Chapter 8

2994 Words
EDWARD         Nagpupuyos sa galit ang dibdib ko dahil parang isang sampal sa mukha ko ang sinabi ni Sir Simoun.Na hindi ko kayang ipaglaban si Samantha dahil kay Patty at sa ama nitong umaali-aligid sa buhay ko.         Mahal na mahal ko si Samantha at wala akong hindi gagawin para sa kanya, at kahit harapin ko pa ngayon ang isa sa mga makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo ay hindi ako matatakot. Lalo sa anak nito ka kahit kailan ay hindi ko naman napagtuunan ng pansin dahil iisa lang ang babaeng gusto kong makasama, at iyon ay si Samantha, siya lang walang iba.         "Nandyan ba si Mr. Nuevo?" Bungad kong tanong sa secretary nito na namumukhaan naman ako dahil ilang beses na rin naman akong nakarating sa opisina nito dahil sa ilang beses na rin niya akong pinapatawag para tanungin ang status ng relasyon namin ng anak nito na wala naman talaga sa simula pa lang.         "Yes Mr. Luciano nasa loob po siya. Wait po tawagan ko lang siya saglit para sabihin na nandito kayo." Napatango na lang dito at ilang segundo nga ay kausap na nito si Mr. Nuevo.         "Okay po sir, sige po papasukin ko na po siya." Sunod nitong binaba ang telepono mula sa pagkakadikit nito sa kabilang tainga nito.         "Pumasok na raw po kayo sir." Magiliw na sabi nito sa akin kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto ng opisina nito. Pagpasok ko ay agad na bumungad sa akin ang mabango, malaki at magarbong opisina nito.         "Edward, ikaw pala...maupo ka." Nakangiting bati nito sa akin, animo maamong tupa pero ang totoo ay nasa loob ang sama ng ugali nito.         Naupo ako sa kaharap na upuan nito, kasalukuyan itong nakaupo sa malaking kulay itim na swivel nito. Malaki itong lalake at medyo moreno ang kulay ng balat, bilugan ang tiyan nito na halatang walang alaga sa katawan at kalusugan nito. Ang mukha nito ay repleksyon ng isang taong makapangyarihan sa lipunan na hindi basta-basta maaring kalabanin oh hindian.         "Ano ang maipaglilingkod ko sa isa sa pinakamagaling na piloto ng Montalvo Airlines?" sarkastiko nitong turan sa akin. Naamoy ko agad ang gusto nitong ipunto.         "Mr. Nuevo, gusto sana kitang makausap tungkol sa anak ninyo na si Patty." Biglang nagningning ang mga mata nito ng marinig nitong banggitin ko ang pangalan ng anak nito.         "What about my lovely daughter?" Umayos ito ng upo at inilagay ang mga braso nito sa armrest ng upuan nito at saka tumingin ng diretso sa akin.         "Alam nyong mag-ama na ayokong maging bahagi ng pamilya ninyo sa umpisa pa lang. At nandito ako sir para humingi ng tulong sayo na pakiusapan si Patty na tigilan na ako dahil wala siyang maasahan sa akin. May ibang babae akong mahal." Biglang umasim ang mukha nito pagkatapos kong sabihin ang mga bagay na iyon saka ito tumawa ng malakas at pinaikot-ikot ang swivel chair na kinauupuan nito.         "Masyado naman atang mataas ang tingin mo sa sarili mo Luciano? Baka hindi mo nakikilala ang nasa harapan mo ngayon?" Sarkastiko nitong tanong sa akin. Ako naman ang parang nangasim ang timpla at biglang umusbong ang inis sa dibdib ko. Ipapamukha naman nito sa akin kung sino ito at ano ang kaya nitong gawin.         "Kilala ko kayo Mr.Nuevo kaya kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko maging parte ng pamilya ninyo." Muli itong tumawa sa sinabi ko.         "Napapatawa mo ata ako sa mga sinasabi mo ngayon Luciano? Let me remind you. Isa ka lang na hamak na empleyado at wala kang maipagmamalaki sa akin at sa aking anak, tandaan mo yan. At kung hindi lang dahil sa pagkagusto sayo ng anak ko? Wala akong pakielam sayo Luciano." Lumabas din ang totoo sa bibig nito. Na kaya nito ginugulo ang buhay ko ay dahil sa anak nito, sa kahibangan nito sa akin.         Nalaman ko na palagi pa lang pumupunta si Patty sa bahay namin para suyuin ang mga magulang at isa kong kapatid. Binilinan ko ang mga magulang ko na huwag tatanggap ng kahit na ano mula sa mag-amang Nuevo dahil maaring pagsimulan ito ng gulo pero hindi ako sinunod ng pamilya ko. At iyon ang isa sa mga nagpapadagdag ng alalahanin ko na baka mahirapan akong kumbinsihin ang mga magulang ko na si Patty ay hindi ko gusto, na kahit kailan ay hindi mangyayari.         "Kaya nga humihingi ako ng tulong sayo sir, para tumigil na si Patty sa pag-iilusyon na magkakaroon kami ng relasyon. Ayaw nyo naman siguro siyang masaktan hindi ba?" Balik kong tanong sa kanya na alam kong iisipin nitong mabuti ang sinabi ko, lalo na at nakasalalay ang kaligayahan ng nag-iisa nitong anak.         "Hindi ko kayang saktan ang anak ko Luciano. Kung nabibili nga lang ang kaligayahan ay araw-araw kong ibibili ang anak ko, alam mo yan."         "Pero hindi ko na kaya ang ginagawa niyang panghihimasok sa buhay ko sir, paano naman ang kaligayahan ko kung hahayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya sa buhay ko?"         "Ganon ba kahirap na mahalin ang anak ko Edward? Halos gawin na niya lahat para sayo, para magustuhan mo lang siya." Saglit akong natigilan at nag-isip. Kung natuturuan ang pusong magmahal, sana ay matagal na akong minahal ni Samantha. Pero hindi, sa loob ng sampung taon ay nanatili kaming magkaibigan at hindi nagbago iyon hanggang sa kasalukuyan.         "Hindi mahirap mahalin ang anak ninyo, kaya lang ay may ibang babaeng nagpapatibok ng puso ko sir...at mahal ko siya."         Biglang nagbago ang timpla ng mukha nito at bakas dito ang pagkagulat, sunod ay galit itong nagsalita muli.         "Sino naman ang babaeng sinasabi mo?" Galit nitong tanong sa akin.         "Hindi nyo na kailangan pang malaman kung sino siya. Ang hinihiling ko lang sa inyong mag-ama ay patahimkin nyo na ako kasama ang pamilya ko."         Saglit na napatingin sa akin si Mr.Nuevo ng mariin na parang binabasa ang nasa isipan ko.         "Gustuhin ko man na layuan ang pamilya mo, at si Patty na iwasan ka...ay hindi maaari." Madiin nitong sagot sa akin.         "Ano ang ibig mong sabihin na hindi nyo ako puwedeng layuan na mag-ama?"         "Malaki ang pagkakautang ng mga magulang mo sa akin kaya gustuhin mo man na makalaya sa anino ko, at ni Patty hindi mangyayari. Kailangan nyo munang bayaran ang milyon-milyong utang ng mga magulang mo sa akin, dahil kung hindi kasama kitang idedemanda at ang mga magulang mo."         Parang bomba iyon na sumabog sa harapan ko. Kahit kailan ay walang nabanggit na kahit anomang utang sa akin ang mga magulang ko sa mag-amang Nuevo. At ito ang unang beses na nalaman kong nagkautang ang pamilya ko, at sa mag-amang Nuevo pa talaga naisipang ng mga itong mangutang ng pera?         "Hindi ko alam ang sinasabi mo sir."         "I know, and I didn't surprise na hindi sinabi ng mga magulang mo ang ginawa nilang pagkakautang dahil alam nilang hindi ka papayag." Ngumisi pa ito na parang nang uumay.         Napakuyom ako sa aking dalawang kamay at kung hindi pa ako aalis sa kuwartong iyon ay baka makalikutan kong matanda sa akin ang kaharap ko ngayon at mabugbog ko ito dahil sa galit.         "Tatanungin ko ang mga magulang ko, hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo sir."         "Go ahead. Ask your parents about it and you'll find everything." At tumawa pa ito ng malakas ng tinalikuran ko na ito at padabog kong isinara ang pintong kahoy ng opisina nito.         Nagmamadali akong umuwi sa bahay namin para komprontahin ang mga magulang ko at tanungin kung totoo lahat ang tungkol sa sinasabi ni Mr. Nuevo.Hindi ako naniniwalang kayang gawin ng mga magulang ko ang mga sinabi nito kanina sa akin.         "Oh anak, ang akala ko ay may flight ka ngayon?" Salubong na tanong ni Mommy sa akin.         "Mom, we need to talk. Where's Dad?" Luminga ako sa paligid para hanapin ang aking ama.         "Nasa taas siya, ano ba ang pag-uusapan natin?" Inosenteng tanong nito sa akin.         "Tungkol kay Mr.Nuevo Mommy." Biglang nawalan ng kulay ang mukha nito ng marinig nito ang pangalan ng taong pinagkakautangan daw ng mga ito.         "A-anak..."         "Tell me Mom, totoo ba ang sinabi niya na may malaki kayong pagkakautang sa kanya? Kayo ni Daddy?"         "What's going on here?" Sakto namang pababa ng hagdan si Daddy kaya napalingon kami parehas ni Mommy sa pagbaba niya.         "Ronaldo..." bigkas ni Mommy sa pangalan ni Daddy.         "Anak, nag-aayaw ba kayo ng Mommy mo?" Nakunot ang noo nito ng harapin ako.         "No Dad. Tinatanong ko lang si Mommy kung totoong may malaki kayong magkakautang kay Mr.Nuevo?" Ito naman ang natigilan at halatang nagulat sa tanong ko. Ang sandaling katahimikan ang nagsilbing sagot sa katanungan ko sa kanila. "So, totoo nga?"         "Anak, let me explain everything."         "Bakit nyo nagawa ang bagay na yun Dad?" Pinipilit kong h'wag magtaas ng boses ng sabihin ko ang mga bagay na iyon.         "Anak, makinig ka. Kami ang magbabayad ng utang namin kay Mr.Nuevo, hindi ikaw."         Napahimalos ako sa sariling mukha ko gamit ang isa kong kamay, para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng pamatunayan ko na totoo ang lahat ng sinabi ni Mr. Nuevo sa akin.         "Dad, Mom...alam nyo bang ayaw akong tigilan ng mag-amang iyon? Para silang linta na dikit ng dikit sa akin! Gusto ko ng tahimik ng buhay na malayo sa kanila, pero paano mangyayari ang mga bagay na'yun kung nakatali tayo sa anino nila?" Hindi ko na napigilang magbuhos ng emosyon.         "Patawarin mo kami anak at ikaw ang nahihirapan ng dahil sa amin ni Daddy mo." Paghingi ng patawad ni Mommy sa akin, si Daddy naman ay pinili na lang na maging tahimik. Marahil ay ito ang may kasalanan sa pagkakaroon ng mga ito ng utang kay Mr. Nuevo at sinuportahan lang ito ni Mommy.         "Magkanu ba ang inutang nyo sa kanila? Gaano kalaking pera ba ang kailangan nating bayaran sa kanya? Baka magawan ko pa ng paraan."         "Twenty million ang utang namin sa kanya." Nagulantang ako sa sagot ni Daddy sa akin, ganon kalaking halaga ang nautang ng mga ito kay Mr. Nuevo? At wala man akong kaalam-alam sa mga iyon..           "Twenty million Dad? Saan nyo dinala ang ganoong kalaking pera?!"         "Pinuhunan ko sa negosyo. Hindi ha at may lupa tayo sa probinsya? Nagtayo ako ng piggery doon pero nalugi lang din sa huli ang mga baboy na dapat ay kapag nabenta ay ipang una naming ibabayad kay Mr. Nuevo. Hanggang sa naglaro ako sa casino at nagbakasaking mabawi ko ang mga nalugi ko sa piggery business na pinasok ko, pero wala pa ring nangyari hanggang sa natalo na lahat ang perang inutang namin kay Mr.Nuevo.         "For God sake Dad, bakit nyo naisipang lumapit sa taong iyon? Alam nyo naman ang kaya nyang gawin hindi ba? Kaya ayokong maging malapit kay Patty dahil na rin sa ama nito. Tapos kayo? Kayo pa mismo ang lumapit sa taong iyon?"         "Hindi naman siya nananingil ng sapilitan anak, kahit nga daw hulog-hulugan ay puwede naming bayaran ng Daddy mo ang utang namin sa kanya. Napa ismid ako sa sinabi ni Mommy, hindi pa ito naniningil ng utang dahil hinihintay pa nito ang tamang oras para mahawakan kami pare-pareho sa leeg. Napaupo ako sa silya at hinilot ko saglit ang sentido ko. Tama si Sir Simoun, kailangan ko munang ayusin ang buhay ko para hindi madamay ss gulo si Samantha. Hindi ko mapapatawd ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.         Nanghihina akong tumayo at iniwanan ang mga magulang ko sa sala na parehong nakatahimik, nag-iisip na tila pasang ng mga ito ang mundo dahil sa pagkakatuklas ko ng katotohanan. PATTY         Nag bake ako ng blue berry cheese cake para kay Edward. Bibisitahin ko siya sa bahay nila dahil sa pagkakaalam ko ay wala itong flight ngayong araw. Inutusan ko ang secretary ni Papa na silipin ang sched nito ng buong lingo para alam ko kung anong araw ko siya pupuntahan sa bahay.         I did everything para lang i-please si Edward. He's my everything. Simula ng makilala ko siya ay sa kanya na lang umikot ang mundo ko. I even asked help of my father para lang mapalapit kay Edward. But unfortunately...kahit anong gawin ko ay hindi niya ako magustuhan.         Kahit na palagi niya akong sinusungitan at hindi pinapansin ay okay lang sa akin. Because I love him. Sa ilang taong kakilala ko siya ay wala akong nalaman na naging girlfriend nito, at kung mayroon man ay gagawa ako ng paraan para paghiwalayin silang dalawa. Sa akin lang si Edward at walang puwedeng umagaw sa kanya sa akin. Over my dead body!         Naglalakad pa lang ako papasok ng makita ko si Edward sa pool area ng bahay nito. Naka boxer shorts lang ito at halatang katatapos lang nitong sumisid sa tubig dahil hinihingal pa ito at tila naghahanap ng hangin. Matcho at talagang nakakahumaling ang katawan ni Edward. At makakapatay ako ng tao kung sakaling sabihin nito na may ibang babaeng nag mamay-ari ng puso nito. I love him deeply, at alam kong seryoso ang nararamdaman ko sa kanya.         Nang napadako ang tingin nito sa akin ay biglang nagbago ang awra nito. Akala mo ay nakakita ng masamang senaryo at ibinalik na lang nito ang tingin sa pool na pinaglalanguyan nito. Tuluyan na akong lumapit sa kanya at excited na akong patikman sa kanya ang baked blueberry cheese cake na ako pa mismo ang may gawa.         "Hi!" Masigla kong bati sa kanya pero hindi man lang niya ako nilingon. Nag dive muli ito sa pool at parang walang nakitang tao sa paligid nito.         "Your gonna ask me to marry you Edward Luciano, no matter what it takes." Bulong ko sa sarili ko habang matiim kong tinitigan ang paglubog at litaw ng ulo nito sa tubig.         Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na itong lumusong sa tubig, nagtapis ng towel na puti. At saka ako tiningnan ng masama.         "Sorry for being rude to you Patty, but please...sana huwag ka ng madalas na pumupunta dito sa bahay at may dala pang kung ano. Baka kung ano pa ang isipin ng mga kapitbahay." Mapait nitong pahayag sa akin. Sa simula pa lang ay ayaw na niya sa akin, he literally hates me. At kahit anong gawin ko, hindi niya ako magustuhan.         My father supported me all the while ng sabihin ko na may gusto ako kay Edward. Dahil siguro nag-iisa niya akong anak, at pinagkakatiwalaan din niya si Edward dahil nagtratrabaho ito sa Montalvo Airlines na isa sa malaking Airline ng bansa. Minsan na itong kinausap ni Daddy na lumipat na lang sa kumpanya nito at bibigayan ito ng mataas na posisyon, but he refused it. Halatang ayaw nitong magkaroon ng connection sa aming mag-ama.         "Edward, you know that I'm doing all of these for you." Lumapit pa ako sa kanya pero ito naman ang dumistansya sa akin na parang takot na takot mapalapit sa akin.         "Patty please, ilang beses ko bang sinabi sayo na walang patutunguhan ang nararamdaman mo sa akin? I've told you that many times, hindi ba?" An edge of a knife suddendly cut my body. I look at him directly with a furious eyes. Wala itong pakundangan sa pag rereject sa akin. That truth will learn by my Dad!         "Sinabi mo ba sa akin yun? Parang wala ata akong matandaan na sinabi mo sa akin ng maraming beses ang tungkol dun." May pang-uumay kong sabi sa kanya, tinaasan ko pa siya ng kilay just to show infront of his face kung sino ang inaayawan at pinagtutulakan nito.         "Patty, marami ka pang makikilalang ibang lalake d'yan sa tabi-tabi. Your beautiful, sexy, attractive at maraming lalake ang mababaliw sayo."         "Then why your so hard to be one of them?" Agad kong tanong sa kanya. I deserve an explanation, after all.         "Because...I love someone, matagal na. Siya lang ang gusto kong makasama habangbuhay. I hope you understand." Another striking shaft pointed my heart. He loves another woman! At hindi ko nalaman ang tungkol doon.         Ibinaba ko ang dala kong cake sa table at saka ko siya matapang na tinitigan. No other woman can get him from me.         "And who is that girl?"          "Hindi muna kailangan pang malaman, Patty. She's just a simple lady who wanted a pieceful life. So please, huwag nyo siyang idadamay na mag-ama sa kabaliwan ninyo." He even insulted my Dad.         "Malalaman ko rin kung sino ang babaeng iyon, and if I finally found out kung sino siya. Makikita mo." May pagbabantang sabi ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at hindi ako makakapayag na maagaw ito ng iba sa akin.         "Bullshit!"         "Oh anak, what happened? Ang akala ko ba ay pupunta ka sa bahay nila Edward?" Gulat na tanong ng kanyang ama pagdating niya sa bahay.         "Nagpunta nga po ako Dad, kaso pinagtabuyan naman niya ako." Sumbong ko sa kanya.         "That stupid man!" Halatang nagalit si Daddy sa sinumbong ko, at hindi ko naman siya masisisi.         "He even told me na may iba siyang gustong babae, at layuan ko raw siya pati ang pamilya niya." Naiiyak kong pang sabi sa kanya. Lumapit ito sa akin at niyakap ako.         "Don't worry anak, ako ang bahala sa Edward na yan pati sa sinasabi niyang babae niya. I made sure na magsisisi silang dalawa na sinaktan nila ang nag-iisa kong anak."         "Thank you Dad." Yumakap ako ng mahigpit sa aking Daddy, I know I can get Edward by the help of him. I trusted my father's connection, money and power.         Nalaman nga namin ni Daddy na ang babaeng sinasabi ni Edward na gusto nito ay si Samantha Gomez. A low profile employee. Isa ito sa mga kasamahan ni Edward na flight attendant sa Montalvo Airlines. I've checked her background at wala naman silang relasyon ni Edward. This lady is just a simple employee of that company,walang mga magulang...hindi mayaman, at walang kahit na anong maipagmamalaki. Unlike me, and in the wealth of my family. Anong nagustuhan ni Edward sa babaeng iyon?         Kahit ano pang rason ang mayroon si Edward at nagustuhan nito ang ganoong klaseng babae, I will make sure na hindi nito makukuha si Edward sa akin, he's only mine. At walang ibang maaaring mag may-ari s kanya kung hindi ako lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD