Chapter 7

3132 Words
Simoun         I've planned everything. Everything about Samantha. Kailangan ko siya to be my companion in the party. Ang una kong binalak ay ang patirahin ito sa sarili kong condo malapit sa apartment nito. Pinaasikaso ko kay Winny ang lahat. Ang papel ng condo, at palabasin na si Samantha ang magiging bagong may-ari ng condo na binili ko.         Sa ganoon ay hindi ito makatanggi sa mga pabor na hihingin ko sa kanya. I need her service, at pilit kong isinasantabi ang mga gumugulo sa isipan ko kapag kasama ko siya. I don't want to ruin my life just because I fall in love again. I hate women, but I need Samantha, I needed her. I don't know how long...but I want to be closer with her.         I feel so damned betrayed kapag naiisip ko ang ginawa ni Bea sa akin dati, but Samantha is giving me so much questions in my mind. Makakaya ko kayang magtiwala muli sa ibang babae sa pagkakataong ito na hindi ko iisipin na katulad ni Bea, she will bored with our relationship and afterwards we will separate also just like the old times?         Gusto kong isipin na iba si Samantha sa mga babaeng nakilala ko. Those women I met feel like they were all queens that needed affections all the time. Na hindi kayang tumayo sa sariling mga paa? Na hindi kayang manindigan sa buhay at mabuhay na mag-isa? But those qualities I have mentioned are all Samantha's characteristics.         Nabuhay pala itong mag-isa simula ng maghiwalay ang mga magulang nito. Mag-isa nitong tinataguyod ang buhay mula sa pagtratrabaho nito bilang flight attendant. Wala siyang inaasahan sa buhay kung hindi ang sarili lang niya. That makes her stronger in my eyes as a woman.         Nabululabog lang ang malalim kong pag-iisip ng biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko.         "Come in."         Ilang saglit pa ay pumasok si Melody kasama ang isang private investigator na kinuha ko para alamin ang tungkol kay Samantha at Edward, kung talagang may relasyon silang dalawa.         "Sir,nandito na po si Carlson."         "Good morning sir."         "Good morning, take your seat." Utos ko sa kanya na mabilis namang kumilos. Si Melody naman ay nagpaalam na lalabas para ayusin ang iba pang bagay.         "So, what did you discover?" bungad kong tanong sa kanya.         "Nagsimula po akong mag imbistiga sa dating kolehiyo kung saan nag-aral si Ms. Samantha at natuklasan ko na pareho pala silang dalawa ni Edward na sa University na iyon nagtapos. Magkakilala na rin sila simula first year college sir." Matagal na rin palang magkakilala ang dalawa. Naghintay pa ako ng sasabihin ni Carlson bago ko siya tanungin muli.         "Nagtanong-tanong ako sa mga dati nilang naging professors at mga nakakikilala sa kanila sa University, at isa lang ang sinabi nila sir." Na curcious ako bigla sa huling sinabi nito.         "What?"          "Wala daw pong naging relasyon sila Ms.Samantha at Edward, sa katunayan ay wala ring naging boyfriend si Ms.Samantha sa mga taon na nag-aral siya sa kolehiyo." Nagulat ako sa nalaman ko na wala pa lang naging boyfriend si Samantha habang nag-aaral ito sa kolehiyo. Ang ganda at karisma nito ay hindi kataka-takang maraming mabibighani ditong lalake. Pero may isang panig ng puso ko ang naligayahan ng malaman ang tungkol sa bagay na iyon at parang nabunutan ako ng tinik sa sinabi ni Carlson. Pero bigla kong naisip, paano kung sa pagkakataong ito ay may relasyon na talaga sila Edward at Samantha?         " Posible kayang may relasyon na silang dalawa ngayon?" sunod kong tanong.         "Nag-imbestiga po ako sa sarili nyong airline kung saan nagtratrabaho ang dalawa, at wala rin po akong ibang nakalap na mga impormasyon na magsasabi na may relasyon sila maliban sa lumalabas sila paminsan-minsan para gumala." At naalala ko bigla ang itsura ni Edward na lango sa alak sa bar. Maging ang sinabi nito kay Samantha tungkol sa nararamdaman nito, malamang ay umamin na ito sa tunay na nararamdaman nito sa dalaga.         Ang mahalaga ay napatunayan ko na wala talaga silang relasyon na dalawa. At kung sakaling may mamagitan kay Patty at Edward ay labas na si Samantha roon.         "Salamat, Carlson. Ang sunod mong hanapin ay ang mga magulang ni Samantha, and I want you to give me an update kung saan sila parehong nakatira ngayon." Bilin ko kay Carlson. Kailangan kong mahanap ang mga magulang ni Samantha, baka sakaling matulungan ko siya na mabuo kahit papaano ang pamilya nito na alam kong gustong-gusto nito.         "Okay sir. Update ko po kayo, as soon as possible."         "Thank.you." SAMANTHA         Nagluluto ako ng pasta para sa miryenda ko ng biglang tumunog ang doorbell sa gate ng apartment ko. Binitawan ko ang hawak kong sandok saka ko sinilip kung sino ang taong nasa labas ng gate.         Nakita kong nakatayo mula sa tapat ng gate si Edward. May bitbit itong isang supot na hindi ko alam ang laman. Naglakad ako patungo sa gate para pagbuksan ito. Habang papalapit ako sa mismong tapat ng gate ay napansin ko ang ngiti sa mga labi nito ng makita ako ng malapitan.         "Sir Edward, kayo po pala." Bungad ko sa kanya at iniluwang ko ang bukas ng pinto para makapasok siya. Nang tuluyan na itong nakapasok sa loob ay iniabot niya sa akin ang bitbit nitong supot.         "Samantha naman, wala naman tayo sa trabaho kaya tigilan muna ang pagtawag ng 'sir' sa'kin." Natawa ako sa sagot nito sa akin, tinitingnan ko lang naman kung ano ang magiging reaksyon nito kapag tinawag ko na naman itong 'sir' lalo at ilang araw na rin ang lumipas na hindi kami magkasama sa trabaho.         "Ikaw talaga Edward, ayaw paawat." Pabiro kong balik na sagot sa kanya. Pareho kaming nagtawanan bago tuluyang pumasok sa loob ng apartment ko.         Sakto ang dala niyang chicken joy sa broccoli pasta na niluto ko. Na enjoy namin ang snack na pareho. Wala kaming ginawa kung hindi ang magtawanan sa mga biro namin sa isa't isa.         "Bakit ba kasi biglang-bigla ang naging promotion mo at nalipat ka sa international flight?" Bigla ay sabla nito sa akin ng mauwi sa trabaho ang usapan namin.         "Nagulat din ako, pero sabi nga...opportunity knocks once so I just grabbed that opportunity. Sayang din kasi at medyo malaki-laki ang sahod ko sa bago kong work." Paliwanag ko kay Edward na ikinabuntong hininga na lang nito.         "Hayaan mo at lalakarin ko ang papel ko para malipat din ako sa international flight para magkasama ulit tayo sa mga biyahe."         "Okay lang naman ako sa trabaho ko ngayon Edward, kahit na medyo namimiss ko rin si Jenny at ang kakulitan niya." Natatawa kong sabi sa kanya.         Nasa ganoon kaming senaryo ng bigla na namang may nag doorbell sa labas ng gate ng apartment ko. Sabay pa kaming napasilip ni Edward kung sino ang nasa labas ng gate. Doon lang kasi kami kumain sa sala kaya mabilis namin nakita kung sino ang taong hindi ko na naman inaasahan na pupunta sa apartment ko. At doon ko naalala ang usapan namin ni Sir Simoun sa paglipat ko sa condo unit na offer nito na puwede daw bilhin ng company nito para doon mismo ako magbabayad ng buwanang hulog ko.         "Bakit nandito si Sir Simoun?" Hindi makapaniwalang tanong ni Edward sa akin na walang kaalam-alam sa mga nangyari na sa amin ni Sir Simoun simula ng magkita kami sa bar kung saan nalasing ng todo si Edward.         "Ah---baka may importante lang na sasabihin tungkol sa trabaho." Alangan kong sagot sa kanya. Paano ko ba ipapaliwanag dito ang lahat na hindi ito mag-iisip ng iba sa akin. Lalo na at lalake pa naman ang boss namin.         Wala na akong nagawa at tumayo na ako sa kinauupuan ko para pagbuksan ng pinto si Sir Simoun. Naiwan naman sa loob ng apartment si Edward.         "Sir Simoun..." tanging nasabi ko ng tumapat na ako sa mismong gate.         "Good afternoon Samantha. Hindi mo man lang ba ako papasukin sa loob ng apartment mo?" Nakangiting tanong nito sa akin ng mapansin na hindi ko pa binubuksan ang gate at natataranta ang pakiramdam ko, bakit parang malaking kasalanan ang pagpapatuloy ko kay Edward sa apartment ko na hindi dapat malaman ni Sir Simoun? Paano ba ang gagawin ko? Kainis naman, bakit ba kasi puntahan ng puntahan ang mga ito sa apartment ko? Gusto ko pa naman mag relax,pero kabaligtaran ang mga nangyayari ngayon.         "A--ah sige po sir...pasok po kayo." Ngumiti ako ng alangan sa kanya, ito na sana ang magsasara ng gate pero pinigilan ko at nakakahiya naman sa part nito. Amo ko siya tapos ay pinagsasara ko lang ng gate ng apartment ko? Sabagay, ano ba ang pagkakaiba nun sa pinagdala ko siya ng trolly bag na gamit ko noong nakaraang araw.         "Tamang-tama po ang pagbisita n'yo sir...nasa loob po si Sir Edward nagmimiryenda puwede po kayong maykuwentuhan." Biglang napatigil si Sir Simoun sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko at saka tumingin sa akin ng mariin.         "Nasa loob ng apartment mo si Edward?" Hindi makapaniwalang tanong nito habang nakakunot ang mga kilay nito. Kinabahan naman ako dahil sa itsura nito. May mali kaya sa sinabi ko? Bakit bigla itong nag-iba ng mood?         "O--opo sir, bumisita lang po siya." Hindi ko maitatangging may kaba akong nararamdaman sa tuwing magtatama ang mga mata naming dalawa, at sa pagkakataon iyon ay doble ang kabang bumabalot sa akin dahil bukod sa nakatitig ito sa akin ng mariin ay halatang bakas sa mukha nito ang inis.         "Kanina pa ba siya nandyan sa loob?" Sunod nitong tanong sa akin. Nagulat man pero nakasagot pa rin ako sa muli niyang tanong.         "Medyo po sir, may problema po ba?"hindi ito sumagot at sa halip ay pinagdikit na lang nito ang maninipis na labi at saka ito bumuntong hininga.         "Wala, nagulat lang ako na nandito siya. Hindi ko alam na nagpupunta pala siya dito sa apartment mo." Makahulugan nitong sabi sa akin. Hindi ko alam pero parang may laman ang mga sinabi nito sa akin at may pinapatungkulan na kung ano.         "Minsan po sir dumadalaw siya dito kapag wala siyang lipad at ako rin po walang pasok sa trabaho." Simple kong sagot sa kanya, bahala na siya kung maniniwala siya oh hindi, basta ako ay malinis ang kunsensya ko na kahit kailan ay walang namagitan sa amin ni Edward. Magkaibigan lang talaga kami simula kolehiyo, pero si Edward ang hindi nag maintain ng friendship namin na iyon dahil ilang beses na itong nagtapat sa akin pero wala talaga akong balak na magkaroon ng boyfriend. Sunod kong napansin ang pagpasada niya ng tingin sa kabuuan ko, simula ulo hanggang paa kaya bigla akong na concious sa kung ano ba ang mali sa suot ko at ganoon ito makatingin sa akin? Hindi ko talaga siya maintindihan.         Matapos niyang titigan ang kabuuan ko ay napatango na lang ito sa sinabi ko at pinauna na niya akong pumasokbsa loob. Agad na bumungad sa amin si Edward na nasa sala at mukhang nainip ata sa tagal naming pumasok ni Sir Simoun. Tumayo agad si Edward pagkapasok ng amo namin at saka ito magalang na bumati.         "Good afternoon Sir Simoun." Magiliw nitong bati sa amo namin at saka nagpalitan ang mga titig nito sa aming dalawa.         "Kamusta na, Edward?" tanong ni Sir Simoun at nauna na itong naupo sa bakanteng upuan sa sala na parang hari ang style.         Salisihan itong tumingin sa amin ni Edward habang pasimple nitong pinasadahan ang mga pagkaen na nasa center table. At ang huli nitong tingin ay ipinukol sa akin. Masamang tingin na parang may mali sa mga ginagawa namin ni Edward.         "Ayos naman po sir, wala po akong sched ng flight ngayon kaya dinalaw ko po si Samantha." Sa akin naman sunod na tumingin si Edward pagkatapos nitong kausapin si Sir Simoun, kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapangiti sa kanilang dalawa ng lumaon ay naging parang ngisi na ang dating.         "Saglit lang po sir, kukuha ko po kayo ng extra plate." Para makaiwas sa tensyon ay tumayo ako saglit saka ako dumeretso sa kusina. Pagbalik ko ay nag-uusap pa rin silang dalawa na hindi ko alam kung ano ang topic hanggang sa makalapit na ako sa mismong center table at pinaglagay ko ng pagkain si Sir Simoun.         "Kamusta na pala kayo ni Patty, Edward?" Narinig kong tanong ni Sir Simoun kay Edward habang busy ako sa pagsandok ng pagkain sa plato.         Naikuwento na sa akin ni Edward kung sino si Patty at kulang na lang daw ay pagtaguan nito ang dalaga dahil sobrang obsses sa kanya. Noon una ay natawa lang ako pero ng sabihin nito kung gaano kapangyarihan ang ama ni Patty ay bigla akong natakot para kay Edward.         "Okay naman po sir, kaya lang hindi ko na siya minsan maintindihan kaya ako na lang ang umiiwas." Pag-amin ni Edward kay Sir Simoun.         "Naiintindihan kita, kaya habang mas nakakahinga ka pa sa presensiya niya ay ipaunawa muna ang mga bagay-bagay kay Patty. Wala ka bang nararamdaman sa kanya in the first place?" Nagulat ako sa walang pakundangang tanong na iyon ni Sir Simoun kay Edward kaya pareho na lang kaming dalawa na napatigil at napatingin sa amo namin.         "Wala po sir...kahit kailan wala akong naramdaman para sa kanya dahil may isang babae sa buhay ko ang kahit kailan ay hindi ko nakalimutan." Mabilis na sagot nito kay Sir Simoun, ako naman ay hindi makatingin sa kanilang dalawa kaya nakayuko ko na lang na iniabot kay Sir Simoun ang plato nito na may lamang pagkain saka ako bumalik sa bakanteng upuan na inukopa ko kanina.         "Really? Sino naman kaya ang masuwerteng babaeng sinasabi mo Edward?" Naramdaman ko ang diin sa bawat salita na sinambit ni Sir Simoun kaya hindi na ako nakapagpigil at itinaas ko na ang tingin ko para salubungin ang mga titig ng dalawang lalakeng nasa tabi ko. Sakto naman na pareho silang nakatingin sa akin ng iangat ko ang aking ulo kaya hindi ko malaman ang gagawin ko oh kung saan ako titingin para iwasan ang mga mata nila na puno ng kakaibang emosyon.         "Nasa paligid lang siya sir, at alam niya kung gaano ko siya kamahal at naghihintay lang ako palagi sa kanya hanggang sa kaya na niya akong mahalin." Napalunok ako ng matindi dahil sa sinabi ni Edward, hindi man nito binanggit ang pangalan ko sa harap ng amo namin ay alam kong may mapapansin at mapapansin pa rin ito sa mga kilos ko at reaksyon sa lahat ng sinasabi ni Edward.         "Masaya ako na nahanap muna ang babaeng magpapasaya sayo Edward, but I doubt kung kaya mo siyang ipaglaban pagdating ng panahon," makahulugan namang turan ni Sir Simoun kay Edward na ikinakunot ng nuo ng huli.         "Ano pong ibig nyong sabihin sir?"         "Kung ako sayo, ayusin mo muna ang problema mo sa mag-amang Nuevo bago mo patunayan ang pagmamahal mo sa babaeng sinasabi mo. Nakakalungkot naman kasi kung masasaktan mo lang sa huli ang babaeng sinasabi mo na minamahal mo ng dahil lang sa mag-amang iyon hindi ba?" Parang sampal kay Edward ang mga sinabi ni Sir Simoun, hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinabi niya tungkol kay Patty at sa ama nito pero alam kong naunawaan ni Edward ang lahat ng sinabi ni Sir Simoun dahil kusang lumaylay ang mga balikat nito pagkarinig sa mga sinabi ng amo namin. Ibig sabihin ay may katotohanan ang lahat ng iyon, at walang magawa si Edward para maayos ang mga iyon.         Hinintay nila ni Edward na makatapos ng pagkain si Sir Simoun saka walang ano-anong nagpaalam si Edward sa amin at may importante raw itong dapat na asikasuhin.         "Samantha..." narinig kong tawag ni Sir Simoun sa akin ng kami na lang dalawa ang naiwan sa sala. Papadilim na rin at saka ko napansin ang suot ko kanina pa. Naka sphagetti strap lang pala ako at maikling short ng abutan ako ni Edward kanina at hindi naman ako nakapagpalit na ng damit hanggang sa dumating na si Sir Simoun.         Bigla akong natigilan ng maalala ko kung paano ako kanina tinitigan nito pagdating pa lang nito at lumala pa ng malaman nito na nasa loob ng apartment ko si Edward. Hindi kaya dahil sa suot kong damit ngayon kaya ganoon na lang ang pagtitig niya sa akin kanina? Namula ang magkabila kong pisngi sa posibilidad na iyon at napayuko ako saglit.         Muntik pa akong mabuwal ng bigla kong pag-angat ng tingin ay nasa harapan ko na si Sir Simoun. Nakatitig sa akin ng mariin at napalunok naman ako ng wala sa oras dahil sa kaba.         "Sir..." Tinawid pa nito ang maliit na distansya na mayroon kami hanggang sa tuluyan nang naglapit ang aming mga mukha. Dama ko ang bango ng hininga niya na dumadampi sa pisngi ko.         "Napag-isipan mo na ba ang mga sinabi ko sayo tungkol sa paglipat mo sa condo?" Sunod nitong hinapit ang aking baywang dahilan kung bakit mas lalong napalapit ang katawan ko sa kanya, pinilit kong kumawala sa bisig nito pero mas lalo lang nitong nihigpitan ang hawak sa baywang ko na ikinaalarama ko na.         Bakit bigla-bigla ay nag-iba ang tingin ko sa Simoun Montalvo na nakilala ko ilang araw pa lang ang lumipas? Oh baka sadyang may mga itinatago pa itong ugali na unti-unti ko nang natutuklasan sa pagdaan ng mga araw?         "Sir..." muli kong tawag sa kanya pero para itong bingi na hindi nakakarinig. Nagpatuloy pa rin ito sa pagyakap sa aking baywang habang mariin ang mga matang nakatitig sa akin.         "What's your decision?" Imbis na pakawalan ako ay muli niya akong tinanong. Puro kaba na lang ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon kaya paano ko siya masasagot ng maayos?"         "P-pumapayag na po ako sir." Naisip kong sabihin sa kanya at baka sakaling bitawan na niya ako, at laking pasasalamat ko na unti-unti ay binitawan na niya ako hanggang sa tuluyan ng nagkaroon ng distansya ang mga katawan namin.         "I know you will give me the right answer Samantha." Makahulugan nitong sabi sa akin. Ilang beses ko pang kinurap ang mga mata ko para siguruhing hindi panginip ang mga nangyayari sa aming dalawa ngayon. "Huwag ka munang pumasok sa trabaho, sasabihin ko kay Melody na ayusin ang lahat para makapag impake ka ng mga gamit mo at makalipat ka na agad sa condo unit mo." Hindi iyon isang suhestiyon kung hindi isang utos. At muli, wala naman akong mamagawa kung hindi ang sumunod sa kanya dahil siya ang amo ko, at tinutulungan niya akong inayos ang ilang bagay sa buhay ko na sa tingin ko naman ay may mabuting maidudulot sa akin.         Matapos nitong sabihin ang mga dapat kong gawin tungkol sa paglipat ko sa condo unit na sinasabi nito ay nagpaalam na siya sa akin pero bago ito umalis ay mahigpit nitong ibinilin ang pagsasara ko ng mga pinto at bintana pagkaalis nito. Para namang may sariling utak ang mga paa ko at isa-isa ko ngang isinara ang mga pinto at bintana ng apartment ko gaya ng ibinilin sa aking ni Sir Simoun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD