SAMANTHA
Nagulat ako sa biglang paghawak ng isa kong kasamahang flight attendant sa braso ko at parang kilig na kilig ito na hindi ko malaman kung bakit.
"Joyce, bakit ka ba tili ng tili d'yan?" Inosente kong tanong. May hawak itong newspaper na bahagya pang nalukot dahil sa walang pigil nitong tili. Nasa loob ng kusina kami ng cabin at kasalukuyang inaayos ang mga pagkain sa malaking oven.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin na ikaw pala ang mapapangasawa ni Sir Simoun, Samantha...este Ma'am Samantha pala?" Kinikilig nitong tanong sa akin. Nagsilapitan pa ang tatlong mga kasamahan namin kaya medyo kinabahan ako at baka makita kami ng head cabin crew at mapagalitan pa kami pare-pareho.
"Ano ba yun? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Tanggi ko sa tanong nito sa akin.
"Asus, nagkukunwari pa siya. Heto oh, nasa diyaryo kaya kayo ni Sir Simoun." Ipinakita nito sa akin ang diyaryong hawak nito.
"Oo nga Samantha, ang suwerte mo naman at ikaw ang mapapangasawa ng amo natin." Napangiwi ako sa harapan nila at wala talaga akong idea kung paano nila nalaman ang sinasabi ng mga ito na pagpapanggap namin ni Sir Simoun tungkol sa pagiging pekeng mag fiancee namin. Hindi naman siguro nito sinabi sa kahit kanino ang tungkol doon, at bigla kong kinuha ang newspaper na hawak ni Joyce at doon ko nakita ang lahat.
Nasa diyaryo ang mukha ko kasama si Sir Simoun. Ang kuhang letrato namin ay noon magkakasama kami kasama ang mga magulang nito at dalawang kapatid na lalake. Bakit kailangan pang ma headline ang mukha ko sa diyaryo? Napaiwas ako ng tingin sa mga kasamahan ko na titig na titig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanila dahil wala namang sense kung ipagtanggol ko pa ang sarili ko. Its all written on the newspaper.
"Sana all may mapapangasawang isang Simoun Montalvo nuh." Naiinggit na sabi ni Roxy. Matagal na itong crew sa Montalvo Airline at still single pa rin ito. Naghahanap kasi ito ng mayamang boyfriend sa bawat flight na isa ito sa mga flight attendant. Napangiwi na naman ako sa sinabi nito.
"Uy, hindi siya nag react...ilang taon na kayong mag boyfriend ni Sir Simoun bago kayo maging mag fiancee?" Sunod na tanong ni Joyce sa akin na hindi ko naman napaghandaan. Haizt.
"AH-hhhhmmmm...kasi---"
"Go back to your work girls! Kanina pa hinihintay ng mga pasahero ang mga pagkain nila." Biglang dumating ang head crew namin kaya medyo nakahinga ako ng saglit.
"Yes Ma'am..." Ako na ang unang kumilos at nagsisunuran na ang iba.
"Samantha, mamaya ikuwento mo ang lahat sa amin ah." Habol na bulong ni Roxy sa akin na muling ikinaasim ng mukha ko. Hay, bakit ba ako palaging nalalagay sa sitwasyon na halos wala akong magawa ng dahil kay Simoun Montalvo?
Ilang araw na rin na hindi kami nagkikita si Sir Simoun. Pabor naman sa akin iyon dahil madidivert sa iba ang atensyon ko na pilit nitong ginugulo sa tuwing magkikita kami at magkasama. Pero may parte ng puso ko ang nakaramdam ng lungkot sa katotohanang baka nga hindi na talaga kami magkikita at ang huling pagsasama namin ay noong gabing isinama niya ako sa party at pinakilala sa mga magulang nito bilang pekeng fiancee.
Masakit pala ang mamiss ang isang tao lalo na at hindi nito alam ang pagkamiss na nararamdaman mo para sa kanya.
Simula ng mabalandra ang mukha ko sa diyaryo na kasama siya ay hindi na ako halos nagtatagal sa pagbaba sa eroplano kapag tapos na ang shift namin. Ayoko ko kasing machismis na naman sa hindi totoong balita na nabasa ng mga kasamahan ko sa newspaper.
Mag-isa akong nakaupo ngayon sa isa sa mga upuan sa departure area ng airport. Hinihintay ko si Jenny dahil may sasabihin daw ito saglit sa akin, matagal na rin kaming hindi nagkikita at magkaiba kami ng flight kaya pumayag na akong makipagkita sa kanya. Malamang na alam na rin nito ang tungkol sa pekeng engagement namin ni Sir Simoun.
"Hey, Samantha." Narinig kong bati ni Jenny sa akin na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.
"Jenny ikaw pala. Kanina pa kita hinihintay alam mo ba un?" Kunwari ay pangungunsensiya ko sa kanya.
"Naku, pasensiya ka na Samantha at alam mo naman ang biyahe ng mga local flights di'ba? Kay babagal mga magsikilos ng mga kasama ko, kaya hayun...damay-damay sa mga gawain na huli-huli din." Napatango na lang din ako sa sinabi niya at nauunawaan ko naman ang mga rason niya.
"Okay lang ano ka ba! Nagbibiro lang ako." Napatawa ito na litaw ang mga mapuputing ngipin saka muling nagsalita.
"Kala ko ay galit ka, mahirap na." Makahulugan nitong sabi sa akin. Nagtaka man ako sa sinabi niya ay niyaya ko na lang siya na umalis na ng airport at baka kung saan pa makarating ang usapan namin.
Sa isang restaurant kami pupunta ni Jenny, treat daw niya ako at medyo malaki ang sinahod nito last week.
"Ako nga ang dapat na manlibre sayo Jenny." Biro ko ng naglalakad na kami papasok sa isang exclusive restaurant sa Taguig.
"Ano ka ba, ayos lang yun nuh. Madalas mo naman akong ilibre dati kaya ngayon ako naman ang manlilibre." Nakangiti nitong sagot sa akin. Medyo malayo pa ang entrace door ng restaurant sa binabaan namin kaya naglakad pa kami patungo doon.
Habang naglalakad kami ay may katext si Jenny sa phone kaya nagpalinga-linga na lang ako sa paligid sa kabuuan ng lugar na pinuntahan namin ng aksidente kong makita si Sir Simoun. Pasakay na ito sa kotse nitong itim. May kasama itong babae at hindi ako maaring magkamali. Si Bea iyon! Tandang-tanda ko ang mukha nito.
Ilang beses niya akong inirapan at tiningnan ng masama ng unang beses kaming magkita sa bar ng gabing nagpanggap kami ni Sir Simoun na mag boyfriend. Kaya hindi ako maaring magkamali sa pagtiyak kung sino ang babaeng kasama nito. Si Bea iyon na siyang ex girlfriend nito.
Unang pumasok sa loob ng kotse si Sir Simoun at ang driver naman ang nagbukas ng pinto para kay Bea upang makapasok ito sa kotse na pagmamay-ari nito.
Mabilis lang ang naging pagkilos ng mga ito at agad na nagmaniobra ang driver ng kotse at umalis na ang mga ito.
Napakunot ang dalawa kong kilay dahil sa mga nakita ko. Kaya pala hindi na nito naisip na bumisita sa condo ay may iba na itong pinagkakaabalahan. Malamang ay nagkabalikan na ang mga ito.
Mabuti nga iyon at hindi na niya ako guguluhin pa, pero bakit may sakit ako na naramdaman mula sa aking puso dahil sa katotohanang nagwakas na ang pagpapanggap namin na may relasyon na sa una pa lang ay mali na?
"Samantha, nakikinig ka ba?" untag sa akin ni Jenny na ikinagulat ko.
"Ha?"
"Kanina pa ako nagsasalita dito hindi mo pala ako pinakikinggan." May himig ng tampo ang boses nito. Nablangko kasi ang utak ko saglit matapos kong makita na magkasama si Sir Simoun at Bea.
"Sorry, may bigla lang kasi akong naalala." Pagsisinungalin ko sa kanya. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya ang totoo kung bakit saglit akong nawala sa sarili ko.
"Ganun ba, baka gutom lang yan. Halik na sa loob at marami tayong pag chichismisan." Biro niya sa akin na ikinangiti ko naman ng manipis. Pumasok na kami sa loob ng restaurant at agad naman na umorder ng pagkain si Jenny.
Kasalukuyan kaming kumakain ng chicken at pasta ng biglang magsalita si Jenny.
"Sam, totoo ba ang nabasa namin sa diyaryo noong nakaraang araw?" Out of no where ay tanong nito sa akin. Napainom tuloy ako ng juice agad-agad dahil parang bumara sa lalamunan ko ang sinubo kong chicken dahil sa tanong nito.
"A-ang alin doon?" Painosente kong tanong na kunwari ay wala akong kaalam-alam sa mga sinasabi nito.
"Yung tungkol sa inyo ni Sir Simoun? Nagulat ang lahat ng tao sa department alam mo ba un? Hindi kami makapaniwala na ikaw pala ang mapapangasawa ni Sir Simoun samantalang ang tagal na nating magkakilala pero kahit minsan wala kang binanggit na may relasyon kayong dalawa? Paano nangyari iyon?" Bakas sa mukha nito ang pagtataka at mukhang hindi ito titigil hanggat hindi ko sinasagot ang tanong nito sa akin.
Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat kay Jenny na hindi niya ako mahuhusgahan? Pati ang pangalan ni Sir Simoun ay malalagay sa alanganin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Pero ano pa ba ang dapat kong ikatakot samantalang lalabas naman ang totoo kapag umamin si Sir Simoun at Bea na nagkabalikan na ang mga ito at sa huli ay sasabihin ng mga ito na magpapakasal na sila at iyon na ang katapusan ng pagpapanggap namin ni Sir Simoun.
"Jenny..."
"Alam mo bang sobrang nag-aalala ako kay Sir Edward ng mabasa niya ang tungkol sa inyo ni Sir Simoun? Pero mukhang hindi na siya nagulat sa picture nyong dalawa ng magkasama kayo ni Sir Simoun maging sa balitang engaged na kayong dalawa, it sounds wierd di'ba? Tapos bigla na lang siyang naging loner, naka isolate na siya palagi sa group hindi katulad noong magkakasama pa tayo sa cabin." Kuwento sa akin ni Jenny.
Nalungkot ako sa kaalamang may nasaktan akong tao dahil sa pagtulong ko kay Sir Simoun. Wala sa isip ko na masyadong maapektuhan ang pribado kong buhay dahil sa pagpapanggap na ginawa naming dalawa. Hindi ko rin maitatanggi na masaya ako kapag kasama ko siya at sa tuwing malapit kami sa isa't isa. May kakaibang saya na dala sa akin ang presensiya niya. At iyon ang patuloy na gumugulo sa isipan at puso ko.
"Sam..." untag naman sa akin ni Jenny."Tulala ka naman dyan. Wala ka ba talagang ikukuwento man lang sa akin tungkol sa inyo ni Sir Simoun?" Inip na tanong nito sa akin. Napatingin ako sa paligid at saka ibinalik ang mga mata ko kay Jenny.
"Jenny kasi...hindi ko maipapaliwanag ang lahat ngayon pero maniwala ka, hindi ko gusto na masaktan si Sir Edward."
Napabuntonghinga ito at isinandal ang likod sa upuan. Unimon muna ito ng juice sa baso at saka muling nagsalita.
"Alam ko naman yun Samantha. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mo nilihim ang lahat tungkol sa inyo ni sir."
Paano ko ba ipapaliwanag ang lahat kay Jenny? Maski ako ay naguguluhan sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon. Sa kagustuhan kong maging isang masunurin empleyado at tumulong sa isang tao ay ito pa ang napala ko.
"Kilala mo naman si Simoun hindi ba? Hindi natin siya katulad, Jenny. Mayroon siyang pangalan na kailangang protektahan." Depensa ko na lang sa kanya. Kapag sinabi ko sa kanya ang totoo ay baka hindi rin niya ako maintindihan sa huli.
"Sabagay. Mayaman at makapangyarihan siya sa lipunan kaya hindi basta-basta dapat naeexpose ang lahat, may point ka naman dun." Bahagya akong nakahinga ng marinig ko ang sagot niya.Mabuti at kahit papaano ay naintindihan nito ang point ko.
"Kailan ang kasal nyo? I mean, may napag-usapan na ba kayong dalawa? Kahit naman kasi boto ako kay Sir Edward para sayo friend, hindi ko rin masisisi ang sarili ko na ma excite para sa inyong dalawa ni Sir Simoun. Ang pogi kaya nya, mayaman pa..." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi ni Jenny. Kung alam lang nito ang lahat, malaman na tatawanan lang niya ang kagagahan ko.
Saka ko biglang naisip ang tagpong nahagip ng mga mata ko kanina. Date ba ng kasal? Malamang na si Bea na masusunod dun, dahil sa nagkabalikan na ang dalawa ay tiyak na kasal na ang kasunod na plaplanuhin ng mga ito. May pait kong kausap sa sarili. Bakit ba kailangan kong maramdaman ang ganitong selos, galit at lungkot? Kahit naman na hindi ko sagutin ang sarili kong tanong ay halata namang nasasaktan ako sa katotohanang nagkabalikan na si Bea at si Sir Simoun.
Kung masama mang humiling ng hindi maganda sa kapwa ay malamang na maparusahan ako, dahil hihilingin ko na sana na hindi na bumalik pa ang babaeng iyon at hindi na sila nagkabalikan ngayon.
"P-pag-uusapan pa namin Jenny." Sunod kong sagot sa kanya. Masyado nang malalim ang sakit na naidudulot ng lahat ng mga nangyari sa amin ni Sir Simoun at ang tanging gusto ko na lang gawin ay magkulong sa kuwarto at magmukmok. Umiyak ng umiyak at baka sakaling maibsan nito ang lungkot na nararamdaman ko.
"Mukhang pagod ka na at wala sa mood. Sa ibang araw na lang ulit tayo magkuwentuhan, ha Samantha?" Pansin ni Jenny sa akin kaya napatango na lang ako. Talaga naman pagod na ang katawan ko pati ang utak ko, mas lalo ang puso ko na unang beses na nakarasan ng pagkabigo dahil sa isang Simoun Montalvo.
Magkasabay kaming lumabas ng restaurant ni Jenny, ako ay nakaplano nang dumeretso uwi pero siya ay pupuntahan muna raw nito ang boyfriend sa apartment nito.
Pagdating ko ng condo unit ko ay agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng pang tulog. Busog pa naman ako dahil marami rin ang inorder na pagkain ni Jenny sa restaurant na kinainan namin kanina. Pahiga na ako sa malambot na kama ng biglang tumunog ang cellphone ko, ng silipin ko ang screen nito ay doon ko nakita na tumatawag si Edward.
Nag-alangan pa ako kung sasagutin ang tawag nito pero sa huli ay sinagot ko na rin. Kung totoo nga na nasaktan ko ito dahil sa mga nalaman nito tungkol sa amin ni Sir Simoun ay kailangan kong humingi ng tawad sa kanya kahit papaano.
"Hello?"
"Samantha..." bungad agad nito sa tawag ko. Malungkot ang boses nito na agad kong napansin ng magsalita ito.
"Sir Edward, bakit po kayo napatawag? M-may kailangan po ba kayo?" Sunod kong tanong sa kanya.
"O-oo, kailangan kita ngayon Samantha. Please..." napalunok ako sa sinabi niya at parang nakikita ko ang itsura nito na malungkot at hapo habang may hawak na alak at umiinom.
"Nasaan po ba kayo ngayon?" Hindi ko rin napigilan na itanong. Nag-alala rin ako sa kasalukuyan nitong kalagayan..
"Dito sa bar na madalas nating puntahan ni Jenny." Alam ko kung saan ang bar na iyon sa Makati, medyo malayo nga lang pero makakahanap pa naman siguro ako ng masasakyan na taxi para makarating doon.
Nagpalit agad ako ng isang strechable tshirt na kulay pink at isang jeans. Isinuot ko rin ang jacket na kulay cream na may hood na madalas kong isuot sa pag jojojing.
Nang makababa ako sa libi ay saglit akong napatingin sa information desk, walang tao ng mga oras na iyon. Ibibilin ko sana na kapag may naghanap sa akin ay sabihing wala ako at may pinuntahan lang akong importante. Lumingon ulit ako sa paligid, para kasing may pares ng mga matang nakatitig sa akin kaya nakaramdam ako ng kaba.
Binalewala ko na lang ang kakaibang napapansin ko sa paligid at saka ako lumabas ng building. Nakasakay naman ako agad sa taxi kaya alam kong makakarating ako ng medyo maaga sa sinabing bar ni Edward. At nang marating ko nga ang lugar kung saan madalas kaming pumunta na bar ay mabilis akong nagbayad sa driver at bumaba ng taxi para kitain si Edward.
EDWARD
Mag-isa akong nakaupo sa counter ng bar kung saan kami madalas na pumunta ni Samantha para mag unwine pagkagaling sa trabaho. Nakailang baso na ako ng alak pero malinaw pa rin sa isipan ko ang mga problemang dinudulot ni Patty at ang ama nito sa buhay ko. Hindi ako makapaniwala na makakayang kontrolin ng mag-amang iyon ang buhay ko pati ang pamilya ko.
I hate them both. Kung puwede nga lang na mangutang ako sa ibang tao para mabayaran ang pagkakautang ng mga magulang ko sa mga ito ay ginawa ko na. Pero kanino naman ako uutang ng ganoong kalaking pera? Kahit sa bangko ay hindi kakayanin ng trabaho ko ang mangutang ng ganoong kalaking halaga sa ngayon.
Nitong huli ay may napag-usapan kami ni Patty kasama ang Papa nito pagkatapos kong sumunod sa kagustuhan ng mga ito na maging companion ni Patty sa party ng mga Montalvo kung saan nakita ko nga si Samantha na kasama ni Sir Simoun.
Nag offer si Patty at ang ama nito na si Mr.Nuevo na mawawala na ang lahat ng utang ng mga magulang ko sa kanila once na pumayag akong magpakasal kay Patty. Hindi ko kaya ang pinapagawa nilang mag-ama dahil hindi ko maaatim na matali sa isang kasal na walang namamagitan na pagmamahalan.
Si Samantha lang ang tanging babae na pinangarap kong maiharap sa altar sa tamang panahon at hindi ang katulad ni Patty na walang ginawa kung hindi ang gamitin ang impluwensiya ng ama nito para makuha ang lahat ng gusto nito.
Kailangan ko ng tulong ni Samantha para tuluyan na akong layuan ni Patty. Hindi ko kayang magpatuloy na mamuhay sa lungkot dahil lang sa mag-amang Nuevo na'yun. Magbabakasakali akong matulungan niya ako at maawa sa akin.
Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng tungkol sa kanila ni Sir Simoun, pero tandang-tanda ko ang sinabi niya sa akin sa party, magkaibigan lang silang dalawa. Baka katulad ko ay kinailangan lang din ng tulong ni Sir Simoun kaya nito nilapitan si Samantha, at ganoon din ang naisip kong paraan para layuan na ako ng tuluyan ni Patty.
"Sir Edward." Bigla akong napalingon ng marinig ko ang pamilyar na boses na palagi kong gustong marinig.
"Samantha..."
"Mukhang marami ka nang nainom sir." At tiningnan nito ang basong hawak ko. Para siyang isang nagtatagong angel sa suot nitong jacket na may hood at jeans with snickers on her feet.
"Ah-hh, hindi naman gaano. Maupo ka muna." Itinuro ko ang bakanteng upuan sa tabi ko, pareho na kami ngayong nakaupo sa high chairs at nakaharap sa mga bartender na nag se-serve ng mga inumin.
"Bakit nga pala tumawag kayo sir?" Sunod nitong tanong sa akin, sinadya kong lagukin muna ang alak na nasa baso ko bago ko siya sagutin. Parang doon ako kumuha ng lakas ng loob na ipagtapat sa kanya ang lahat ng problema ko.
"Samantha, I need your help. I don't know what is your reason kung bakit ka napapayag ni Sir Simoun na magpangggap na girlfriend or fiancee niya...pero sana matulungan mo ako sa problema ko." Pagod kong pakiusap sa kanya. Siya na lang ang taong mahihingan ko ng tulong sa ngayon at sana ay maintindihan niya ako sa gusto kong mangyari sa aming dalawa.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Samantha ng sabihin ko ang tungkol sa pagpapanggap nilang dalawa ni Sir Simoun. Marahil ay hindi nito inaasahan na sasabihin ko ang mga bagay na'yun.
"Hindi kita maintindihan Sir Edward. Ano bang tulong ang hinihingi mo?"
"Marry me Samantha." Bulalas ko sa kanya.
"Ano?!" Bahagyang napataas ang boses ni Samantha ng sagutin ako.
"Kailangan kong magpakasal para layuan na ako ni Patty, un anak ni Mr. Nuevo. Kilala mo siya hindi ba?" Tanong ko kay Samantha. Napatango na lang ito pagkatapos.
"Hindi ko maintindihan kung bakit mo naisip na papayag ako sa gusto mo Sir Edward. Magpapakasal ako sayo? Un ba ang gusto mo? Tapos ano?" Ramdam ko ang inis sa boses nito kaya napayuko ako saglit.
"Alam kong mahirap intindihin ang mga sinasabi ko pe----"
"Samantha!" Isang dumadagundong na boses mula sa likuran namin ang nagpalingon sa amin pareho ni Samantha. At laking gulat ko ng makita namin ni Sir Simoun na nakatayo sa likuran namin at mukhang galit ito base sa itsura. Namumula ang mukha at magkasalubong ang mga kilay nito. Agad nitong nilapitan si Samantha at pinatayo sa kinauupuan nito.
"Luciano, I need you in my office tomorrow!" Bahagya akong napadiretso ng upo ng sabihin iyon ni Sir Simoun. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit ng ganoon, dati kasi ay pormal na pormal lang ang boses nito kapag magkausap kami sa tungkol sa trabaho, pero ngayon...para itong isang bulkan na biglang sumabog sa harapan namin ni Samantha.
"Let's go." Hawak nito sa kamay ni Samantha ng mahigpit at muli ay tinitigan niya ako ng may pagbabanta. Wala namang nagawa si Samantha kung hindi ang sumama dito at hindi na nito nakuha pang lumingon sa akin bago ito umalis dahil na rin sa akbay-akbay ito ng mariin sa balikat ni Sir Simoun. Alam ko na kaya niyang gawin ang posible ang imposible dahil na rin sa yaman at kapangyarihan ng pamilya nito kaya mas lalo akong kinabahan dahil doon.