SIMOUN
Tahimik kong tinitigan si Samantha habang mahimbing itong natutulog sa kama at nakapatong ang ulo nito sa aking dibdib. Napagod ito ng husto kaya kahit na gustong-gusto ko muli siyang angkinin ay nagpigil ako. I can wait until she's fully awake. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakasabog sa maganda niyang mukha. Sunod kong itinaas ang kumot na bumbalot sa katawan nito na bahagya ng nahawi sa bandang dibdib nito ng dahil sa pagkakahilig nito sa akin.
Tonight is the most beautiful night I ever had. Tuluyan ko siyang naangkin , and I'm so happy that she surrendered everything she has to me tonight. I promise that I'll take good care of her no matter what. Mahal ko siya, and that's obvious the way I claimed her innocent body.
Her body is a temple that I will worship everyday starting tonight. I'll make her my queen and only woman in my life as I discover how happy I'am to be with her especially tonight.
Hindi ko kayang makita na kasama siya ng iba, at doon ko biglang naalala si Edward. Kung hindi ko sinundan si Samantha ay malamang na pumayag na ito sa pakiusap ni Edward. They were friends, and I know Samantha about her friends. Alam kong tutulungan nito si Edward dahil mabait na tao ito at tutulong ito sa isang tao hangat kaya nito, just like what she did to me.
Kaya ng marinig ko ang balak ni Edward na gamitin si Samantha para makalayo kay Patty ay hindi ako nag-aksaya ng oras. I love her to the point that I wanted her to be mine, mine alone. At hindi ko hahayanang masaktan si Samantha because of other people like Edward and Patty.
Hindi ko napigilan na himasin ang makinis na mukha ni Samantha na nagpaungol dito. She suddenly woke up. Tiningala niya ako, nagtama ang mga mata namin. Hindi man siya magsalita oh ako, I know there's a spark that binds us in this moment. Na sa pamamagitan lang ng mga titigan at haplos ko sa kanyang katawan ay nagkaintindihan na ang mga puso't damdamin namin.
I kissed her on her lips, and she authomatically closed her eyes. She's really beautiful inside and out.
In just one touch, there's a heat that started to burn in our body. Bigla akong nag-init at nadama ko ang aking kahandaan. I grinned my body directed at her center. I wanted her to feel how he makes me arouse in just one touch coming from her smooth and delicate hands.
Sunod na inilapag ni Samantha ang mga kamay nito sa aking dibdib at napadaing. I like how she moaned and whisper my name. Parang heaven sa pakiramdam na alam mong naliligayahan ang babaeng mahal mo sa piling mo, without any explanations, our body just became one again after the first time we made love earlier. And I'm planning to make love with her until dawn, or even until our body surrenders.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pananabik sa isang babae, I truly wanted to claim her from the moment I felt something strange is happening in me everytime that we're together.
Again, we made a wonderful night with each other. And I will make her a woman by loving her uncondionally and I'll pin her in my bed until I made her pregnant.
Maaga akong nagising kahit na madaling araw na halos kami nakatulog ni Samantha. Sinulit namin ang mga oras na unang beses kaming magkasama sa kama. And every night, I'll make sure to with her no matter what.
Tinawagan ko si Melody to bring me some clothes and foods. Alam naman nito ang address ng condo unit na binigay ko kay Samantha dahil minsan ay dito ko siya pinapapunta para pirmahan ang ilang mga papeles.
Hindi ko na lang siya hinayaan na makapasok sa loob at hinintay ko na lang siya mismo sa labas ng pinto para hindi ito magulat na magkasama kami buong magdamag ni Samantha. Ayoko rin naman na magambala ang tulog ng 'babe' ko.
"Sir, pasenya na po at medyo traffic kaya natagalan ako sa pagdadala dito sa mga pinabili n'yo." Itinaas pa nito ang hawak na mga paper bag ng damit at pagkaen.
"Thank you Melody."
"Okay lang po sir, saan ko po ito ilalagay?" Tanong nito sa akin na lumapit pa sa pinto.
"Ah-h, akin na ang mga pinabili ko sayo Melody at ako na lang ang magpapasok sa loob ng condo unit ko." Kinuha ko mula sa kanya ang mga paper bag na hawak at saglit na natigilan.
"Sigurado po kayo sir?" Halos hindi nito mapaniwalaan na tanong sa akin. Palagi kasi na ito ng nag-aayos ng mga pagkain ko sa tuwing nagpapabili ako sa kanya ng pagkain kaya hindi ito makapaniwala sa sinabi ko.
"Yeah, I can handle all of these." Iniangat ko pa ang nasa kamay kong mga paper bag na parang magaang papel lang ang hawak ko. Nakita kong nagkibit balikat si Melody at napangiti pagkatapos.
"Okay po sir, tawagan nyo na lang po ako kung may papagawa pa po kayo. And, pupunta po ba kayo sa office ngayon araw para maihanda ko na ang mga pipirmahan nyong mga documents?" pahabol nitong tanong sa akin. Ofcourse, kailangan kong pumasok ng opisina ngayon para makausap si Edward Luciano. I'll warn him to totally stay away from Samantha, or else I will do some actions for me to send him away so he 'll not see Samantha anymore, even talking to her.
"Yeah, gagayak lang ako para makapasok na sa office. At kapag dumating si Edward Luciano sa opisina ko, tell him to wait for me." Bilin ko kay Melody at mabilis naman itong sumagot at nagpaalam na rin na babalik na sa opisina.
Inihanda ko ang mga pagkain na pinabili ko kay Melody pagkatapos kong maligo. May sandwiches, prutas, omelet at hot chocolate. Isinuot ko rin ang mga damit na pinadala ko sa kanya, plano kong dumeretso sa opisina pagkakain namin ng umagahan ni Samantha para makausap si Edward.
Ilang beses kong tinitigan si Samantha habang natutulog. She's like an angel in the morning, at masaya akong siya ang una kong makikita sa paggising ko. Nasa ganoong plano ang isipan ko ng bigla siyang umungol at ibinaling ang ulo nito sa kabilang side ng unan.
Unti-unti itong nagmulat ng mata na parang silaw na silaw sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. Bahagya ko kasing binuksan ang curtain nito para mag-anyaya ng positive awra sa umaga.
Awtomatikong dumako ang tingin niya sa akin ng maimulat na nito ng maayos ang mga mata at saka nito hinawakan ng walang ano-ano ang kumot na nakabalot sa hubad nitong katawan. I smiled secretly, ngayon pa niya ipagdadamot na makita ang maganda niyang katawan sa akin kung kailan nakuha ko na ang p********e niya? I'm so happy to finally say that I already claimed her last night, at pareho namin ginusto ang mga nangyari sa aming dalawa. No daubts, no pretentions... we just love what happened last tonight.
Walang lumabas sa kanyang mga labi pagkatapos na magtama ang mga mata namin. At walang ano-ano ay akma itong bababa ng kama ng biglang matigilan at nalukot ang maganda nitong mukha. Agad ko siyang dinaluhan para tulungan pero inilayo lang niya ang kanyang katawan sa mga bisig ko.
Nagulat ako sa naging reaksyon niya, because that is not what I expected her to act after what we shared last night.
"Kaya kong kumilos na mag-isa, hindi muna ako kailangan tulungan." Tanggi nito. I was halted and shocked when she said those word. Hindi ba dapat maganda ang gising nito dahil sa nangyari sa amin? Kumunot ang noo ko at bahagya akong dumisdasya ng magtangka itong bumaba muli ng kama kahit na halatang nahihirapan ito.
Hindi man lang niya ako nilingon bago pumasok ng banyo. Suddenly, something is happening which I didn't know where it came from.
Hinintay ko siya na lumabas mula sa banyo, hoping that everything turns out well this time. Nang bumukas ang pinto ay isang tahimik at walang kangiti-ngiting Samantha pa rin ang nasilayan ko.
"Kumain muna tayo babe ng breakfast." Yaya ko sa kanya. But instead of answering me, tiningnan lang niya ako ng mariin na para bang may masama akong ginawa, na admitted naman ako dahil ako ang nag-umpisa ng lahat kung bakit humantong sa pagniniig ang komprontasyon namin kagabi. But that love making between us was definitely a product of our feelings and love for each other. Naramdaman ko kung gaano niya ako kamahal kagabi by giving her purity to me, not just one but many times and she didn't stop me to do what I want in her body that she also wanted. I know, and I felt her sencerity while we're in my bed.
"Busog pa po ako Sir Simoun. Kung wala na kayong sasabihin siguro po ay puwede na kayong umalis." Lalo akong natigilan sa sinabi niya. Nakita ko na muli siyang dumiretso sa higaaan. Tinanggal nito ang bedsheet na may stain pa dugo. Sunod nitong binuksan ang built in cabinet para kumuha ng kapalit na bedsheet. I heaved out a deep sigh when I didn't receive any word, reaction or even glimpse from her.
"I'll be back later. Papasok lang ako sa opisina." Paalam ko sa kanya. Katulad kanina ay hindi ito kumibo, na lubha kong ipinagtataka.
SAMANTHA
I covered my face using my two hands. Umupo ako sa kama na hawak ko ang dalawa kong mga tuhod, hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Ito na ba ang sinasabi nilang pakiramdam kapag nabibigo sa pag-ibig? Na parang tamad na tamad kang gumalaw, kumain oh kahit ang mag-isip ay nahihirapang mag function ang utak mo dahil lahat ng atensyon mo ay sa taong minamahal mo nakatuon?
Pakiramdam ko ang hina-hina ko at wala akong nagawa ng ilang beses akong angkinin ni Sir Simoun kagabi. Inaamin ko na hindi ko siya kinayang pigilan dahil ang makakalaban ko ay ang mismong puso't isipan ko. Pareho ang mga ito ng sinisigaw, at iyon ang pinakamasakit sa lahat.
Ang buong akala ko ay hindi ko na siya maaabutan sa condo ko paggising ko sa umaga, but I was wrong. Matiyaga niya akong hinintay na magising, guwapong-guwapo ito sa office attire na suot nito na hindi ko alam kung saan nito kinuha. May pagkain na rin sa mesa ng magising ako pero hindi ko siya kayang samahan na kumain kaya tumaggi na lang ako sa alok niya. At bigla kong naalala si Bea, at ng mismong nakita ko silang dalawa ni Sir Simoun na magkasama noong nakaraang araw. Malamang na magalit ito kapag nalaman na patuloy pa rin kaming nagkikita ng boyfriend nito kaya mas mabuting ako na lang ang umiwas para wala ng gulo.
Hindi tama na manatiling may ugnayan pa kami ni Sir Simoun kahit na may nangyari sa amin ng buong magdamag. Hindi naman niya ako pinilit, and there's no point na ipaglaban ko pa ang nangyari sa aming dalawa kung alam ko namang wala akong karapatan. Ayokong sa huli ay maging kawawa lang ako sa paningin nito at ni Bea. Kaya kong mabuhay na mag-isa pagkatapos ng lahat. Iyon ang natutunan ko simula ng iwanan ako ng mga magulang ko para magkaroon ng sari-sarili nitong mga pamilya, at tuluyan akong kinalimutan.
Being near to him means more pain and I can't easily move on kung palagi ko siyang makikita. Kaya ng sinabi nito kanina na babalik ito ano mang oras ay kinabahan ako. Ano ba ang gusto nitong mangyari? Ang pagsabayin kaming dalawa ni Bea? Na habang masaya ito sa piling naming dalawa ni Bea ay nagdurusa naman ako dahil hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa buhay nito?
Muling tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko. Kahit pigilan ko ay kusang bumabalon ang luha sa mga bata ko, and I really hate this feeling. Pero hindi ako makaramdam ng pagsisisi sa lahat ng mga nangyari sa aming ni Sir Simoun, maski ang pagkakakilala naming dalawa ay inisip kong blessing dahil sa unang pagkakataon ay naranasan ko ang magmahal ng isang lalake, yun nga lang ay bago pa niya ako matutunang mahalin ay may nauna na itong babaeng minahal at nagmamay-ari dito. That's life, I should just accept that truth bago pa ako makalimot sa lahat.
Balak kong matulog lang maghapon tutal ay wala naman akong flight ngayon araw. Parang pagod na pagod ang pakiramdam ko lalo ang ibabang bahagi ng katawan ko. Ang sakit ay gumuguhit kapag sinusubukan kong gumalaw, and it reminds me of how long and deep he claimed me last night. At wala na akong maitatago sa kanya, nakita na niya lahat ang mga tinatago at iniingatan ko.
Pati ang paghahanap ng bagong trabaho ay pumasok na rin sa isipan ko. Kung pati sa trabaho ay kokontrolin niya ako ay hindi ko na iyon mapapayagan. Siguro ay mas mabuting bumalik na lang ako sa dating inuupahan kong apartment kaysa ang paulit-ulit akong masaktan sa tuwing nakikita ko siya oh nakakasama, knowing na baka isang araw ay malaman ni Bea ang lahat at komprontahin niya ako.
Ang lahat ng mga bagay na iyon ang tumatakbo sa isipan ko hanggang sa muli ay dalawin ako ng antok at pagod ng katawan. I fell asleep and hopefully, when I wake up...everything is clear in my mind for me to decide fully.
EDWARD
Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako ng pagkirot ng unti-unti akong bumangon mula sa aking kama.
Nang tingnan ko ang oras mula sa wall clock ay saka ko naalala ang mga nangyari kagabi pagkatapos akong maiwang mag-isa ni Samantha sa bar ng inuwe ito ni Sir Simoun ng walang ano-ano.
Ngayon umaga ang usapan naming dalawa na mag-uusap sa opisina nito. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong makausap, pero ano man ang sasabihin niya sa akin ay isa lang ang mahalaga sa akin. At iyon ay si Samantha, siya lang walang iba.
Mabilis akong naligo para bumaba sa sala, sakto namang pagbaba ko ay dumating si Patty. Masaya ang mukha nito, kabaligtaran ng nararamdaman ko sa tuwing ipagsisiksikan nito ang sarili nito sa akin at sa pamilya ko.
"Your coming with me in the exhibit right?" bungad na tanong nito sa akin. Bigla kong naalala ang exhibit na sinasabi nito na inorganize ng company ng Papa nito.
"Not now Patty, may importante akong pupuntahan ngayon."
"But you promise me and also to my dad, right? Sasamahan mo ako sa exhibit, un ang pangako mo."giit nito sa akin. Nagsisimula naman itong parang maging batang isip na isa sa ayaw kong ugali nito.
"Okay. I'll fetch you later, sa bahay nyo. Umuwe ka muna for now at kailangan ko nang umalis." At hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at nagpatuloy na ako sa paglalakad palabas ng bahay. I know she's eying on me that time, but I didn't care about it. The most important for me is to be with Samantha, at magagawa ko lang iyon kapag napapayag ko siya sa pabor na hinihiling ko sa kanya.
Mabilis ang naging pagmamaneho ko kaya nakarating agad ako sa Montalvo building na isa sa pinakamalaki na building sa Manila.
Agad kong tinanong si Melody kung maagang pumasok si Sir Simoun gaya ng usapan namin. Nagulat pa ako ng sabihin nito na kanina pa raw niya ako hinihintay sa loob ng opisina nito.
"Come in." Narinig kong sabi ni Sir Simoun sa loob ng opisina nito. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang isang maaliwalas at minimalist na design ng opisina nito.
Nakita kong umayos ng upo si Sir Simoun at saglit nitong itinabi ang mga papel na pinipirmahan nito bago ako dumating.
"Take your seat, Mr. Luciano." Pormal nitong utos sa akin na parang may kung anong pader ang nakapagitna sa amin at hindi kami parehong kumportable sa presensiya ng isa't isa.
"Salamat sir." At umupo nga ako sa isang silya na nasa gilid ng table niya. Nagsukatan kami ng tingin, mata sa mata. Alam kong may mali sa mga nangyayari kay Sir Simoun at Samantha pero ayokong pangunahan ang lahat lalo na at malaki ang tiwala ko kay Smantha na hindi ito basta gagawa ng ikapapahamak nito.
"I told you to see me here at my office to talk about Samantha, Edward. Let's not waste our time so I directly pointed out her," diretsong saad nito sa akin na ikinagulat ko.
"Ano po ang tungkol kay Samantha?" Curious kong tanong sa kanya.
"Stay away from her, Luciano. I told you before, ayusin mo ang problema mo kay Mr.Nuevo pati sa anak nitong si Patty, dahil ayokong madamay si Samantha sa mga issues nyo." Another light suddenly stikes me when I heard those words from him. Bakit ko kailangang layuan si Samantha?
"Hindi ko po maintindihan ang sinasabi nyo sir."
"Okay, let's make it simplier this way. Samantha is my woman, so I want you out of her life. Alam kong magkaibigan kayong dalawa, but for the sake of your friendship...layuan mo na lang siya. Hindi siya dapat madamay sa gulong mayroon ka sa Mag-amang Nuevo na'yun."
Alam kong nagpanggap lang ito at si Samantha na mag fiancee sa harap ng mga magulang nito kaya hindi ko lubos na maisip na paanong bigla ay pinapalayo niya ako kay Samantha?
I need to talk to him about Samantha because I can't lose her in my life. Mahal na mahal ko siya.
"Ipinagtapat po sa akin lahat ni Samantha sir." Ito naman ang natigilan at nagulat ng malaman nito na alam ko ang lahat tungol dito at kay Samantha.
Nag-iba bigla ang tingin ko kay Sir Simoun habang kausap at kaharap ko siya. Pero kahit ano pa ang sabihin nya ay hindi ko isusuko si Samantha.
"At ano naman ang sinabi nya tungkol sa aming dalawa?" isinandal nito ang likod sa swivel chair habang nakatitig sa akin ng mariin.
"Na hindi kayo totoong may relasyon, at nagpapanggap lang kayong dalawa." Matapang kong sagot sa kanya, kinalimutan ko na siya ang boss ko alang-alang kay Samantha.
"Really?" Bahagya pa itong napangisi na ikinagulat ko, parang walang katotohanan ang mga sinabi ko at hindi ito apektado. Sunod kong nakita ang pagtayo nito sa upuan at ipinamulsa pa nito ang isang kamay sa pantalon nito saka ako muling binalingan ng tingin.
"Baka noong panahon na may tampuhan kami during the party kung saan mo kami nakita ni Samantha saka mo siya tinanong ng tungkol sa amin? Why don't you ask her now pagkatapos nating mag-usap ngayon kung ano ang totoong relasyon namin. Actually, magkasama pa nga kami kagabi, buong magdamag so I think she's still asleep right now." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang lahat ng mga sinabi ni Sir Simoun tungkol sa kanila ni Samantha, magkasama pa raw ang mga ito magdamag?
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nyo Sir Simoun," giit ko sa kanya.
"Okay, I'll not force you to believe. But make sure that you will follow me as what I've said earlier. Leave her alone Edward, and stay away with my fiancee." Napaumid ang dila ko sa sinabi niya. Wala na akong ibang naging reaksyon kung hindi ang pagtahimik. Wala akong kaalam-alam na may relasyon pala talaga si Samantha at ang boss namin na si Sir Simoun. Paano niyang nailihim sa akin ang lahat?
Sa mahabang panahon na magkakilala kami, ngayon ko lang nalaman na nakikipag date pala si Samantha? Ang buong akala ako ay wala itong oras sa pag-entertain sa mga lalakeng nagpapahaging dito? Bakit wala akong kamalay-malay na naging boyfriend pala nito ang mismong boss namin?
Umalis ako ng opisina ni Sir Simoun na puno ng lungkot ang dibdib ko. Hindi ko napaghandaan ang lahat ng mga nalaman ko tungkol sa relasyon ng dalawa. I can't imagine her with other man. Nanghihina ako.