BEA
I just did what I think is best for our relationship. Sinabi ko kay Simoun na kaya ko nagawang iwanan siya ay para tulungan si Papa, in that way ay mapapatawad niya ako sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya years ago.
Noong una ay hindi siya naniniwala sa mga kasinungalingan na tinahi ko, pero sa huli ay sinabi na lang nitong...everything was in the past kaya huwag na naming balikan. It's okay in the first place na sinabi niya yun, so we can get started without any shadows of the past. Gagawa ako ng paraan para maibalik ang lahat ng mayroon kami dati at sisimulan ko iyon sa paglapit muli sa pamilya ni Simoun.
Inalam ko kung saang salon nagpupunta si Tita Agnes so I can talk to her. Kaya pinuntahan ko siya sa isang salon at halatang nagulat ito ng makita ako.
"Tita Agnes..." Tangka ko siyang hahalikan sa pisngi ng umiwas ito at tinaasan ako ng kilay.
"What are you doing here? At may gana ka pa talagang magpakita sa akin pagkatapos ng ginawa mo sa anak ko?" Pinagtaasan niya ako ng boses at halos mapatingin ang mga taong nasa loob ng salon. I felt ashamed but I need to face her anger so everything between us can be fix.
"Tita, I'll explain everything. But not here, can we talk in some other place?" Mababang tono ang boses ko na parang nagmamakaawa sa kanya ng sabihin ko iyon. I know she got curious sa sinabi ko kaya alam kong sasama siya sa akin. And its good that she chose to go with me. I will use that opportunity to win her trust again.
Sa isang cafe kami pumunta para makapag-usap. Hindi pa rin nito inaalis ang mataray na tingin sa akin, but I don't care. I can handle her attitude, kilala ko na siya before so I guess I will succeed in all my plans.
"Bea, I don't think tama pa na mag-usap tayong dalawa. Ikakasal na ang anak ko, and he's happy now. So please...huwag mo na siyang guluhin pa." Paunang sabi nito sa akin pero hindi ako nagpaapekto.
"Tita...I'm sorry for what happened to us, ng anak ninyo. Hindi ko gusto na layuan siya oh ang makipaghiwalay sa kanya."
"What are you trying to say?"
"I just need to do that so I can help my father Tita Agnes." Kunwaring nalulungkot ako at napaluha ng sabihin ko ang bagay na'yun.
"Why?"
"May sakit si Daddy that time Tita, and I need to help him to settle all the issues in our company...dahil kung hindi baka tuluyan na siyang namatay dahil sa frustration niya that time."
"I can't believe you."
"Yes tita, nalulugi na ang negosyo namin that time at sumabay pa ang sakit ni Daddy. So I have no choice but to sicked help, ang Daddy lang ni Carl ang puwedeng makatulong sa amin. At bilang kapalit ng tulong nila, kailangan kong sumama kay Carl sa ibang bansa." Nakita ko kung paano siya nagulat, at iyon ang gusto kong mangyari. Nagpatuloy ako sa pagpahid ng luha gamit ang tissue na hawak ko. Pretending that I really sacrificed myself for my father's sake.
"I didn't know that. Pero bakit hindi ka kay Simoun himingi ng tulong or sa Papa nya? We can help you that time."
"Tita, you knew Daddy's ego right? Ayaw nyang may masabi kayo, na kesyo magboyfriend kami ni Simoun kaya dapat tulungan nyo kami sa problema naming mag-ama. At alam nyo na hindi hihingi ng tulong si Daddy kay Tito Lorenzo, you knew that tita." Pagpapaalala ko sa kanya. Kahit kailan ay hindi humingi ng tulong si Daddy kay Tito Lorenzo, maybe because of pride. Pero hindi naman talaga totoo ang pagkalugi ng negosyo namin, but I still need to say that so I can win their trust again,and this time hindi ko sisirain un.
"Sorry to hear that. Hindi namin alam na ganon pala kahirap ang pinagdaan mo. All we just thought was that, you cheated on Simoun so you don't deserve our forgiveness."
"I felt painted and hopeless when I found out that Simoun will get married tita. I still love him, so much. So please...tulungan nyo po sana kaming magkabalikan na dalawa." Sumamo ko sa kanya.
"I really want to help you hija but I can't. Magpapakasal na si Simoun at Samantha, and they also deserve to be happy."
"But tita, ako ang mahal ng anak nyo."
"Noon yun Bea, at ang anak ko lang ang makakapag decide when it comes in that matter." Nanglumo ako sa sinabi niya but I need to be firm until I get what I want.
"Tita please...tulungan nyo po ako. I still love your son. At alam nyo ang mga pinagdaanan namin hindi ba?" I'am trying to remenisce the past to get some help from her.
Napabuntonghininga ito at napasandal sa upuan. Hindi ito agad nagsalita at saka muling tumingin sa akin.
"Okay, kakausapin ko si Simoun at ang Papa nya kung paanong magandang gawin. But I didn't promise anything from you, dahil ayokong magulo ang pagsasama ni Simoun at ni Samantha. Mabait ang batang iyon, at mukhang mahal na mahal siya ni Simoun." She said that infront of my face without any hesitation that I'll feel humilated because of the feelings I still have of her son. Mukhang nakuha na ni Samantha ang loob ng Mama ni Simoun. And that's not good, I have to do something to keep the loyalty of Tita Agnes on my side.
THIRD POV
Magkasama si Patty at Edward sa exhibit na inorganize ng kompanya ni Mr. Nuevo. Walang nagawa si Edward kung hindi ang sumunod sa gusto ni Patty.
"Akala ko hindi mo ako sasamahan ngayon." May himig ng tampo ang boses ni Patty. Saglit lang itong tiningnan ni Edward at muli nitong ibinalik ang mata sa tinitingnan nitong abstract painting.
"Sabi ko naman sayo na susunduin kita sa bahay nyo hindi ba?" Walang buhay nitong balik na tanong nito kay Patty.
"Edward..."
"Please Patty. Nandito na ako, at sapat na yun. Kung mas higit pa dito sa ginagawa ko ang gusto mong mangyari, hindi na kita kayang pagbigyan."
"Dahil ba sa Samantha na yan kaya ka nagkakaganyan ngayon?" Mataray nitong tanong kay Edward. Hindi ito sumagot kaya mas lalong nairita si Patty. Kumilos ito papalapit saka nito tiningnan ng masama si Edward.
"Gusto ko lang ipaalala sayo ang lahat Edward." May himig ng pagbabanta ang boses nito.
"Na ano? Na hawak-hawak nyo ako sa leeg na mag-ama dahil sa utang ng mga magulang ko sa inyo? Tssssk!"
"Bakit ba kasi hindi mo ako makayang mahalin, Edward? Ano ba ang mayroon ang babaeng iyon na wala ako?!"
Saglit na tumigil si Edward at bigla itong sumagot." I do love her...because she's not like you." May diin ang bawat salitang binitiwan nito sa harap ni Patty na nagpatahimik dito. Isang malakas na sampal ang ibinigay nito kay Edward na ikinabiling ng mukha nito.
"Ano, masaya ka na?" Pang-uumay na tanong nito kay Patty na ikiluha na nito ng wala sa oras.
"Edward, mahal kita. Hindi mo ba ako kayang mahalin katulad ng pagmamahal na ibinibigay mo kay Samantha?" Kung kanina ay matapang ang mukha nito, ngayon at puno ng pagsusumano ng pinilit nitong humakap kay Edward.
"Patty, stop this." Pilit na tinatanggal ni Edward ang pagkakayakap ni Patty dito pero hindi na nito nagawang ihiwalay ang katawan nito sa dalaga ng humagulgol na ito ng tuluyan.
"I love you Edward, lahat kaya kong ibigay sayo...lahat-lahat. Just love me back." Iyak nitong pakiusap kay Edward. Dumating na rin ang Daddy ni Patty na biglang napalapit sa dalawa ng makitang umiiyak ang anak nito sa bisig ni Edward.
"Anong nangyayari dito, Edward? Bakit umiiyak ang anak ko?" Biglang pinunasan ni Patty ang luha sa pisngi saka kinausap ang ama nito.
"Daddy, may pinag-usapan lang po kami ni Edward."
"Bakit ka umiiyak? Nag-uusap lang pala kayong dalawa?"
"Because...he already proposed to me Dad, magpapakasal na kaming dalawa!" Masayang sabi nito sa ama na ikinagulat ni Edward.
"Talaga ba, Luciano? Pakakasalan muna ang anak ko?" Napalingon bigla ang mga tao sa mag-ama at kay Edward. Hinihintay ng lahat ang sasabihin ni Edward. Nagpalit-palit ang tingin nito kay Patty at sa mga taong ngayon ay nakatingin sa mga ito.
Kapag nagkamali ito ng sagot ay malamang na ikapapahamak ng pamilya nito kaya wala nang nagawa si Edward kung hindi ang mapatango sa ama ni Patty at sa mga taong naghihintay ng sagot nito. Tinapik sa balikat ni Mr.Nuevo si Edward saka binati.
"That's my man. Ako na ang bahala sa kasal ninyo, wala kayong aalahanin na dalawa. Ang gusto ko lang ay bigyan nyo agad ako ng mga apo ah. Yun marami!" Saka ito tumawa ng malakas.
Naghiyawan ang mga tao sa loob ng exhibit ng iaanounce mismo ni Mr. Nuevo ang nalalapit na kasal ni Patty at Edward. Nagpalakpakan pa ang mga ito pagkatapos.
EDWARD
I can't believe, na kayang gawin ni Patty ang harap-harapang pagsisinungaling. Sinabi nito na inalok ko siya ng kasal, pero ang totoo ay hindi! I'm so devastated that time, unti-unti na akong nawawalan ng pg-asa na makakalaya ako sa anino ng mag-amang iyon.
I have to no idea na sa ganito hahantong ang lahat. Pati ang mga magulang ko ay apektado na rin. They didn't know how to help me. Kahit ibenta pa namin ang lahat ng ari-arian namin ay hindi sasapat para mabayaran namin ang pagkakautang ng mga magulang ko sa Daddy ni Patty. I felt so weak, knowing that I had no choice but to be part of the game na si Patty lahat ang nagsimula. Her obsession and unpredictable attitude ang nagpapasakal sa akin sa araw-araw. I really hate her, so much! To the point na gusto ko nang kalimutan na babae siya.
Muling tumakbo sa isipan ko si Samantha. I need to confirm everything...lahat ng sinabi ni Sir Simoun, masakit man pero gusto kong marinig at makita ng dalawang mata ko na totoo ang lahat ng sinabi nito tungkol sa relasyong ng mga ito. Kaya magbalak akong umalis sa exhibit habang si Patty ay abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan ng Daddy nito. And secretely ay nakalabas ako ng exhibit. I need to see ang talk to Samantha. I really missed her. Saka naalala ang bagong address na tinext nito sa akin. Lumipat na raw ito sa bagong condo unit na malapit lang sa dati nitong inuupahang apartment kaya naman nakita ko agad ang sinabi nitong address ng building.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong sumakay sa elevator para makarating sa condo ni Samantha. Pagbukas ng lift ng elevator ay ilang pinto lang ang nilagpasan ko ay nakita ko agad ang number ng condo unit ni Samantha. I excitedly knock on the door, pero hindi agad ito bukas. Kaya inulit ko ang pagkatok at halos malaglag ang mga balikat ko ng makita ko kung sino ang taong nagbukas ng pinto. Si Sir Simoun!
"Oh Edward, ikaw pala." Nakangiti nitong bati sa akin na para bang masaya pa na nakita niya ako sa labas ng pinto ni Samantha. I felt the pain inside my chest, knowing that he's inside the condo of Samantha. Ito na ba ang kasagutang hinihingi ko?
Ilang saglit lang ang lumipas at nakita ko ng sumungaw si Samantha, katulad ko at gulat ng gulat ito. Nabigla ito ng makita ako na nakatayo sa labas ng pinto nito. Sinadyang luwangan ni Sir Simoun ang pinto at saka ito nagsalita.
"Pasok ka sa loob Edward. Babe, paghanda mo kami ng kape...please." sabi nito kay Samantha sa malambing na paraan. Hinawakan pa nito ang baba ni Samantha at saka hinalika ng banayad sa labi, sa harapan ko mismo." Thank you babe." Napatango na lang si Samantha at tuluyan na itong pumunta sa kusina. Ako naman ay sumunod kay Sir Simoun kahit na atubi ako kung kaya ko bang nakipag-usap pa kay Samantha tungkol sa mga napag-usapan namin ni Sir Simoun gayung kitang-kita ko naman ang ebidensyang kailangan ko para mapatunayan na totoo ang lahat, na may relasyon nga talaga ang dalawa.
Bakit pupunta sa condo ni Samantha si Sir Simoun, maski ang paghalik nito sa labi ni Samantha ay isang masakit na katotohanan na kailangan ko nang tanggapin. Ni hindi nito pinigilan ang boss namin ng halikan ito sa mismong harapan ko pa. Tinatawag din ni Sir Simoun na 'babe' si Samantha na tuluyang nagpasiklab ng galit ko. Napakuyom ko ang aking isang kamao habang nakapaloob ito sa loob ng bulsa ng pantalon ko.
"Have a seat, Luciano." Maawtoridad na utos nito sa akin. Nagpatianod ako sa gustong mangyari nito at para lamang akong isang kahoy na nabubulok habang si Sir Simoun ay tubig na nagkokontrol sa akin kung saan niya ako gustong anurin. And I feel hopeless because of that.
Sakto namang pag-upo ko ay parating naman si Samantha na dala ang isang tray na may lamang dalawang basong kape. Ibinaba nito ang mga ito at saka pinatong ang tray sa side table.
Kitang-kita ko kung paano hinapit ni Sir Simoun si Samantha palapit sa upuang kinauupuan nito dahilan kung bakit magkatabi na ngayon ang dalawa. Halos wala ng espasyo ang pagkakaupo ng mga ito, ang sunod na ginawa nito ay ang pag-akbay kay Sam na lubos kong kinagulat.
Tahimik lang si Samantha at parang nahihiya itong tumingin sa akin pero ng lumaon ay nagsalita na rin ito.
"Pasensya ka na Sir Edward, medyo magulo pa dito sa condo." Hinging paumanhin nito sa akin.
"O-okay lang...nagulat nga ako na dito ka pala sa exclusive condo unit na ito lumipat." Luminga pa ako sa kabuuan ng inuupahan nitong condo at pagkatapos ay naglanding ang tingin ko sa gawi ni Sir Simoun na biglang napalitan ng pang-uuyam. His eyes and the way he's eying on me...parang sinasabi nito na talo na ako. I have nothing to expect but a true sadness na kahit kailan ay hindi na ako magiging maligaya sa piling ni Samantha.
"May sasabihin ka ba Edaward kay Samantha at kahit dis oras ng gabi ay talagang binisita mo pa siya?" May tono ng galit ang boses niya at bigla akong napatingin sa ibaba ng sahig na parang doon ako makakakuha ng tamang sagot na dapat kong sabihin sa harapan niya at si Samantha.
Nag-angat ako ng tingin at nakita kong pareho silang nakatingin sa akin. Saglit na huminto ang mga mata ko kay Samantha na akbay-akbay pa rin ni Sir Simoun.
Napailing na lang ako. "Kakamustahin ko lang po siya kung okay lang ang kalagayan niya dito... sa bago niyang unit." Nahigit ng paghinga si Sir Simoun at mariin pa rin akong tinitigan.
"Okay, ang buong akala namin ay sobrang importante ng sasabihin mo. Anyways, thank you sa pag-aalala mo sa fiancee ko." Ibinaba nito ang tingin kay Samantha at doon ko nakita kung paano ang mga ito ay nagtitigan ng wala kahit isang salita ang lumalabas sa mga labi ng mga ito. They just staired with each other as if there hearts and mind were connected, and there's no need to say anything...at nagkakaintindihan na sila.
I felt the ache in my chest as if there's a multiple stab inside it. Hindi ko na kaya pang patuloy na masaktan at masaktan ng dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Samantha at sa boss namin. All I thought...that she's different from other women I've met. Katulad din pala siya ng mga ito, so I've made my decision.
Tumayo na ako at inayos ang sarili. The place and people around me right now were literally cause me pain. Really.
"I think I should go."
"Karadating mo lang Sir Edward, yun kape mo hindi mo pa naiinom." sabi ni Samantha sa akin. Tinitigan ko lang siya saglit at saka ako ngumiti sa harap nila.
"May pupuntahan pa pala akong importante, bigla ko lang naalala." Saglit itong natahimik at napatango na lang pagkatapos.
"Mag-iingat ka, Edward." Pahabol na sabi ni Sir Simoun sa akin ng nasa labas na ako ng pinto ng condo ni Samantha, as expected...hindi pa rin ito aalis or baka doon na naman ito matutulog katulad ng sinabi nito sa akin kanina. May galit na biglang sumibol at lumalamon sa akin ngayon. Galit na hindi ko alam na mararamdaman ko pala kay Samantha pagdating ng panahon.
Nang tumalikod ako ay narinig kong sumara na ang pinto ng condo ni Samantha. Nagdire-diretso ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tamang lugar na pupuntahan ko.
THIRD POV
Kasalukuyang kumakain ang mag-asawang Lorenzo at Agnes ng hapunan ng biglang may magsalita sa dalawa.
"Lorenzo." Tawag ni Agnes sa asawa nito.
"Bakit honey?" Sagot agad nito.
"Nakita ko si Bea kanina."
"Si Bea? Yun anak ni Manuel?" Ibinaba nito ang mga hawak na kurbiertos sa sarili nitong plato.
"Siya nga."
"Ano naman ang dahilan niya at nakipagkita siya sa iyo?" Tanong agad ni Lorenzo kay Agnes matapos nitong magpunas ng labi gamit ang isang tissue.
"She's asking for help."
"Help? Anong klaseng tulong naman ang kailangan niya?"
"About her past relationship with Simoun." Napatingin si Lorenzo sa asawa at naghintay nang sasabihin pa nito. "She said, hindi niya gustong makipaghiwalay sa anak natin dati. Nagkaroon lang daw ng problema sa pamilya nila, and...part of solving their own problems is to sicked help with the family of this man named Carl."
"Kahit ano pang problema ang sinabi nyang dahilan, hindi pa rin tama na basta na lang niya iwanan si Simoun ng walang dahilan. She should asked him first, at hindi kung kani-kaninong lalake siya lumalapit at nakikipag-usap." Matapang na pahayag nito na nagpatahimik kay Agnes. Part of his words are somehow pertaining to her. Nang minsan itong makipagkaibagan sa tatay ni Maxine na anak ni Alfredo. Nagkaproblema ang pagsasama ni Lorenzo at Agnes dati kaya naghanap ito ng mahihingahan ng sama ng loob, at nagkataong hindi sinasadyang nagkakilala si Agnes at Alfredo sa isang company party.
"Lorenzo, nag-aalala ako kay Simoun. Ngayon na maayos na ang buhay niya kasama si Samantha, mainam na maayos na nila agad ang kasal para kung sakaling magtangkang lumapit si Bea sa dalawa ay wala na itong magagawa."
"Tama ka, mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa kaya wala na sigurong dahilan para hindi pa nila madaliin ang nalalapit nilang kasal."
"Ikaw na ba ang kakausap sa anak natin?"
"Ako na lang ang kakausap sa kanya. Dalawang gabi na nga na hindi ko siya nakikita dito sa bahay."
"Tawagan mo kaya, baka kung ano na nangyayari sa anak natin."
"Agnes, malalaki na ang mga anak natin. Alam na nila ang ginagawa nila. Magugulat ka na lang na isang araw may iuuwe ng mga babae ang iyon dito, just like what Simoun did in the party, ginulat niya tayo na may girlfriend pala siya. Ang buong akala natin ay wala na siyang oras sa pag-ibig pagkatapos ng ginawa sa kanya ni Bea."
"Tama ka, pero mas mabuti siguro na kausapin mo rin siya tungkol sa sinabi ko sayo na dahilan ni Bea sa pag-alis niya years ago."
"I will honey."