Tahimik siyang sumunod dito, hawak nito ang kanyang kamay nakasunod din ang apat na babae at dalawang batang lalaki. Ang alam niya ay may lagusan naman sa ilalim ng kanilang higaan pero sa may bandang ilog sila dadaan papasok. "Masikip pasukan kasi ang sa kabilang panig, may maluwag iyon papalabas kaya dito tayo dadaan." Wari bang narinig ng lalaki ang kanyang iniisip. Medyo madilim pa ng mga sandaling iyon, papa bukang liwayway pa lang. Mabibilis din ang kanilang mga hakbang dahil ayon kay Mico, maagang gagawin ang paglusob sa bahay ng pamilya ni Sarya. Kailangan nilang makarating doon bago pa man makarating ang mga kalaban sa bahay mismo ni Sarya. "Bilisan niyo at baka maabutan nila tayo, marami daw silang lulusob ngayon. Balak nilang ubosin ang lahi natin!" Yung asawa ni Sarya na pa

