SIMOUN
Nagtagumpay ako sa pagpayag kay Samantha na isama siya sa company party ng kompanya ng mga Montalvo. I never expected that she will agreed in my favor but still, alam ko na hindi niya ako matitiis at iyon nga ang nangyari.
Some part of my mind is telling me to stop myself of thinking her. But I can't help but to remember her beautiful face, seductive body and soft side as a woman. Matapang siya in a sense that she never depend herself to others, but I really like her the way how she obey me everytime na magkasama kami. Hindi ko alam kung natatakot lang siya na magreklamo dahil amo niya ako sa trabaho pero sana ay hindi.
I really love imagining her in my side. Kahit na maghapon ata kaming magkasama ay parang hindi ako magsasawa. At ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam sa puso ko. Kahit kasama ko dati si Bea ay hindi ko naisip na magkakaganito ako sa isang babae.
I typically define women as materlistic, sensitive and dependent. At nang makilala ko si Samantha, kinain ko lahat ang mga bagay na iyon. She's so close to perfect for me. But as saying goes, it's too early to convince unless you already feel it with your heart and mind.
It's almost six in the evening kaya sinundo ko na si Samantha sa condo unit nito. And I was surprised and amazed how this lady really transform into a goddess.
"Pasok po kayo Sir Simoun. Matatapos na po naming ayusan si Ma'am Samantha." Bungad sa akin ng head dresser na kinuha ko para mag-ayos kay Samantha ng buksan nito ang pinto.
Pagpasok ko mismo sa sala kung saan inaayusan si Samantha habang nakasuot na ito ang isang pulang dress ay napatitig ako sa kanya ng diretso. I never imaging that she will be the most beautiful lady na nakakilala ko. Sanay na ako sa mga ayos niya na naka pony tail ang buhok oh nakapusod dahil required iyon ss trabaho nito. Pero ngayon ay nakalugay ang hanggang balikat nitong buhok na kinulot sa dulo. Bagay na bagay sa mala anghel nitong ganda. Mas lalo pang lumutang ang angkin nitong ganda ng maglagay ito ng make-up na mukhang natural lang ang pagkaka aapply because of her milky skin.
Nang tingnan ko ang suot nitong pulang off shoulder ruffle trim wrap dress na napili nito ng pumunta kami ng mall ay mas lalo akong napangha sa ganda niya. Hindi ko tuloy namalayan na nakitingin na rin pala sa akin si Samantha. I stand straight as a put my two hands on the pocket of my pants. Nakita ko rin ang simpleng pagngiti ng make-up artist at head dresser na nagbukas ng pinto kanina habang nakatitig ako kay Samantha.
Lumapit ako sa kinauupuan niya, and suddendly I smiled at her na ikinagulat nito.
"Hi." Bati ko sa kanya.
"Saglit na lang ang at matatapos na pag-aayos sa akin." Sagot sa akin ni Samantha. I already talked to her not to used any words like sir or opo kapag magkasama kami para maging makatutuhanan ang lahat ng gagawin namin ngayong gabi and she agreed on that. That's why it's like a good music in my ears that finally she talked to me without those aging words.
"Take your time babe." Hinalikan ko siya sa ibabaw ng kanyang buhok sa ulo and I made sure na hindi nagulo ang ayos niya. Napangiti muli ang dalawang nag-aayos kay Samantha ng dahil sa ginawa ko. Si Samantha naman ay napa awang ang mga labi nito na kung hindi ko mapipigilan ang aking sarili ay tuluyan ko na itong angkinin.
I want to taste her lips, soft and alluring lips from the first time we met. And until now, I wanted to claim her...kung hindi lang ito espesyal na babae para sa akin. Iba ito sa mga nakilala o tamang sabihin na nagpapakilala sa akin na mga babae. Kaya pinipigil ko ang sarili ko to do such thing, because I adore her deeply. At may tamang panahon para mapalapit ako sa kanya, and if that time comes ... I'll make sure that she will be mine. Mine alone.
SAMANTHA
Kinabahan na naman ako sa mga titig at tingin na pinupukol ni Sir Simoun sa akin. Ito na ang huli, pangako ko sa sarili ko na tutulungan ko ito sa problema nito. Nahihirapan na rin kasi ako sa sitwasyon namin. Hindi ako nakakakilos ng maayos kapag nasa paligid ko na siya. Pakiramdam ko ay nangangatog ako sa kaba at natutunaw ako sa mga titig nito sa akin na hindi ko maunawaan kung anong klaseng emosyon ang nakapaloob sa mga mata nitong nakatunghay sa akin.
Napaka guwapo nito palagi sa aking paningin sa suot nitong three piece suit. Matanggad ito kaya mas bagay dito ang mga ganoong damit at ang tanging isinusuot lang nito na alahas ay isang relo, papalit-palit na uri ng relo na puro mga branded. Ikaw ba naman ang may-ari ng isang airline at may mayamang mga magulang, bakit hindi ka magkakaroon ng mga koleksyon ng mga relong mamahalin.
Ang mas kinagulat ko pa ay ang pagiging sweet nito sa akin, although alam ko naman na pagpapanggap lang ang lahat ng iyon. But he's too good to be an actor. Kapani paniwala ang mga drama nito, maski ako ay nadadala sa mga sinasabi at paraan nito kung paano ako pakitunguhan. And I hate that truth. Hindi ko kakayanin na lunukin ang lahat ng mga sinabi ko sa sarili ko, that I will not fallen for someone. Because love really doesn't exist lalo na mga magulang kong ilang taon pa lang nagsasama ay nagsawa na pagsasama ng mga ito at sa huli ay kinamuhian pa ang mga isa't isa. Never that will happen to me. Hindi ako ma iinlove kahit na kaninong lalake, I can live without them at iyon ang palaging nasa isip ko until I met him. Simoun Montalvo.
"Ma'am Samantha, ang ganda-ganda nyo po." Narinig kong papuri ng make-up artist na nag-ayos sa akin. Napatingin tuloy ako sa gawi ni Sir Simoun at nakakahiya kung maririnig nito ang sinabi ng nag-ayos sa akin. Nakatingin pala ito sa akin ng mga oras na iyon kaya nagsalubong na naman ang mga mata namin at ako na lang ang unang nag-iwas ng tingin.
"Salamat, okay na siguro ang ayos ko na'to. " Ang tinutukoy ko ay ang light make-up na in-apply nito sa aking mukha.
"Opo Ma'am Samantha. Bagay na bagay po sa inyo ang suot nyong damit lalo na ng ayusan ka namin. Sobrang lagkit nga po ng tingin ni Sir Simoun sa inyo kanina pa." Ang huling pangungusap na sinabi nito ay sinadya na nitong ibulong sa akin na mukhang ayaw iparinig sa kung kanino man. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya kaya bago pa kung saan makarating ang usapan namin ay tumayo na ako at kinuha ang pouch na dadalhin ko, indikasyon iyon para tumayo na rin si Sir Simoun sa upuan.
"Are you ready babe?" Tanong nito sa akin. Parang natural na natural lang ang pagtawag nito sa endearment nito na palaging tinatawag sa akin kapag may ibang tao. ' babe', how sweet and good as love music kung pakikinggan...but in the end, what we have are all part of lies na ito pa mismo ang may gusto na gawin ang mga bagay na iyon. Ang magpanggap na girlfriend nito. Dati sa harapan lang ng mga kaibigan nito naisip na gawin ang pagpapanggap naming iyon, at ngayon ay pati sa mismong mga magulang na nito namin gagawin ang pagpapanggap na talagang hindi ko inakalang gagawin ko sa buong buhay ko. Kaya ganoon na lang kabang nararamdaman ko. Bahala na, ang mahalaga ay ito na ang huli na gagawin namin ang napagkasunduan naming pagpapanggap ko bilang girlfriend nito.
Bago kami umalis ng condo ay narinig kong binigyan ni Sir Simoun ng bayad ang mga nag-ayos sa akin, may tip pa. Kaya tuwang-tuwa ang mga ito at nagbiro pa.
"Sir Simoun, Ma'am Samantha...sa wedding nyo po kami na lang sana ang kuhanin nyong make-up artist ulit." Ibig ko sanang matawa sa mga hirit ng mga ito pero nagpigil na lang ako at ayoko namang mabuko ang pagpapanggap naming dalawa.
"Sure, I'll inform you both kung kailan ang kasal namin ni Ma'am Samantha nyo para kayo ulit ang mag-aayos sa kanya." Lalo akong natahimik sa sinabi ni Sir Simoun, at sinakyan pa talaga ang biro ng mga nag-ayos sa akin. Talaga naman!
THIRD POV
Magkasamang dumating si Edward at Patty sa party. Walang nagawa si Edward ng pilitin ito ni Mr. Nuevo na samahan si Patty sa party. Invited kasi ang mag ama ni Lorenzo Montalvo at magkaibigan ang mga ito sa negosyo.
"Edward, pupunta lang ako sa restroom." Paalam ni Patty dito. Tumango lang si Edward at hindi na tiningnan pa kung saang panig ng function hall nagpunta si Patty. Bagot na bagot ito sa totoo lang at lumilipad ang isip sa kung paano ito makakawala sa anino ng mag-amang Nuevo. Kasama pa sa iniisip nito ay si Samantha. Ilang araw na ring hindi nito nakikita ang dalaga simula ng mag-abot ito at si Simoun sa mismong bahay ni Samantha.
Nilagok nito ang huling laman ng baso ng alak na iniinuman ng hindi sinasadyang mahagip ng mga mata nito ang bagong dating na dalawang tao ng bumukas ang malaking pinto ng function hall. Si Simoun Montalvo ito kasama ang isang napakahandang babae. Halos magtinginan ang lahat ng tao sa party ng tuluyang pumasok ang dalawa. Hindi maaaring magkamali si Edward, si Samantha ang kasama ni Simoun Montalvo!
Pero bakit? Bakit sila ang magkasamang dalawa? Alam ni Edward na magkakilala ang dalawa dahil na rin sa mag-amo ang mga ito. Ang hindi maliwanag kay Edward ay kung bakit sa dami-dami ng babaeng maaaring isama ng isang Simoun Montalvo ay si Samantha pa talaga ang napili nito? Nagpupuyos ang damdamin ni Edward ng makita kung gaano kalapit ang dalawa sa isa't isa. Kulang na lang ay itali ni Simoun si Samantha sa katawan nito sa sobrang pagkakahawak dito.
Lumapit ang dalawa sa table kung saan nakaupo ang pamilya Montalvo. Ang mag-asawang Lorenzo at Agnes, maging ang dalawa nitong mga anak na si Lucas at Ezekiel ay kapwa rin nakaupo sa table na iyon.
"Oh the most important person of the party, dumating din." Bungad ni Ezekiel sa Kuya Simoun nito. Si Lucas naman ay tahimik lang na nangiti. Napaismid naman si Simoun sa pang-aalaska ng nakakabata nitong kapatid.
"Dad, Mom..." Agad na napako ang tingin ng mag-asawang Montalvo sa kasama ni Simoun na magandang babae. Unang beses na nakita ng mga ito ang babaeng kasama ni Simoun kaya hindi napigilan ng mga ito ang suriin ang babaeng napiling isama ng panganay ng mag-asawang Montalvo.
"Who is she son?" si Lorenzo ang unang nagtanong sa anak.
"She is Samantha Gomez Dad, my fiancee." Bulalas nito sa harap ng pamilya nito. Maging si Samantha ay parang binuhusan ng malamig na tubig ang itsura. Halatang hindi rin ito makapaniwala sa narinig mula kay Simoun.
Biglang nagliwanag ang mga mata ni Agnes Montalvo at napangiti. Si Lorenzo naman ay natahimik na lang sa sinabi ng panganay na anak. Finally, naisipan na rin nitong lumagay sa tahimik. Ang dalawang magkapatid naman na Lucas at Ezekiel ay patingin na rin sa babaeng kasama ng kuya ng mga ito at sinasabing fiancee nito.
"Have a seat Samantha, join us." Magiliw na anyaya ni Agnes kay Samantha. Marahil ay na excite ito ng sabihin ng panganay na anak nito na fiancee na nito ang magandang babaeng kasama nito sa party.
"Salamat po Ma'am." Sagot nito sa ina ni Simoun.
"No...no. It should be Mom, not Ma'am." Nagkatawanan ang pamilya Montalvo pati si Simoun at masaya sa nakitang pagtanggap ng mga magulang nito kay Samantha.
Pagkatapos iaannouce ni Lorenzo Montalvo ang pag reretiro nito at isinasalin na ngayon nito sa mga anak ang buong kompanya ng mga Montalvo sa tatlo nitong mga anak, partikular kay Simoun na panganay na anak nito.
"Kuya, ngayon lang namin nalaman na mayroon na pa lang fiancee?" Gulat na tanong ni Ezekiel sa kuya nito. Saglit na nagpaalam si Samantha para pumunta ng restroom. Ang mag- asawang Montalvo naman ay nag ikot- ikot sa party para kamustahin ang mga taong invited sa party.
"Ngayon alam nyo na, kaya huwag nyo akong uunahang magpakasakal ...okay? Ako ang panganay kaya ako ang dapat na unang magpakasal." Banta nito sa dalawang kapatid. Si Lucas lang biglang napatawa sa sinabi nito.
"Unahan na lang tayo kuya kung sino ang unang magpakasal sa ating tatlo."
Napatingin ito kay Lucas ng wala sa oras.
"What? At mukhang my balak ka atang unahan ako bro sa pagpapakasal ah." Pabiro nitong tanong kay Lucas. Kasabay nitong natawa si Ezekiel.
"Sorry ka kuya, nagkita na ulit si Kuya Lucas at ang long lost girlfriend nya sa college kaya bago ka pa raw magpakasal ay siya muna at saka si ate Maxine ang mauuna."
"Maxine? Who's Maxine?"
"Isa siya sa mga empleyado ko sa Agency kuya, and only to find out na siya pala ang matagal nang hinahanap at hinihintay ni Kuya Lucas na girlfriend nito sa college dati." Napalagok ng alak sa sariling baso si Lucas saka napangiti sa kuwento ng kapatid nito. Ito pa lamang kasi ang nakakaalam ng lahat tungkol dito at kay Maxine at muling pagkikita ng dalawa.
"I see. But I was said, ako ang kuya kaya dapat ako ang unang magpakasal pero kung hindi nyo na talaga kayang dalawa ni Maxine na maghintay, ho ahead makakapaghintay naman kami ni Samantha ng isang taon bago magpakasal." Nagkatawanan ang tatlong magkakapatid na Montalvo dahil sa sinabi ni Simoun. Biro man ito sa dalawa pero parang seryoso naman ito pagdating kay Samantha at sa sinasabi nitong pagpapakasal ng dalawa.
Nagpaalam ito sa mga kapatid na hahanapin nito si Samantha at parang hindi ito mapalagay na wala sa tabi nito ang dalaga. Ang paalam nito kay Simoun ay pupunta lang ito saglit sa restroom pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito kaya sinundan na lang nito si Samantha.
Kumunot ang noo nito ng makitang magkausap si Edward at Samantha sa labas ng restroom. Parang may seryosong pinag-uusapan ang mga ito na hindi na nga halos nakita ang paglapit ni Simoun sa mga ito. Nakaharap ang mga ito sa open area ng lugar.
"Samantha." Tawag ni Simoun kay Samantha na ikinalingon ng dalawa. Agad na lumapit si Simoun para kuhanin ang kamay ni Samantha at walang ano-ano ay hinapit nito ito sa baywang na parang ginuguwardiyan si Samantha kay Edward.
"Si----"
"Babe, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Hinahanap ka rin nila Dad." Putol nito sa sasabihin nito.
Hindi na nakuhang bumati ni Edward sa amo nito dahil na rin sa gulat at galit sa kaalamang pinakilala na rin pala nito si Samantha sa pamilya nito. Hindi pa lubos na nagkakapag-usap si Edward at Samantha ng makita ni Simoun ang dalawa na nag-uusap.
Napahawak ng mahigpit si Samantha sa dala nitong pouch dahil na rin sa tensyong nagaganap ng mga oras na iyon. Parehong nakatuon ang mga mata nito sa dalawang lalake na nasa harapan nito ngayon na kulang na lang ay magliyab pareho ang mga mata ng mga ito sa galit.
Kung nagkataon na mag-ayaw ang mga ito ay hindi nito alam kung kanino ito kakampi. Kaibigan nito si Edward at si Simoun naman ay amo nito sa trabaho.
Para pakalmahin ang mga kaganapan ay naisipan ni Samantha na kausapin si Simoun upang madivert ang atensyon nito dito at hindi na ito makipag tagisan pa ng tingin kay Edward na halatang nakalimot na rin na amo nito ang kaharap.
"Sir Simoun, balik po tayo sa table natin. May pinag-usapan lang kami sandali ni Sir Edward." Magalang na yaya ni Samantha kay Simoun. Nauna na si Samantha na lumakad palayo kay Edward at umaasa itong susunod na rin si Simoun sa kanya pagdaka.
Halos magkasunod lang ang dalawa na nakabalik sa table na kinaroroonan pa rin ng pamilya Montalvo. Halatang inis pa rin ang itsura ni Simoun ng bumalik sa upuan na agad na napansin ng ina nito.
"May problema ba son? Saan ba kayo nagpunta na dalawa?" Binalingan din nito si Samantha na biglang kinabahan sa tanong ng ginang. Hindi nito napaghandaan ang isasagot dito, mabuti na lang at sinalo ito ni Simoun .
"Sinundan ko lang siya sa restroom Mom. May bastos kasing nakipagkilala kay Samantha kaya medyo natagalan kaming bumalik." Pagsisinungaling nito sa ina. Papasa na ata itong writer sa galing na umisip ng mga palusot at magtahi ng mga kaganapan na hindi parte ng pagpapanggap ng dalawa.
Muling tinitigan ng Mama ni Simoun si Samantha with a worried face.
"Are you alright Samantha? Dapat siguro ireport sa security ang taong nambastos sayo." Suhestiyon nito na ikinalingon ni Samantha kay Simoun.
"It's alright Mom, kinausap ko na siya na huwag nang lalapit sa fiancee ko." Diniin pa nito ang salitang fiancee na lalong nagpakaba kay Samantha. Litong-lito na ito sa mga nangyayari at mukhang pati si Edward ay madadamay pa sa issue ng dalawa. Ito ang biglang naisip ni Samantha habang patuloy na tumatakbo sa isipan nito ang galit na namayani kay Edward ng malaman nitong siya ang kasama ni Sir Simoun sa company party ng pamilya nito.
PATTY
"Did you see it Dad?" Muryot na tanong ko kay Daddy ng pareho naming nakita na sinundan ni Edward si Samantha sa restroom at sinadya pa nitong hintayin ang paglabas nito.
"I know what's on your mind baby. Pero hindi natin basta-basta puwedeng galawin ang babaeng iyon at may connection siya kay Simoun Montalvo. Baka magkaproblema tayo, kailangan na planuhin nating mabuti ang gagawin natin para mawala sa landas ni Edward ang babaeng iyon."
"Pero Daddy, baka kapag hindi pa tayo kumilos ngayon ay tuluyan na niyang maagaw si Edward sa akin!"
"Dont panic okay, ako ang bahala. Basta't huwag kang lalayo kay Edward, bantayan mo siyang mabuti." Bilin ni Daddy sa akin. I trusted him a lot. At hindi ako magtataka na isang araw ay hindi na magkrus ang landas namin ng Samantha. I know my father. He's willing to do everything for me, because I'm his only daughter...wala nang iba. Kaya humanda kang Samantha ka, pagsisihan mong nagkakilala kayo ni Edward at sisiguruhin kong hindi matatahimik ang buhay mo hanggat hindi ka kusang lumalayo kay Edward.
Maarte kong hinawakan ang kupita na nakapatong sa table at tinungga ko ang natitirang laman nito. Tinaasan ko ng kilay si Samantha habang nakikita kong tahimik itong nakaupo kung saan kasama nito ang pamilya Montalvo. Guwardiyado ito ni Simoun na lahatang may gusto sa babaeng iyon sa paraan pa lang ng pagtitig nito dito. Kaya siguro galit ito ng makitang magkausap si Edward at Samantha. Napakalanding babae, may Simoun Montalvo na pero kinakalantari pa rin si Edward. Makikita mong babae ka!