Chapter 6

3089 Words
SAMANTHA         Hindi ako makatingin sa mga kasamahan kong cabin crew sa flight namin going back to Manila. Nalaman kasi ng mga ito na kaya hindi ako nakapag trabaho kanina habang papunta kami ng Japan ay dahil katabi ko sa passenger's seat ang mismong may-ari ng airline na pinagtratrabahuhan namin.         Ang buong akala ko ay hindi na magkrukrus ang mga landas namin pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa noong nakaraang gabi ng ihatid niya ako sa apartment. Pero heto at ilang araw pa lang ang lumilipas at gumugulo naman ang buhay ko dahil sa panganay na anak ni Mr. Lorenzo Montalvo.         "Uy, magkuwento ka naman Samantha. Bakit katabi at kausap mo si Sir Simoun kanina?Ikaw ha, may lihim ka pa lang hindi mo sinasabi sa amin." Tudyo ng isa sa mga kasamahan ko, ramdam ko ang pagtuyo ng aking lalamunan dahil sa tensyo na nararamdaman ko ng mga oras na iyon pero hindi ako nagpahalata sa kanila.         Paano ko ba lulusutan ang mga tanong na ipinupukol nila? Wala naman talaga akong kaalam-alam na gagawin ni Sir Simoun ang mga bagay na iyon kanina. At bigla kong naalala ang bastos na lalakeng nagtakang humawak sa mga kamay ko habang nasa duty ako sa trabaho.         "Ah...eh, may sinabi lang siya tungkol sa trabaho natin." Sana maniwala sila sa sinabi ko.         "Okay, tungkol saan naman ang sinabi nya sa iyo?" Nagpatuloy pa rin sa pagtatanong si Shiela. May kadaldalan pala ang isa na'to.         "Wala, sinabi lang niya na huwag tayong papayag na may mambabastos sa atin lalo kapag nasa trabaho tayo, report daw natin agad." Nginitian ko sila ng manipis. Ang iba ay tahimik lang na hindi ko maramdaman kung ano ang tumatakbo sa isipan nila, pero ng tumango naman si Shiela sa sinabi ko ay medyo naluwagan ako ng panghinga.         Nang pabalik na kami sa Manila ay hindi ko inaasahan na kasama pa rin namin sa flight si Sir Simoun. At saka ko naalala ang sinabi niya kanina.         "See you later."         Doon pa rin ito naupo sa puwesto kung saan kami nakaupo kanina. Naconcious naman ako dahil manaka-naka ay nakikita kong nakatitig siya sa akin o sinusulyapan ako. Hindi ako dapat magpaapekto dahil nasa trabaho ako, I should perform my job with the sense of professionalism. Hindi iyon ganito, halos tumalon ang puso ko sa kaba kapag nagtatama ang aming mga mata sa tuwing madaraanan ko ang upuan o puwesto nya kahit na wala naman itong ibang ginagawa sa akin. He's just keep stairing at me, un bang titig na nakakalusaw at nakakapagpalambot ng mga binti!         Naka bound naman ng maayos ang eroplanong sinasakyan namin sa airport matapos ang halos apat na orasna biyahe. Inassist namin ang mga pasahero para makababa ng maayos at napansin kong nagpatihuli na si Sir Simoun sa pagbaba.         Hindi ko na siya tinangka pang tingnin o titigan at agad akong dumerestso sa lugar kung saan kami nagpapahinga na mga cabin crew. Nandoon ang mga gamit ko kaya kailangan kong balikan bago ako bumaba ng eroplano.         Magkakasabay kaming naglalakad palabas ng airport ng mga kasamahan kong FA habang hila namin ang mga sari-sarili naming trolly bag. Gabi na rin, at bukas ng hapon ay may biyahe naman kami kaya kailangan kong mag recharge ng mabuti.         Namissed ko bigla si Jenny, dati-rati kasi ay kapag nakababa na kami ng eroplano kung saan-saan muna siya nito yayaing mag miryenda bago umuwe. Unlike ngayon, diretso uwe na ako sa apartment. Doon na lang siguro ako magluluto ng pagkain pagdating.         "Oh, paano Samantha see you tomorrow. Nandito na ang sundo ko." Sabi ni Sheila. Tumango lang ako at saka kumaway sa kanya.         "Okay, ingat." Ngayon lang ata nawalan ng taxi na mga nag-aabang sa pasareho? Nagtaka ako bigla dahil dati ay may makikita ako agad na taxi paglabas pa lang ng entrance ng airport. Ngayon wala, naisip kong baka marami ang mga naging pasahero kanina na walang sumundo kaya napilitang mag commute, katulad ko.         Binuhay ko ang cellphone ko mula sa pagkakapatay nito sa biyahe kaya hindi ko napansin ang paghinto ng isang itim na kotse sa harap ko.         Nang magtaas ako ng tingin ay saka ko nakita kung sino ang nasa loob ng passenger's seat at nakatingin sa akin matapos nitong ibaba ang windshield sa tapat nito.         Sir Simoun!         Nagulantang naman ang isip ko at natuliro ang puso ko kung bakit nasa harapan ko na naman ang boss namin. Ano naman kaya ang sasabihin nito sa akin at parang sadyang hinintay pa nito ang paglabas ko mula sa loob ng sarili nitong airport. Napansin ko rin ang driver nitong kasama na otomatik na bumaba ng kotse pagkahinto sa harap ko.         "Get in." Sunod kong narinig na sabi nito. Hindi ako agad nakakilos kaya sinenyasan pa nito ang driver na buksan ang pinto para makasakay ako. Kinuha din ng driver sa akin ang dala kong trolly at inilagay sa compartment sa likod ng kotse.         Napipilitan man ay napasakay na rin ako ng hindi oras sa loob ng kotse ni Sir Simoun. Hindi ito ang gamit nitong kotse ng ihatid niya ako sa apartment. Pero katulad ng ibang kotse ng mayayaman, mahihiya ka sa bango ng amoy nito once na makaupo ka na sa loob.         Sinalubong ko ang mga mata nitong nakatingin pa rin sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng kotse nito. At napatingin ako bigla sa mga hita ko na naka expose dahil sa ikli ng skirt na suot ko. Kunwari kong hinila ang dulo nito para medyo bumaba at matago man lang ang balat ko pero wala pa ring nangyari. Ganoon pa rin, malaya pa ring nakikita ng amo namin ang mga hita ko na lalong nagpakaba ng dibdib ko.         Nahagip ng paningin ko ang pagngiti nito dahil sa ginawa kong iyon. Ano kaya ang iniisip ng isa na'to? Pati tuloy ako ay napaiisip sa mga nangyayari sa aming dalawa. Hindi na normal ang mga pagkikita namin, parang sinasadya na nitong magkita kami na hindi ko alam ang dahilan.         Nang magsimula ng umandar ang kotse ay naglakas na ako ng loob na tanungin ito kung bakit na naman kami magkasamang dalawa sa loob ng kotse nito. Hindi pa ba sapat ang ang pagsasama namin sa buong biyahe papunta sa Japan kanina para masabi nito ang mga gusto nitong sabihin sa akin, at pati hanggang sa pag-uwi ay hinintay pa niya ako?         "Sir, may sasabihin po ba kayo sa akin?" Kabado kong tanong sa kanya.         Umayos ito ng upo at isinandal ang malaki nitong katawan sa upuan ng kotse. Parang masikip nga kaming dalawa sa passenger seat at pareho kasi kaming matangkad.         Kulang na lang ay magbungo ang mga tuhod namin dahil sa espasyo na mayroon kami sa loob ng kotse nito. Kainis!         "Wala naman, I just saw you outside the airport kaya naisip ko na isabay ka na lang sa pag-uwi." Yun lang kaya talaga ang dahilan nito? Puwede naman niya akong basta na lang daanan at iwan sa airport kahit na nag-iisa ako may mga taxi naman na puwede akong masakyan. Naisaloob ko na lang.         "Ganoon po ba. Salamat po sir." Napaayos na rin ako ng upo pagkatapos kong magpasalamat sa kanya. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin kong nakabukas na ang mga butones ng suot nitong suit at halatang pagod din ito katulad ko mula sa mahabang biyahe.         "Kamusta, hindi ka na ba ginulo ng lalakeng pasahero kanina na nambastos sayo bago tayo mag bound sa Japan?" Out of nowhere ay tanong nito sa akin. Hindi ko na rin nakita kung paanong nakababa ang lalakeng iyon sa eroplano pagdating namin sa Japan at minabuti kong bumalik agad sa trabaho pagkatapos.         "Hindi na po sir. Saka sanay na po ako sa mga bastos na pasahero na katulad ng lalake na'yun." Sagot ko sa kanya.         Bigla at mabilis ang naging pagkunot ng noo ni Sir Simoun sa sinabi ko. Totoo naman iyon, sa dami ng pasaherong nakakasalamuha ko sa bawat biyahe ay malabong hindi ako nakaka encounter ng mga taong walang modo at bastos na katulad ng nakilala ko kanina.         Hinahabaan ko na lang ang pasensya ko bilang FA at napag-aralan din naman namin sa school dati ang pagiging patient sa mga pasahero at iba-iba ang ugali ng tao in reality.         "What do you mean sanay ka na? Hindi lang ito ang unang beses na nangyari sayo ang ganong bagay?" Nahimigan ko ng inis at galit ang boses nito, hindi ko alam pero kinabahan akong bigla sa mga maaring sunod na mangyari dahil sa sinabi ko.         Tumango ako. Sunod kong narinig ang pagmumura niya at napapitlag pa ako ng hampasin nito ang likod ng upuan ng driver sa galit.         Pagkatapos ng huli naming pag-uusap tungkol sa mga naging karanasan ko sa mga pasahero ng sarili nitong airline ay hindi na niya ako kinausap pa. Naging busy ito sa kakatext sa cellphone at minsang tinawagan ang secretary nito. Hindi ko naman naintindihan ang pinag-usapan nila at puro tungkol sa trabaho nito sa opisina kaya minabuti ko na lang na abalahin ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana.         Doon bigla akong nakaramdam ng gutom ng madaanan namin ang isang fast food na paborito kong kainan dahil mura at masarap pa ang chicken joy doon.         "Manong Boy, pakidaan sa restaurant ang kotse at mag take out ka na rin ng pagkain." Utos ni Sir Simoun sa driver nito na kinagulat ko. Nanatili itong nakatingin sa cellphone kahit na kausap nito ang sariling driver.         Saglit ngang nagpark ang driver na kasama namin at dumeretso ito sa isang mamahaling restaurant at pagbalik nito ay mayroon na itong bitbit na dalawang paper na sa tingin ko ay puro pagkain ang laman.         "Wala na po kayong ipapabili sir?" Tanong nito ng makapasok na muli ito sa loob ng kotse.         "Sam, baka may gusto ka pang bilin na pagkain?" Imbis na sagutin ang driver nito ay sa akin ito tumingin at  nagtanong.         "Wala na po sir." Agad kong sagot sa kanya. Ano ba naman kasi ang bibilhin ko ng dis oras ng gabi? Mabuti nga at naawa ito sa akin at isinabay ako kung hindi ay malaman nasa gitna pa rin ako ng traffic. Ang pinagtataka ko pa ay balak pa ata nito akong ideretsong ihatid sa apartment ko. Naghihintay kasi ako na sabihin nito kung saan ako puwedeng ibaba para mag abang ng panibagong taxi diretso na sa apartment ko pero hindi ito nagtatanong.         Nang marinig nito na wala akong kahit na anong ipapabili ay tiningnan lang nito sa salamin ang manong driver na kasama namin at nagkaunawaan na ang dalawa.         Mukhang hindi nga ako nagkamali ng pinadiretso ni Sir Simoun ang kotse nito sa mismong apartment ko. Hindi ko tuloy alam ang gagawin o sasabihin ko sa kanya kapag bumaba na ako ng kotse nito. Aayain ko ba siyang magkape? Gabi na kaya. Pero nakakahiya naman kung hindi ko man lang siya yayain kahit pabalat sibuyas man lang. Haizt.         Nang inihinto na ng driver ang kotse ni Sir Simoun sa mismong tapat ng apartment ko ay saglit ko siyang nilingon  at sakto naman na nakatingin din pala ito sa akin.         "Sir, baka po gusto nyong magkape muna kahit saglit." Bantulot kong anyaya sa kanya.         "Sure, gusto ko rin makita ang loob ng apartment mo."         Loob ng apartment ko? Bakit?         Wala namang kakaiba sa apartment ko, katulad lang din naman ito ng pangkaraniwang apartment na makikita sa Manila.         Wala na nga akong nagawa ng sabay kaming bumaba sa kotse at ito pa mismo ang nagbitbit ng paper na naglalaman ng mga pagkaen na inorder nito sa restaurant kanina, plus ang trolly bag ko. Tinangka kong kunin sa kanya ang bag ko pero hindi ito pumayag, nagmukha tuloy itong taga bitbit ng mga gamit ko, pero kahit ganoon ay guwapo pa rin ito sa paningin ko lalo na at tinanggal na nito ang coat na suot at ngayon ay long sleeve na kulay skyblue na lang ang suot nito na pang itaas na nakatupi na hanggang siko.         Medyo nanginginig pa ang mga kamay ko habang nagbubukas ng padlock ng pinto ng apartment ko. Hindi naman kasi mamahalin ang apartment na inuupahan ko kaya medyo luma na ang ilang bahagi nito.         Nang sa wakas ay nabuksan ko na ang pinto ay agad kong pinindot ang switch ng ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong apartment. "        Kuhanin ko na po sir un trolly bag ko baka nabibigatan na po kayo." At inaabot naman nito sa akin ang handle nito at muntik pang magkasunggo ang mga braso namin pagkatapos. Ang hawak naman nitong dalawang paper bag na puno ng mga pagkain ay kusa nitong inilapag sa center table ng sala.         Iginilid ko naman ang trolly na ginamit ko sa biyahe sa isang panig ng sala. Nang balikan ko ng tingin si Sir Simoun ay para itong isang inspector na tinitingnan ang mga bagay-bagay sa apartment ko. Hindi na nga nito nakuhang umupo at  pinagmamasdan nito ang iba't ibang bagay na nasa loob ng apartment ko.         Parang wierd kung tutuusin ang ginagawa nito pero dahil siguro first time nitong nakapasok sa apartment ko kaya ganoon agad ang una nitong ginawa.         Binalewala ko na lang ang mga ginagawa niya at tumungo ako sa mini fridge na gamit ko sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Nagsama na rin ako ng baso para ipaglagay ng inumin si Sir Simoun kung gusto man nitong uminom ng tubig.         Pagbalik ko sa sala ay nakatayo pa rin ito at tahimik na pinagmamasdan naman ngayon ang ilang picture frame na nakasabit sa dingding. Puro picture namin ni lola ang nakalagay doon, wala akong picture kasama sila Mama at Papa, kung mayroon man bilang lang sa daliri at baka nakasaved pa sa phone ko dahil wala akong time para ayusin at ipadevelop pa iyon.         "Sir...water po, or may iba po kayong gustong inumin?"         Nilingon niya ako at napalunok na naman ako sa kaba ng magtama ang mga mata namin. Bakit ba parang nakaka intimidate kapag kaharap ko ang lalakeng ito? Ano bang mayroon sa kanya at kinakabahan ako ng todo kapag nakatitig siya sa akin, natatakot ako kapag bigla siyang nagsasalita dahil hindi ko alam kung ano na lang bigla ang sabiihin nito sa akin, at higit sa lahat mayroon kung anong bagay ang pumipilit sa akin na patuloy kong papasukin siya sa buhay ko. Hindi ito ang normal kong reaksyon sa mga lalakeng nakausap o nakaharap ko, sa kanya lang. Only him makes me feel these strange feelings. And I hate it!         "I have an offer to you." Imbis na sagutin ang nauna kong tanong sa kanya ay iba ang sinagot nito sa akin.         "Offer po sir...?"         "Yeah, you're not safe here. In this place." Iniligid pa nito ang mga mata sa kabuuan ng apartment ko.         Ano bang sinabi nito na hindi ako safe sa sarili kong apartment? Ilang taon na akong nangungupahan dito at okay naman at so far wala pa naman akong nagiging problema sa pagtira ko sa apartment na ito. Maging ang landlady ay kasundo ko rin.         "Hindi ko po maintidihan ang point nyo sir. I've been living in this apartment for many years at walang nangyaring masama sa akin, so I guess mali po ang sapantaha ninyo." Hindi ko na napigilan na sumagot sa kanya.         "For now, wala. Masyado ng delikado ang panahon ngayon kaya mas mabuti kung sa isang secured na lugar ka nakatira. And I also considered you as one of my employees that why I will offer you a not so bad proposal."         Not so bad proposal daw? Kinabahan naman akong bigla sa sinabi niyang iyon. Napatayo ako ng diretso at sinalubong ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin.         "Hindi ko po maintindihan ang gusto nyong sabihin sir," diretso kong sabi sa kanya. "        My company has a wide connection at isa doon ay ang mga kilalang company who sells different condo units and houses. Kung gusto mo kakausapin ko ang mismong may-ari ng mga binebentang units and then doon ka na tumira." Parang wala lang dito ang sinabi na kakausapin nito ang kung sino mang nagbebenta ng mga units, at tapos ay doon na ako lilipat? Agad-agad?         "Sir, hindi ko po kayang bumili or mag rent ng isang exclusive na bahay dahil mag-isa lang po ako sa buhay kaya pinagkakasya ko lang ang kita ko monthly." Hindi na ako nahiyang sabihin sa kanya ang mga bagay yun at ng matapos na ang usapan namin at baka sakaling hindi na niya ako kulitin tungkol sa paglipat sa mamahaling condo unit na sinasabi nito.         "That's not a problem Samantha, kung magkanu lang ang monthly mo dito sa apartment mo iyon lang ang ibabayad mo sa unit na kukuhanin mo. Bibilin ng company ko ng cash ang unit at monthly naman na ikakaltas sa sahod mo ang bayad if that's the problem. And I will assure you na ang bibiling unit ng company ko ay rent to own, it means na kapag nabayaran mo na ang ilang years na total payment ng unit, sayo na iyon. And not just that, puwede kang ihanap ng mga tauhan ko ng unit na malapit lang dito sa lugar mo para kung gusto mo na sa lugar pa rin na ito tumira but in a descent house ay magagawan natin ng paraan." Paliwanag nito sa akin. Nabigla ako sa sinabi ni Sir Simoun tungkol sa rent to own na unit na sinasabi nito. Maganda iyon para sa akin na nag-iisa lang naman sa buhay at pagdating ng panahon ay may masasabi akong naipundar ko kahit papaano.         Nag-isip ako saglit pero dahil sa pagud at puyat na nararamdaman ko ay hindi agad magfunction sa utak ko ang dapat na isagot ko sa kanya. At natigilan ako ng muling magsalita si Sir Simoun.         "Pag-isipan mo ang offer ko sayo Samantha. I want you to be safe and have a comfortable house to live that's why I'm doing this." Paglilinaw nito sa akin. Diretso pa rin at walang kakurap-kurap ang mga mata nito na nakatitig sa akin. Nasasanay na rin ata ako sa mga titig niya at sa mga mata nitong mapang-akit kung tumingin.         "Sige po sir, pag-iisipan ko po." Iyon na lang ang naging sagot ko sa kanya dahil sa totoo lang ay hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat kung bakit ba humantong sa ganitong sitwasyon ang pagiging mag amo namin ni Sir Simoun.         Nagpaalam na siya sa akin at sinabi nito sa akin na babalik ito sa ibang araw para malaman ang magiging sagot ko sa offer nito sa akin. At tuluyan na nga akong nakahinga ng maayos ng umalis na ito sa aking apartment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD