SAMANTHA
Isang unregistered number ang biglang lumitaw sa screen ng cellphone ko. Binuksan ito kahit na pupungas-pungas pa ang mga mata ko at hindi pa ako nakakatulog ng masyado at kagagaling ko lang sa biyahe.
Napatayo ako bigla ng mabasa ko ang nakalagay sa text.
Good morning. I hope you rested well after your flight yesterday.
Simoun.
Paano niya nalaman ang number ko? I mean, posible naman iyon at empleyado niya ako kaso ay bakit kailan pa nitong mag text sa akin ng personal? Pati ang naging biyahe ko ay alam din nito. Napahawak ako sa ulo ko at saka ko isinukay ang isang kamay ko sa mabaha at kulay mais kong buhok.
"Hay Samantha. Huwag ka namang mag assume ng kung ano, okay? Wala lang yang mga text na yan, at maging ang balak nitong ilipat ka sa ibang condo...parte lang iyong ng pagiging amo niya sayo. Huwag mong kakalimutan yan." Napaturo pa ang isa kong daliri sa hangin para sumang-ayon ang puso ko sa sinasabi ng utak ko. Nangingiti kong kausap sa sarili.
Isa namang text ang nagpawala ng ngiti sana sa aking labi na mula naman kay Sir Simoun. Napabuga na lang ako sa hangin at muling binasa ang text niya.
Be ready, susunduin ka ng mga inutusan kong tao para maglipat ng mga importante mong gamit. Just bring the important ones. Paalala nito sa akin. Nakapag paalam na ako kay Aling Rosie na siyang may-ari ng apartment na tinitirahan ko at obviously ay nalungkot ito. Kaya lang ay napasubo na ako ng sabihin ko kay Sir Simoun na lilipat na ako sa condo unit na sinasabi nito kaya wala na akong nagawa.
Mabilis akong kumilos at naligo, bago ako nag impake ng ilang gamit ay nagluto muna ako ng umagahan. Ipinaglalagay ko sa mga boxes ang mga pictures, mga bagay na importante sa akin. Ang mga damit ko naman ay mabilisan kong isinilid sa isang malaking maleta.
Halos patapos na ako sa aking ginagawa ng bigla kong maalala si Edward, hindi ko nga pala nabanggit sa kanya ang paglipat ko sa condo unit na malapit lang din dito sa apartment ko. Hindi bale, itetext ko na lang sa kanya ang exact address kapag sure na akong maayos ang lilipatan kong condo.
Napatingin ako sa labas ng gate ng may huminto ditong isang van na kulay puti at isang sedan na itim. Hindi pamilyar sa akin ang mga sasakyan iyon kaya nagtaka ako kung sino ang mga sakay nito at bakit nakatapat sa mismong gate ng apartment ko.
unang bumaba ang isang lalakeng matangkad na naka office attire, pagkatapos ay bumaba na ang dalawa pang lalake na nakasuot ng puting polo shirt at maong pants.pinindot nila ang doorbel na nasa labas ng gate kaya wala na akong choice kung hindi ang puntahan sila at pagbuksan ng pinto.
Sino pong kailan nyo?" tanong ko sa kanila na hindi binubuksan ang gate at kausap ko lang mismo sila habang nasa labas ng gate ang mga ito. mahirap na at baka kung ano pa ang balak ng mga ito sa akin, puro pa naman mga lalake ang mga ito.
"Kayo po ba si Ms.Samantha Gomez?" tanong ng naka unipormeng lalake sa akin.
"Opo, ako nga po." alangan kong sagot sa kanila.
"Pinapunta po kami dito ni Sir Simoun para tulungan kayong dalhin ang mga gamit nyo sa condo na lilipatan nyo ngayon araw."
Saglit akong napatahimik at bigla kong naalala na may sinabi nga pala ito sa kanya na may papapuntahin itong mga tauhan para tulungan siyang maglipat ng gamit. Hindi ko naman inasahan na gagawin talaga nito ang mga bagay na'yun. Pede naman kasing hayaan na lang niya akong mag-isang maglipat ng mga gamit at tutal ay ito na ang umasikaso ng lahat para makalipat ako agad sa rent to own na condo unit na sinasabi nito.
"Sige po pasok kayo." Tanging nasabi ko na lang sa kanila at saka ko iniluwang ang bukas ng gate para makapasok sila sa loob ng apartment. Pagpasok nila ay agad nilang tinanong sa akin ang mga gamit na kailangan kong dalhin at sila na raw ang mag iimpake at magbubuhat patungo sa van na nasa labas ng gate.
Buti na lang at dumating ang mga empleyado ni Sir Simoun, kung ako lang siguro ang magbubuhat at magdadala ng mga gamit ko sa lilipatan kong condo ay malamang na abutin ang ako ng siyam-siyam. Ang bibigat pa naman ng mga box na pinaglalagyan ko ng mga gamit.
"Ma'am Samantha wala na po kayong dadalhin na ibang gamit?"
Saglit kong nilingon ang kabuuan ng apartment na tinirhan ko ng maraming taon na mag-isa. Nalulungkot man ay kailan ko na itong lisanin. Umiling na ako sa kanila at saka ko inilabas ang susi mula sa bag ko na dapat kong iwanan na sa landlady bago kami umalis
Halos sampung minuto lang ang tinakbo ng kotse na sinasakyan namin at ng nakasunod na van na kinalalagyan ng mga gamit na dala-dala ko sa paglipat. Huminto kami sa isang thirty floor condominum building na malapit lang sa dati kong tinitirhan na apartment. Tiningala ko saglit ang kabuuan nito at masaya kong nilingon ang mga lalakeng kasama ko.
"Pasok na po tayo Ma'am." Yaya ng nakaunipormeng lalake sa akin. "Sila Buggy na po ang bahala sa mga gamit nyo para dalhin sa loob ng condo unit nyo sa taas. Naexcite ako bigla ng marinig ko ang ang salitang 'condo unit ko' parang ang sarap sa pandinig na sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng sarili kong tirahan kahit na ako lang mag-isa ang nagtataguyod sa sarili ko.
Pagkatapos naming kunin sa information desk ang mga papel at susi ng condo na lilipatan ko ay sunod naman kaming sumakay sa isang elevator patungo sa 22th floor kung saan makikita ang condo na pupuntahan namin.
"Pasok po kayo Ma'am." Ang lalake pa mismo na kanina ko pa kasama ang nagbukas ng pinto para sa akin na nagpakilala bilang si Roel. Isa raw ito sa mga empleyado ni Sir Simoun, nagtaka lang ako at hindi ko siya nakikita sa airport kung sa Montalvo Airlines man ito nagtratrabaho mismo.
Pagbungad pa lang namin ay nakita ko na agad ang kulay gray at puting kulay ng pader ng condo. Halos kumpleto na ang mga gamit sa loob na ikinagulat ko dahil ang buong akala ko ay kailangan ko pang mamili ng ibang gamit tulad ng sofa set, refrigator at kama. Pero lahat ng kagamitan na kailangan ko ay kumpleto na base sa mga nakikita ko ngayon at puro magaganda pa ang mga ito.
"Saan nanggaling ang mga gamit dito? Hindi naman siguro kasama ang mga kagamitan na ito sa babayaran ko monthly?" Nag-aalala kong tanong,baka kasi mahirapan akong magbayad buwan-buwan kapag nagkataon.
"Naku hindi po Ma'am, si Sir Simoun na po ang nagpabili ng mga gamit na yan at hindi n'yo raw po kailangang bayaran." Napa-awang ang mga labi ko sa sinabi niya at muli kong tiningnan ang mga kagamitang sinasabi nito na binili ni Sir Simoun. Bakit ba nito ginagawa ang mga bagay na hindi naman nito dapat nang ginagawa para sa akin? Naguguluhan na ako sa kakaisip kung ano man ang dahilan niya sa pagtulong niya sa akin, pati ang damdamin ko ay naghuhumirantado na rin at nalilito. Napatingin na lang ako sa isang panig ng bintana na kita ang magandang view ng Manila Bay.
Napakaganda ng tanawin at talagang nagustuhan ko ang condo na nilipatan ko ngayon. Isa ito sa pangarap ko na natupad, na magkaroon ng sariling tirahan na matatawag kong akin.
Naipasok ng lahat ang bag at mga boxes ng mga gamit ko kaya tinanong ko sila kung ano ang puwede kong ipamiryenda sa kanila kahit na magpadeliver na lang kami.
"Naku wag na po Ma'am." Tanggi ng isang nagbubuhat at saka ipanatong ang dala nitong box sa isa pang box dahil mukhang napuno na ang gawi ng sala sa dami ng kahon na pinaglagyan ko ng mga gamit.
"Nakakahiya naman kasi sa inyo."
"Trabaho po namin ito Ma'am." Nakangiting sagot ng isa pa. At doon biglang bumukas ang pinto at pumasok si Sir Simoun na nakasuot na naman ng pang opisinang attire. Kulay dark blue ang coat at pants nito na tinernuhan ng white polo. Brown letter shoes naman ang suot nitong sapatos. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito na animo ay hindi nagugulo kahit na ilang hangin pa ang makasalubong sa daan. At ng tuluyan na itong makapasok sa loob ng condo ay kumalat sa loob ang bango ng uri ng gamit nitong pabango. Nanunuot sa ilong ko ang amoy nito at parang nakasanayan na rin ng ilong ko ang amoy niya dahil sa ilang beses ko na rin siyang nakakatabi sa upuan.
Napatitig ako sa kanya ng sa wakas ay nasa harapan ko na siya. Hindi ako kumukurap at hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin oh gagawin.
Nawala ako sa sarili ko ng mabilis niya akong halikan sa pisngi at sinadya pa nitong ipadama sa akin ang stubble nito sa balat ko at ang dulo ng ilong nito na kusang parang inamoy ang kaibuturan ko pagkatapos ay saka niya ako tiningnan ng diretso sa mata.
"Baby, nagustuhan mo ba ang bago mong condo?" Malambing nitong tanong sa akin. Hinawi pa nito ang ilang hibla ng buhok ko na bahagyang nagulo dahil sa paghalik niya sa akin.
Ano daw? Baby?
Kumunot ang noo ko at tiningnan ko ang magiging reaksyon niya, pati ang mga tao sa paligid namin kahit na hindi direktang nakatingin ay alam kong nakikinig sila sa amin ni Sir Simoun at malamang na narinig ng mga ito ang tinanong niya sa akin.
Hindi agad ako nakasagot lalo na ng hawakan niya ako sa baba gamit ang isa nitong kamay.
"I'm sure magugustuhan mo dito babe." Dagdag pa nito, parang natural lang ang pagkakasabi niya sa akin ng mga bagay na iyon na nagpatayo ng balahibo ko sa katawan. Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang pareho kaming nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Sunod kong nakita ang pag ngiti niya ng mababaw at saka lumapit sa tagliran ko at inakbayan ako sa balikat na animoy may kakaibang dulot na bultahe ng kuryente ang mga kamay nito na ngayon ay nakapatong na sa aking balikat. Mas lalo akong natahimik at walang nasabi, nakita ko rin ang sikretong pag ngiti ng tatlong lalake na nag uunpack ng mga gamit ko sa box.
"Roel, kayo na ang bahala sa mga gamit ni Ma'am Samantha mo." Kausap nito sa mga tauhan na tumulong sa akin. " May pupuntahan lang kaming dalawa." Napatingin na naman ako sa mukha niya ng banggitin nito na may pupuntahan kaming dalawa na wala naman akong kaalam-alam.
"Okay po sir, kami na po ang bahala sa mga gamit ni Ma'am Samantha." Naalarma ako sa sagot ni Roel dahil baka pati ang mga private stuff ko sa bag ay buklatin pa ng mga ito. Nakakahiya.
"Roel...a-ano ako na lang ang bahala sa mga gamit ko na nakalagay sa maleta at doon sa isang bag. Huwag nyo ng galawin." Habol kong sagot sa kanya. Sinilip ko pa ang reaksyon ni Sir Simoun sa sinabi ko, nakakunot lang ang noo nito at parang nakuha naman nito ang point ko.
"Roel, don't touch some important things of her...okay?" Ulit nitong paalala sa tauhan na parang bahagyang nahiya.
"Noted po sir." Nakangiti pa rin nitong sagot amin.
Hindi ko man alam kung saan ang sinasabi ni Sir Simoun na pupuntahan namin ay sumama pa rin ako sa kanya. Gusto ko ring linawin kung ano naman ang rason nito at kailangan pa nitong magpanggap naman sa mga empleyado nito na parang may relasyon kaming dalawa.
Nakaakbay pa rin sa akin si Sir Simoun hanggang sa makababa kami sa basement ng building. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa passenger's seat para makapasok ako sa loob ng kotse nito. May kasama itong driver kaya magkatabi na naman kami sa upuan sa passenger's seat.
Nang magsimula nang umandar ang kotse ay muli kong nilingon si Sir Simoun. Parang hindi ako mapapakali hanggang hindi ko siya nakakausap sa mga nangyari kanina. Naguguluhan ako, at kulang na lang ay manghina ang mga tuhod ko sa bawat pag-akbay, pag dampi ng balat nito sa akin at maging ang paghalik niya sa akin kanina na may kakaibang dulot na pagkalito sa nararamdaman ko.
Maybe was not able to have a boyfriend since birth, but I know those actions na hindi na dapat nangyayari sa aming dalawa bilang mag amo. It's something that can't easily answer unless he will explain to me the whole thing behind those touches, sweet words and even kissing my face are all matter to me. Hindi ako sanay sa ganoong pagtrato lalo na ng isang lalake from the very fact that I never had a boyfriend before.
"Sir..." naglakas na ako ng loob na tawagin siya.
"Hmmmp?" Lumingon siya sa akin na may ngiti sa mga labi.
"Yun tungkol po kanina..." tiningnan muna nito ang driver saka nagsalita muli.
"Later baby, I will explain everything." Ayan naman siya sa kaka 'baby niya'. Napansin ko rin ang simpleng pag ngiti ng driver na kasama namin mula sa gitnang salamin sa loob ng kotse. Napabungtonghininga na lang ako at ng lingunin ko si Sir Simoun ay sa cellphone naman ito nakatingin habang nag tetext.
Nagpunta kami sa isang malaking mall sa Pasay. As asual, may ilang nakatingin na naman na mga mata sa amin na dalawa ni Sir Simoun habang naglalakad patungo sa second floor ng mall. Hindi ko alam kung ano ba ang mga nasa isip ng mga ito at ganoon na lang kung makatingin ang ilang taong nakakasalubong namin. Given naman na guwapo o malakas ang appeal ni Sir Simoun at karaniwan sa lumilingon sa amin ay mga kababaihan kaya alam kong hindi ako ang tinitingnan nila. Nadamay lang ako kasi ay magkasama kami ngayon na naglalakad.
Muntik nang tumalon ang puso ko sa kaba ng hawakan ako sa braso ni Sir Simoun ng paunahin niya akong sumakay sa isang escalator. Sunod siyang humakbang at ramdam ko ang dibdib niya na dumadampi sa likuran ko. Mas lalong lumakas ang kalabog ng dibdib ko at tila nauubusan ako ng hininga dahil sa paglalapit naman ng aming mga katawan.
Nang narating namin ang second floor ay halos kasabay ko siyang tumungtong ang mga paa sa sahig kaya agad niya akong niyaya sa isang shop ng mga bilihan ng damit na puro mamahalin. May ilan na akong damit na nabili sa shop na iyon dati kaya masasabi kong mamahalin ang mga tinda doon.
Sa pinto pa lang ng shop ay binati na agad ng saleslady si Sir Simoun. Sa paraan pa lang ng pagbati nito at pag ngiti kay Sir Simoun ay halatang nagpapa cute rin ito dito. Napailing na lang ako.
"Hi po Sir Simoun. Nice to see you again po. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo?" Kay Sir Simoun lang ito nakatingin na para bang wala ako sa tabi nila. Napa ismid ako sa babaeng saleslady dahil sa sinabi nito.
"Bigyan nyo si Samantha ng mga damit na magugustuhan niya. And also include at least 2 or more dresses na puwede niyang isuot sa party."
Bigla akong napalingon sa gawi ni Sir Simoun ng marinig ko ang sinabi nito sa saleslady na kausap. Party? Ako aattend ng party? Hindi ko ata alam ang tungkol doon. Hinintay ko na magpaliwanag siya tungkol sa party na sinasabi nito pero hinapit lang niya ako bigla sa baywang at saka may binulong na halos hindi ko na maintindihan dahil sa kabang nararamdaman ko sa pagkakahawak nito sa aking baywang na nagdulot muli ng estrangherong pakiramdam sa aking katawan.
"I will tell you everything later." Iyon lang ang sinabi nito at ininguso na nito na sumama na ako sa saleslady na mukhang nahiya dahil sa nakita nitong ginawa sa akin ni Sir Simoun na paghapit sa baywang. Kulang na lang ay saglit itong matulala sa aming dalawa.
Pinasukat sa akin ang ilang mga dress, maging mga mamahaling blouse, pants ay pinasukat nila sa akin. Tinanggihan ko na lang at hindi ko naman mabibili ang nga iyon lahat lalo na at mahal ang nga presyo. Manghihinayang kang bilhin kung isa ka lang na pang karaniwang mamimili na hindi naman sumasahod ng malaki sa trabaho.
"Sir Simoun, kaunti lang po ang sinukat ni Ma'am Samantha na mga damit pero lahat naman po ng napili nya ay bagay sa kanya." Sabi ng saleslady na kausap pa nito kanina simula ng dumating kami sa shop.
"Yan lang ba ang mga nagustuhan mo? Gusto mo tumingin tayo sa ibang shop?" baling na tanong ni Sir Simoun sa akin. Napailing ako agad at wala na akong balak na mamili oh magpabili pa ng damit sa kanya.
"Okay na po ang mga ito sir, marami pa naman po akong damit na puwedeng pagpilian." Sagot ko sa kanya na ikinakunot ng noo nito. Hindi na lang ito nagsalita at sinenyasan nito ang saleslady na babayaran na ang mga damit na sinukat ko. Iniabot na rin ni Sir Simoun ang isang card dito kaya medyo napayuko na lang ako sa hiya. Siya naman ang nagyaya sa akin dito hindi ba? At wala akong kaalam-alam sa sinasabi nitong party na pupuntan ko kaya wala akong nilaan na pera pambili ng mga dress na sinasabi nito.
Si Sir Simoun na ang nagbitbit ng dalawang paper bag na may lamang mga damit na pinamili namin sa shop. Tinangka kong abutin ang mga paper bag pero naunahan niya ako kaya hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya.
Sunod kaming pumunta sa isang jewelry store. Pinaupo niya ako saglit sa isang upuan na puwedeng upuan ng mga costumers. Baka may bibilhin itong alahas kaya hinintay ko na lang siya ng tahimik. Nagpalinga linga rin ako sa jewerly shop na kinaroroonan namin at puro kulay ginto ang nakikita ko. Kumikinang at talagang maganda sa paningin ang mga alahas na tinda sa shop iyon.
Saglit kong sinilip ang bag kong dala para tingnan ang cellphone ko kung may nag text or tumawag at pag angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na agad si Sir Simoun.
May kasama itong isang maputi at matangkad na babae na halatang isa sa mga saleslady ng shop dahil na rin sa suot nitong uniporme. Napansin ko ang hawak nitong isang itim at pulang box. Kinuha ni Sir Simoun ng walang paalam ang isa kong kamay para maitayo ako sa kinauupuan ko.
Pagkatapos niya akong itayo na hindi binibitawan ang isa kong kamay ay sunod nitong inabot ang laman ng box na pula na hawak ng saleslady. Isa itong diamond necklace na kumikinang ang mga bato lalo na kapag natatamaan ng linawag ng ilaw.
Umikot siya sa likuran at saglit na binitawan ang kamay ko na hindi ko na ata mabilang kung beses na hinawakan nito kanina pa. Nasasanay na rin ba ako sa ganoon niyang kinikilos? Napailing ako upang burahin ang ano man nabubuong emosyon sa puso ko.
Mula sa likod ko ay naramdaman ko na hinawi niya ang buhok ko at isinuot ang kwintas na may design na mga diamond sa gitna. Nang mailock na nito ang necklace ay muli niya akong tinitigan na parang wala kaming katabing tao sa paligid.
Sinalubong ko ang mga mata niya na nakatunghay sa aking harapan ngayon.
"You're perfectly beautiful Samantha." Bulong niya sa akin na alam kong narinig din ng katabi naming saleslady. Sunod niyang isinuot ang bracelate na bumagay din sa maputi kong balat. Pagkatapos niyang ipasukat sa akin ang mga alahas na pinili nito ay akala ko doon na nagtatapos ang lahat. Muling bumalik sa tabi namin ang saleslady na nag assist kay Sir Simoun kanina at iniabot nito dito ang dalawang paper bag na ang hula ko ay ang mga alahas na pinasukat nito sa akin kanina. Ito muli ang nagbitbit na mga paper bag at niyaya niya ako sa isang Italian Restaurant pagkatapos.
Umorder siya ng dalawang pasta, pizza at mango juice. Habang hinihintay namin ang mga inorder niya ay nagparamdam na ako sa kanya na oras na para magpaliwanag ito tungkol sa sinabi nitong party kanina na pupuntahan namin kaya binili niya ako ng mga damit.
"Sir..." tawag ko sa kanya sa malumanay na boses.
"Yes?" Nakangiti nitong sagot sa akin na parang normal lang ang lahat sa amin.
"Yun...yung tungkol po doon sa party na sinasabi nyo kanina? Ano po ba iyon? Wala po akong alam tungkol dun."
Umayos ito ng upo sa katapat kong upuan at saka ako tinitigan ng diretso sa mata. Those eyes melted my heart, para akong na hypnotize sa tuwing ginagawa niya ang pagtitig na mariin sa akin na parang ako lang ang tao sa paligid nito.
"Samantha, I just want to ask you a little favor." Panimula nito.
"Ano po iyon sir?" Kabado kong tanong sa kanya. I felt something in my chest that will blown out until he open again his lips and continue.
"Kailangan ko ng tulong mo ulit this time. Mayroon akong pupuntahan na party, important event actually about our company, company of my Dad. Gusto sana kitang isama sa party na iyon, to pretend as my girlfriend again." Lalong nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Iyon pala ang dahilan ng lahat kaya sinama niya ako sa mall na ito, maging ang pagbili ng kung anong mga damit at alahas para sa akin ay ginawa rin nito. Ano ba ang dapat kong isagot sa kanya?
Tatanggi ba ako? Magrereklmo? At sa muling pagkakataon ay kailan na naman naming magpanggap na may relasyon? Oh tatanggapin na lang ang pakiusap nito dahil marami na rin itong naitulong sa akin sa maikling panahon na nakasama ko siya. Hindi agad ako nakasagot sa kanya.
"I know it is hard on your part to do that kind of pretension but I really need your help Samantha. Kailangan ko lang na may maipakilala sa kanila na girlfriend ko para maglubay na sila sa kakatanong sa akin kailan at sino ang pakakasalan ko."
"Pakakasalan?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Dad and Mom are always asking me when will I get married and have my own family. At para matapos na ang pagtatanong nila kailan ko ng tulong mo Samantha. And I promise, this will be the last time na magpapanggap tayo na may relasyon."
"Pero...sir kasi---"
"For the last time Samantha, please help me." putol nito sa sasabihin ko pa sana. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Katulad ng unang beses na ginawa namin ang bagay na iyon, wala na naman akong nagawa kung hindi ang sundin ang gusto nito. Kahit may takot ako na nararamdaman ay magtitiwala na lang ako sa kanya na ito na ang huling beses na gagawin namin ang pangpapanggap na gusto nito.