Chapter 11

3218 Words
SIMOUN         Hindi ko na kinausap pa si Samantha hanggang sa dumating kami sa condo nito. I feel angry and pissed when I saw Samantha secretly talking with that Edward Luciano. Hindi ko maipaliwanag ang inis at galit na naramdaman ko ng makita si Samantha kasama si Edward. I know they were friends but its not what I saw everytime na nakatitig si Edward kay Samantha.         Kahit na hindi direktang umamin si Edward sa babaeng gusto nito ng huli kaming mag-usap sa bahay ni Samantha ay alam ko naman ang totoong tingin nito kay Samantha. Wala akong karapatan para maramdaman ang selos na sa huli ay hindi ko maitanggi ng makita ko silang dalawa na magkausap kanina. Kung puwede ko nga lang na itali sa katawan ko si Samantha para hindi lang mapalitan ng Edward na iyon ay ginawa ko na. I will hold and hug her deeply that no one will ever grab her in my arms.         Pagkabukas ng pinto ng condo ni Samantha ay saglit niya akong nilingon. I authomatically asked her if I can go inside so we can talk.         "Pasok po kayo sir." balik na naman sa dating paraan ng pagtawag nito sa akin ang ginawa nitong pagsagot.         "Thank you." at nauna na itong pumasok sa loob at sumunod ako. I suddenly close and locked the door.         "What do want sir, coffee or tea? Yun lang po ang mayroon dito." Alok niya sa akin habang  binubuksan ang cabinet ng mg stocks nitong pagkaen.             "Just a coffee." Umupo ako sa sofa at hinintay ang pagbalik niya dala ang tasa ng kape.         "Coffee sir." Inilapag nito ang tasa ng kape saka umupo sa sofa, sinadya nitong umupo na may distansya sa akin. I saw a hint of nervousness in her face. Wala naman kaming ginagawa na dapat nitong ikatakot pero hindi nito makuhang titigan ako ng diretso sa mata. Samantalang ako ay lantaran ko siyang tinitingnan even if there is a chance that she will ask me why, kung bakit palagi ko siyang tinititigan at hindi ko mapigilan ang sarili ko in doing that from the very start.         "Sir, may gusto lang po sana akong itanong." ito na ang unang nagsalita. I've a guess na itatanong nito sa akin ang tungkol sa sinabi ko kanina sa pamilya ko na siya ang fiancee ko na matagal na hinihintay ng mga ito na ipakilala ko sa mga ito. Kaya bago pa niya itanong sa akin ang bagay na'yun ay inunahan ko na siya sa pagsagot.         "I just need to do that for them to stop asking about my plans in marrying someone, you now that." sagot ko sa kanya, hindi ko alam kung maniniwala siya but that is the only reason I need to tell her why I suddenly said those words. Hindi ko kayang aminin sa kanya na sinadya kong sabihin sa pamilya ko na fiancee ko siya. And surprisingly, I felt happy after I announced it infront of my family.         "Ang sabi nyo po ay huli na ang ginawa nating pagpapanggap?" Habol nitong tanong sa akin. It seems that she doesn't want to continue the role as my girlfriend. I felt sad with that truth. Ganoon ba ako kahirap kasama para iwasan niya ako ng sobra-sobra?         "I know. But I can still came here as your friend, right?" Paniniguro ko sa kanya. That will be the last time na magpapanggap kami but it will not be the last time na magkikita kami, and I'll make sure of that. Hindi agad nakasagot si Samantha ng tanungin ko siya tungkol sa bagay na iyon, kaya tinitigan ko siya ng diretso sa mata. I don't care kung ano ang iisipin niya tungkol sa akin, but I need her answer and assurance that I can still see her after this night.         "O-oo naman po sir. Puwede po kayong pumunta dito kung may kailangan kayo oh gustong sabihin sa akin. Pero paano kapag nalaman ng mga magulang mo na kasinungalingan lang lahat ang tungkol sa pagiging mag fiancee natin?" Alangan nitong tanong sa akin. Medyo nakahinga ako ng kaunti dahil sa sagot niya pero ng tanungin niya ako muli tungkol sa pagpapanggap namin ay hindi ako agad nakasagot. Kahit naman nagpapanggap lang kami na may relasyon ay hindi pa rin ako papayag na hindi ako mapalapit sa kanya so I will use the chance na makita ito para mapalapit dito.         "Ako na ang bahala sa kanila. Ang importante ay hindi na sila magtanong ng tungkol sa balak kong pagkakaroon ng pamilya." Paniniguro ko sa kanya. "And thank you Samantha for all the favor you've done to me. I owe you a lot. But please, kapag tayo lang dalawa ang magkasama, kindly not use to me those aging words like 'sir', 'po' or 'opo'. Would you please do that?"         "Amo ko kayo sir, so there's no way but to call you 'sir'." giit nito sa akin. I just give a deep sigh and simply smile at her.         "Okay fine, if that's what you want." Pagsuko ko sa kanya. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa condo nito bago ako tuluyang nagpaalam kay Samantha. I know its already late but I still wanted to prolong in her condo to talk to her and see her beautiful face.         "Goobye sir." Paalam nito sa akin ng ihatid pa niya ako hanggang sa pinto. Nakabukas na ito na parang gusto na talaga niya akong umalis. I don't know how, or where I got the urge to kiss her in the cheeks but I did it. Hinalikan ko siya without any permission, at hindi rin na anticipate ni Samantha ang ginawa kong iyon.         Nagulat, napatulala at hindi ito nagsalita agad ng gawin ko iyon. It's just a simple kiss on the cheek, but it seems that it's really a deep kissed on her lips based on her reaction.         "I'll go ahead." Paalam ko sa kanya. I did not say anything about why I kissed her, but I mean it. I really intended to kiss her, because that's what my heart is telling me. Pero hindi ko kayang aminin sa kanya ang bagay na'yun.         Hindi na ako nakuhang sagutin ni Samantha dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya. Sunod akong napatitig sa mapupula nitong labi. Higit pa sa paghalik sa pisngi ang ibinubulong ng utak ko na gusto kong gawin sa kanya ng mga oras na iyon pero muli kong pinigil ang sarili ko. I wanted her in my bed but I shouldn't force her. I want her to be with me because she ask for it, and we want it both. I don't know when, but I'll make sure it will happen soon. And before I forget everything about temptation, I chose to leave her and let sleep in my mattress she didn't know I owns it. One night, I'll sleep there again, with her n***d body.      SAMANTHA         Ilang ulit akong nagpabaling-baling sa higaan ko pero hindi ako talaga makatulog. I should be sleeping by now with my soft mattress and cool air coming from the aircon inside my room, but that's not what happened.         Nanatiling nakatitig ang mga mata ko sa ceiling lamp ng kuwarto ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari sa party hanggang sa makauwi ako ng condo kanina. Masyado nang naging kumplekado ang lahat ng mga nangyayari sa amin ni Sir Simoun. Hindi ko inaasahan na ganoon ang aabutin ng aming pagpapanggap. Malaking kasalanan iyon sa mata ng maraming tao at hindi ko sigurado kung mapapatawad ako ng mga magulang nito kapag nalaman ng mga ito na nakipagsabwatan ako sa anak nila para magpanggap bilang girlfriend nito. Mukha pa namang mabait ang Mama nito na si Madam Agnes, maging ang ama nito na si Mr. Lorenzo Montalvo ay matapang pero mahal na mahal nito ang mga anak na lalake nito.         Niyakap ko ang isang medium size na manika na palaging nasa ibabaw ng kama ko. Naisip ko na naman ang guwapong mukha ni Simoun Montalvo. Kahit ilang beses kong burahin sa isipan ko ang imahe niya ay hindi ko magawa, ang lahat ng bagay na tungkol sa kanya ay paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko. Unti-unti kong nakakabisado ang kilos niya, ang amoy niya ang masayang pakiramdam na naidudulot niya sa akin kapag kasama ko siya. Parang ang suwerte kong babae sa tuwing kasama ko siya. Hindi dahil mayaman siyang tao at maraming nakakakilala sa kanya kung hindi ang kakaibang pakiramdam ko sa tuwing tinitigan niya ako sa mata. Kulang na lang ay magulo ang buong sistema ko sa bawat hawak, dampi at paglapit niya sa akin. Siguro nga ay kainosentehang masasabi ang nararamdaman ko dahil kahit kailan ay hindi ko ito naranasan sa kahit sinong lalake maliban sa kanya. Dahil kay Simoun Montalvo ay unti-unti kong hindi nakilala ang aking sarili mula sa dating Samantha na walang pakielam sa mga lalake. Nabubuhay ng tahimik at malayo sa anino ng mga lalakeng walang ginawa kung hindi ang manloko ng mga babae at sa huli ay iiwan lang na luhanan.         Dahil kay Simoun Montalvo ay nagkaroon ako ng interes na maramdaman kung ano nga ba ang tunay na pakiramdam na mahalin ng isang lalake kagaya ng paraan ng pagmamahal ng isang babae sa lalake. Pero sa tuwing maiisip ko ang mga nangyari sa mga magulang ko, bumabalik lang ang lahat ng pag-asang iyon sa kabiguan.         At mula doon ay bigla kong naisip si Edward at ang huli naming pinag-usapan kanina bago kami nakita ni Sir Simoun na magkausap.         "Samantha, bakit ikaw ang kasama ni Sir Simoun dito sa party?"         Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Siguro ay nahalata nito ang kabang nararamdaman ko kaya muli niya akong kinausap.         "Nagulat lang ako na makikita kita dito Samantha."         "Ako rin Sir Edward nagulat ng makita kita dito. K-asi..."         "Kung hindi mo kayang sagutin sa ngayon ang tanong ko sana ay isang araw makapag-usap tayo. Yun tayong dalawa lang...may importante sana akong gustong sasabihin sayo."         Medyo naguluhan ako sa sinabi niya pero bakas sa mukha nito ang takot at pagod na hindi ko maipaliwanag. Baka may problema ito na hindi basta masabi sa iba kaya parang ang hirap para dito ang magtapat sa akin. Parang may bumabagabak dito na hindi ko maintindihan, napansin ko iyon dahil hindi ako sanay na ganun siya kapag magkausap kami. At bigla kong naisip na baka dahil sa nakita nitong magkasama kami ni Sir Simoun kaya ito malungkot.         "Hindi naman sa ganun, pero magkaibigan lang kami ni Sir Simoun kung iyon ang iniisip mo." Paninigurado ko sa kanya. Bigla ang pag-aliwalas ng mukha nito dahil sa sinabi ko.         "Alam ko naman iyon Samantha. May tiwala ako sayo, at hindi ako basta mag-iisip ng masama tungkol sayo." Halos masamid ako sinabi niya. Kung malalaman lang nito ang pagsisinungaling na ginagawa namin ni Sir Simoun ay baka mag-iba na ang tingin nito sa akin kaya bigla na lang akong natahimik.         "Samantha..." untag nito sa akin. Napatingin ako sa kanya mula sa pagkakatitig ko sa malawak na landscape garden ng hotel.         "Bakit?"         "Puwede ba kitang makausap sa ibang araw? M-ayyyy..." Naputol ang sasabihin niya ng biglang dumating si Sir Simoun at tumabi sa akin. Walang ibang nasabi si Edward kung hindi ang ipakita ang galit sa amo namin na nasa harapan namin ng mga oras na iyon. Visible ang tinitimpi nitong inis at galit lalo na at bigla na lang akong hinapit sa baywang at pagdaka ay inilapit sa katawan ni Sir Simoun. Hindi rin nito binitiwan ang isa kong kamay hanggang hindi kami nakakabalik sa table kung saan kami unang umupo.         Napabuntong hininga ako ng magbalik sa kasalukuyan ang aking isip. May parte ng isip ko ang nagsasabing hindi ko dapat maramdaman ang pagkalitong nararamdaman ko ngayon dahil walang ibig pakuhulugan ang lahat ng ginagawa ni Sir Simoun sa akin, kung hindi purong pagpapanggap lamang. Pero may parte naman ng puso ko ang umaasang sana ay totoo na lang ang lahat ng nangyayari sa amin na hindi ko inasahang magugustuhan ko sa huli.         Muli kong niyakap ang stuff toy na nasa gilid ko at nilaro-laro ko ang maliit nitong ilong sa aking mukha hanggang sa kusa na akong  inantok at nakatulog sa pag-iisip ng mga bagay na nagpapagulo ng takbo ng puso't isipan ko sa simula pa lang na nakilala ko si Simoun Montalvo. BEA         Nakatingin ako sa magandang view mula sa glass window ng opisina ni Simoun. It's been many years since the last time na nagpunta ako sa lugar na ito. At nagsimula ang lahat ng magkita kaming muli sa bar ng gabing iyon kasama ang ipinakilala nitong girlfriend na si Samantha Gomez.         I thought it was all about hurting and getting even on me dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya kaya niya pinakilala si Samantha sa mga kaibigan namin bilang girlfriend nito. But in all my dismay, I found out that everything about them is true when I saw their pictures in the magazine and newspaper this morning.         The Hottest bachelor of Montalvo sibling, Simoun Montalvo is now engaged!         Iyon ang bumugad agad sa akin ng buklatin ko ang diyaryo na nakapatong sa table ng umagang iyon. Hindi ko agad pinaniwalaan na magpapakasal na si Simoun Montalvo lalo na at naniniwala pa rin ako na hindi niya ako tuluyan pang nakakalimutan. Pero ng tingnan ko kung sinong babae ang sinasabi sa article na mapapangasawa nito ay doon ko napagtanto na totoo ang lahat ng namamagitan sa dalawa. Si Samantha Gomez ang masaya at nakangiting babae na kasama ni Simoun sa company party ng mga Montalvo. At sinabi nga sa article na malapit na raw magpakasal ang dalawa at matagal ng kakilala ng mga magulang at kapatid ni Simoun si Samantha.         I felt uneased when I found out everything about them, hindi ko lubusang matanggap na makakaya akong kalimutan ni Simoun ng dahil sa Samantha Gomez na yan. Kaya nagpunta ako sa opisina nito para kausapin ito.         "Sir, tumawag po sa akin si Laura na may naghihintay daw po sa opisina nyo ngayon at ayaw niyang pumayag na hindi kayo makausap."         "Who's that?"         "Bea Santillian, sir."         "Inform Laura that I will talk to her."         "Okay po sir."         "Sa loob nyo na lang daw ng opisina hintayin si Sir Simoun sabi Ms.Melody, papunta na raw po sila dito."         "Okay, h'wag muna akong samahan sa loob ng office nya. I can manage." Utos ko sa isa sa mga secretary ni Simoun.          I clearly remember our last conversation many years ago. I've trapped in our relationship since college and I felt being away with him is the best thing I need to do. Nagkaroon ako ng sikretong relasyon kay Carl Antonio, isa sa mga anak ng kaibigan ni Daddy. Dahil doon ay nakipaghiwalay ako kay Simoun at sumama dito sa ibang bansa. Ang buong akala ko ay magiging masaya ako sa piling niya pero hindi. Hindi ko maramdaman sa kanya ang saya ng unang maging kami ni Simoun. And I admitted that what I've done to him is not right, totally wrong. At kung bakit kami magkasama hanggang ngayon ni Carl is because of our personal needs. But in the end, we are nothing but a s*x partner.         So I've decided to came back and to see Simoun. I wanted to say sorry for everything I've done to him pero hindi ko iyon nagawa ng muli kaming magkita dahil kay Samantha. He looks happy with her, at iyon ang hindi matanggap ng ego ko. Masaya ito sa piling ng ibang babae samantalang ako ay nagdurusa at hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang lahat sa aming dalawa.         I suddenly stop thinking about our past when the door opened. Nagtama agad ang mga mata namin ni Simoun. Hindi katulad dati na puno ng pananabik ang mga mata nito kapag magkikita kami. Ngayon ay mga matang walang emosyon ang nakikita ko sa kanya.         "What are doing here?"         Galit agad nitong tanong sa akin. I chose to remain calm, kailangan kong maibalik ang lahat sa amin ni Simoun. Sinadya kong maging malungkot ang itsura at unti-unti akong lumapit sa kanya.         "Simoun, can we talk?" Naiiyak kong tanong sa kanya.         "For what?" Matigas pa rin nitong sagot sa akin. I've sense a feeling of iritation on his face but I'am determine to win him back.         "About us."         I saw him suddenly smirked and gave me a playful smile.         "There's no 'us' Bea, remember?"         "Simoun please. I'm sorry okay, and I beg for your forgiveness. Let's fix what was broken before in our relationship." Suhestiyon ko. Sa pagkakataon iyon ay mas lalong nanlisik ang mga mata ni Simoun habang nakatitig sa akin.         "Are you out of your mind Bea? We're done many years ago, okay? Wala na tayong dapat ayusin oh kahit na balikan pa." Inihagis nito sa couch  ang suot nitong coat at napatuwid ako ng tayo. Ito ang unang beses na pinagdabugan niya ako.         "Magpapaliwanag ako Simoun. Hayaan mo sana na maayos pa natin ang lahat sa atin." Pagmamakaawa ko.         "Wala na tayong dapat ayusin Bea, at please lang...umalis ka na. And I don't want to be rude to you after all you've done with me."         "Hindi mo ba talaga ako mapapatawad Simoun? Nakalimutan muna ba ang lahat ng pinagsamahan natin? The days that we were happy with each other."         "Nakalimutan ko na ang lahat ng mayroon tayo Bea. And just to inform you, soon I'll be getting married, so please ayokong mag-away kami ni Samantha ng dahil lang sayo. Pinatawad na kita, so sana pareho na tayong maging masaya na lang sa mga kanya-kanya nating buhay ngayon." Pinal na sabi ni Simoun sa akin, nakaupo na ito ngayon sa swivel chair nito, throwing me marderous glance.         "Mahal mo ba talaga ang Samantha na yan? Ako ang mahal mo hindi ba? Ako lang ang babaeng minahal mo, and I'm sure of that!" Paratang ko sa kanya. Nahampas ko ang ibabaw ng table nito sa galit na hindi ko mapigilan. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Simoun na lalong nagpainis sa akin.         "Bea, we're not young teens anymore. At mas lalong hindi na tayo mga bata ng makipaghiwalay ka sa akin at pinili mo ang lalakeng iyon over me!" Nagulat ako sa sinabi niya, alam pala nito ang tungkol kay Carl, bakit ba ako magtatanong, he has all the access para malaman ang lahat tungkol sa amin ni Carl simula ng makipaghiwalay ako sa kanya. " Bakit parang nagulat ka pa, Bea? Ang akala mo siguro ay hindi ko malalaman ang ginawa mong pangloloko sa akin, tama ba?" Nakakainsulto nitong paratang sa akin.         "Let me explain everything, Simoun."         "Explain what?" Dumagundong ang buo at malaking boses nito sa loob ng opisina nito.         Hindi agad ako nakasagot, I should beg for his forgiveness at hindi ko makukuha iyon kung makikipagmatigasan ako sa kanya ngayon.         "If you wanna know everything, magkita tayo bukas. Isesend ko sayo ang address, at sana pakinggan mo ang mga paliwanag ko Simoun." Sinadya kong umiyak sa harap nito at magmukhang kaawa-awa para maging makakatotohanan ang lahat, na talagang nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa kanya dati. Kinuha ko ang pouch na nailapag ko sa table nito at walang ano-ano na umalis na ako sa opisina nito. I know that he's still eying on me hanggang sa makalabas ako ng opisina nito. Determinado akong makuha siyang muli kaya nakaisip ako ng plano para magawa ko ang bagay na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD