang boses ni Mico.
"Tatakas tayo!" Bulong nito.
Napadilat siya sa kanyang narinig, nakita niyang nakahandusay ang ilan sa mga bantay. Di niya alam kung buhay pa ang mga ito o tulog lang. Pero ang takot niya ay di niya pwedeng pairalin ngayon.
Dinampot ng lalaki ang dalawang baril at kutsilyo mula sa isang bantay na nakadapa. Mukhang wala na itong buhay. Nakatanggal na din pala ang tali sa kanyang mga kamay. Mabilis na hinatak siya ni Mico patakbo.
Tanging liwanag ng buwan lang ang nagsisilbing liwanag nila. Walang katiyakan kung saan sila patungo.
"Pwede ba tayong magpahinga saglit?" Tanong niya sa lalaki makalipas ang ilang oras na paglalakad. Medyo papasikat na ang araw ng mga sandaling iyon.
"Sige hahanap tayo ng mapagpapahingahan." Sagot nito.
Sa bawat tapak niya ay natatakot siyang baka may ahas o kung anong mga hayop silang makasagupa. Mabuti na nakapantalon siya na maong
Kahit anong mangyari ay mananatili siya sa tabi ni Mico.
"Pwede bang mag wewe muna?"no Pakiusap niya,
"Okay sige." Sabi nito na huminto sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Iihi ako tumalikod ka muna."
"Madilim ang paligid Faith, di ko din makikita ng maayos. Besides akin naman yan." Sabi nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"You-"
"What? Iihi kaba o hindi?"
"Iihi! Hmp!" Kahit nakaharap ang lalaki ay ibinaba niya ang kanyang pambaba at umihi doon mismo.
"You don't need to be ashamed, tayong dalawa lang ang nandito ngayon." Sabi nito.
"Sabi ko nga hmmp." Sabi niya na nakahinga na ng maluwag dahil nakaraos na.
Kanina niya pa tinitiis ang kanyang ihi sa takot na baka maabutan sila ng mga dumukot sa kanila.
"Patay naba yun sila?" Tanong niya dito. Ayos lang naman sa kanya kung patay na ang mga ito. Mas pabor kaysa naman silang dalawa ang patayin ng mga ito.
"I don't know, maybe." Sabi nito na hinawakan ang kanyang kamay. May tila maliit na sapa na kailangan nilang tawirin.
"Di ba malalim?" Tanong niya dito.
"I don't know, sabay na tayo tumawid para sabay tayong malunod pag malalim." Biro pa nito sa kanya.
Mas okay nga naman kung sabay silang mamatay, ayaw niya din naman na maiwang buhay sa lugar na iyon. Di niya alam kung ano ang lugar na kanilang dadatnan. Di rin niya tiyak kung makakaya niyang mag survive sa ganung sitwasyon.
"Di ako marunong lumangoy!"
"Trust me, hindi yung condom na trust ha. Sakay ka sa likod ko." Sabi nito. Walang pag aalinlangan na sumampa siya kaagad sa likod nito.
Malamig ang tubig sa sapa, kahit masarap sa pakiramdam ay alam niyang lalamigin siya kalaunan lalo at medyo malamig ang hangin sa lugar na iyon. Hinuhad nito ang long sleeve na suot nito at itinali siya nito sa beywang nito gamit ang long sleeve nito. Iniisip marahil nito na baka mapabitaw siya dito pag mapagod siya.
"Inaanod tayo!" Bulalas niya. Nang mapansin niyang inaanod sila.
"Hsssh just hold on baby, kailangan nating makalayo agad pag maglakad tayo ng maglakad ay baka maabutan nila tayo." Sabi nito.
Napapikit nalang siya sa takot na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Isinara niya din ang kanyang bibig para di siya makainom ng tubig at di naman nila alam kung malinis ba ang tubig dun. Ilang sandali pa ay tila huminto ang kanilang malakas na pagkakaanod.
Alam niyang totoo ang sinabi nito na maaring maabutan nga sila kung maglalakad lang sila. Medyo maliwanag na ang paligid at kita na niya ang kinaroroonan nilang dalawa. Malapit na sila sa dagat o lawa di niya sure dahil walang alon siyang nakita, basta malawak na bahagi ng katubigan ang kanilang kinaroroonan.
"Mico gising!" Bulalas niya nang mapansin na nakapikit ang lalaki.
Lalo siyang nataranta nang makita ang tila dugo sa may bahagi ng ulo nito. Mababaw na ang tubig na kinaroroonan nila at wala na din ang tila nagngangalit na agos ng tubig kanina.
"Wag mo kaya akong biruin ng ganyan, gago to!" Naiiyak na niya itong niyugyog.
Dumilat naman ang lalaki at tumingin sa kanya na may ngiti sa labi.
"Tsss wag mo akong iyakan di pa ako mamamatay. I'm just resting napagod ako kakalaban sa agos ng tubig. Tsaka ang bigat mo e." Sabi pa nito na tila inaasar siya.
"Nasaan na kaya tayo?" Tanong niya dito.
"Hindi ko din alam, pero sa ngayon ay di pa tayo pwedeng bumalik agad." Sabi pa nito, dahilan para mapalingon siya dito.
"Bakit?"
"Malamang ay nakaabang sila sa atin, ayaw mo naman siguro mamatay ng tuloyan? Di natin alam kung sino ang may pakana ng lahat." Sabi nito sa kanya.
"Di naman nila ako kilala e."
"Di mo alam, for sure may ID ka na dala during your delivery, maaaring malagay sa panganib din ang pamilya mo. Sa ngayon matulog na muna tayo." Sabi nito na muling pumikit.
"Malamig." Daing niya nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin mula sa tila lawa na kanilang kinaroroonan.
"Just hug me." Ginawa nga niya ang sinabi nito.
Alam niyang wala siyang ibang pwedeng pagkatiwalaan sa lugar na iyon kundi ang lalaki. Hindi nila alam kung nasaan sila at wala pa silang ni isang kilala. Sana lang ay makayanan nila ang mag survive sa susunod na mga araw sa lugar na iyon.