Chapter 2

1543 Words
CHAPTER 2       Tahimik akong naghihintay ng tren na sasakyan ko papuntang school. At katulad ng dati, hindi ako nagmamadali dahil sa matagal pa ang class ko. Masaya lang talaga ako panuorin ang buhay rush hour dito sa MRT station.   Dalawang buwan na ang nakalipas simula ng Valentines day. And bilis ng panahon diba Tingnan nyo nasa Summer class na ako ngayon. Kaya nga kahit April na, sumasakay parin ako sa tren. Pero mas mabilis pala ang panahon kapag masaya ka, kapag nag ienjoy ka sa ginagawa mo.   Kasi ako, when I woke up in the morning, I always have this excitement. Yung feeling na parang isang preschooler na first time papasok sa school.   "Mara, pasensya ka na natagalan ako ha."   Napangiti ako "Okay lang yun Ivan." Yan ang dahilan ng excitement ko- si Ivan.   Halos dalawang buwan na kaming nagsasabay papunta sa School. Nagkikita kami sa Station kung saan kami unang nagkita.  Tulad ko, may Summer Class din sya kaya ayan, sabay parin kami dito sa MRT.   Sa maikling panahon na naging kaibigan ko si Ivan malaki ang nabago sa buhay ko. Dati magaabang lang ako ng bus train para makapunta sa School at papanoorin ko lang ang mga taong naghahabol ng oras.   Ngayon, may bago na kasi kasama ko na si Ivan. Kung hindi sya ang naghihintay sa akin, ako naman ang naghihintay sa kanya.   Nakwento ko nga sa pinsan ko kung paano kami nagkakilala ni Ivan. Hindi ko alam kung magaalala ako sa reaction nya o tatawa nalang ako. Pagulong gulong na nagtititili sa kama. Hindi ko alam kung normal pa ba yun o baliw na ang pinsan ko.   May inabot sa akin si Ivan "Here..." Ayan nanaman sya. Binigyan nya nanaman ako ng Kitkat. Nagiging favorite ko na ito dahil sa kanya. Paano ba naman, halos sa dalawang buwan, lagi nya akong binibigyan ng Kitkat. Nagsimula ito noong pangatlong pagkikita namin hanggang sa naging madalas. Hindi ko alam kung generous lang sya o may balak talaga syang sirain ang ngipin ko.   "Salamat Ivan" inilagay ko sa bag ko. Kinakain ko yan tuwing exam. Food for the brain daw kasi ang chocolate. Pero yung nagbigay, sya naman ang food for my heart.   "Ito Oh..." ako nanaman ang may inabot sa kanya.   Napangiti sya at napailing "Salamat Mara!"   Dahil sa walang palya na pagbigay ni Ivan sa akin ng Kitkat, in return, binibigyan ko sya ng  ten sheets of yellow paper. Ang tamad nya kasi magdala ng papel, sabi nya nakakalimutan nya pero alam ko wala naman syang dadalhin dahil wala naman syang binibili na yellow paper. Since hindi nya nakakalimutan ang Kit kat ko, nahiya naman na ako lang ang tumatanggap. Kaya nga nung madalas na nya ako bigyan ng Kitkat. Nagisip ako ng pwede kong maibigay sa kanya on regular basis.   "Alam mo ba na you saved me again yesterday." kwento nya "..kasi may quiz kami at lahat ng nanghihingi ng papel sa classmates ay di makaka exam. Buti nalang binigyan mo ako"   Napangiti naman ako. He knows how to appreciate simple things, and he knows how to say thank you. I remember my mother, lagi nyang sinasabi na The more grateful you are, the more healthy you become.   Kaya siguro tuwing nakikita ko si Ivan, mas lalo syang nagiging gwapo sa paningin ko.   Huminto ang tren sa harap namin at naguunahan ang lahat ng pasahero na makasakay- kabilang na kami ni Ivan. Tulad ng dati, inaalalayan nya ako sa pagpasok namin.   Nang makapasok kami wala ng maupuan kaya pareho kaming nakatayo. Hindi pa ako nakakahawak sa handrails umaandar na ang bus train kaya muntik ako ma out balance. Biglang akong nakaramdam ng hiya. Hindi naman ako ganito ka conscious noong di ko pa kilala si Ivan. Bakit ngayon bigla nalang akong naging clumsy.   Naramdaman ko na may kamay na kumuha ng free hand ko. Si Ivan. "Sabi na kasing kumapit eh..." inilagay nya kamay ko sa braso nya para makakapit.   "Okay lang naman ako eh..."   "Yan ka nanaman, magdadahilan ka na okay lang."   Napangiti nalang ako. Thoughtful din Ivan, minsan nga mas maalaga pa sya sa akin kesa ako sa sarili ko. Pero masarap pala ang feeling na may taong nag aalala sayo. May taong andyan para ingatan ka. May taong kasabay ka, para di ka malungkot sa byahe ng buhay mo.   Lalo na kapag kasing bait ni Ivan. Bonus nalang nga ang kagwapuhan at kabaitan nya eh. He is a true gentleman, and just like any other girls may part sa isip ko na ini-interpret ang tenderness nya into something like...   Something like romance.   Kahit sino naman siguro makakaramdam ng kilig, sabi nga nila "Girls fall in love." Kasi sa aming mga babae, attitude is everything.   Wala naman kaming label ni Ivan. Siguro kung meron man, pagkakaibigan lang talaga. Kakaiba kasi si Ivan eh. Ni minsan never namin napag usapan yung love life ng isat-isa. Ni hindi nga sya nanghihingi ng cellphone number ko eh.   Okay lang naman sa akin yun eh, masaya na ako sa mga araw na nakakasabay ko sya sa MRT.   Sa f*******:? Friends kami pero hindi naman kasi sya ganun ka active sa f*******:.   "Alam mo ba, medyo bored ako sa pang hapon na klase ko." kwento nya. Yan ang gawain namin. Naguusap kami about experiences sa School. Mga nakakatawang pangyayari at kahit nakakahiya. Kaya sobrang nag-ienjoy ako sa company ni Ivan, natutuwa ako sa mga kinikwento nya and I like the way he listen to my stories talagang attentive sya.   Walang pressure sa pagkakaibigan namin at alam kong walang nangyayaring flirtation. We're just enjoying each other's company.   Kayalang sabi ng pinsan ko "hinay-hinay lang". Hindi daw kasi maiiwasan na mainlove ako sa kanya lalo na at ganyan ang ugali nya. Kaya pinalalahanan nya ako kasi kung sya nga daw na sa kwento lang nya nakilala si Ivan ay kinikilig na sya, ako pa raw kaya na in flesh ko syang nakakasama.   Kaya nga naisip ko na if ever mainlove ako, I would just keep it to myself. Kesa naman masira pa ang pagkakaibigan namin.   "Mara?" napatingin ako sa kanya. "Ha?" sagot ko sa kanya.   "Sabi ko holiday next week,.." Oonga nga pala. Holiday sa Monday, ibig sabihin long weekends. Dati masaya ako kapag ganitong holiday. Pero ngayon hindi na, simula ng makilala ko si Ivan.   "Oonga, mahaba nanaman ang tulog ko" nagpapanggap ako na masaya na long weekends.   Hindi sya umimik.   Natahimik kami ulit.   "Gusto mo bang mamasyal sa Monday?" napalingon ako agad sa kanya nang magsalita sya. Hindi ko alam kung halata bang nagulat ako sa pagyayaya nya pero sana hindi.   "Ah, Oo naman..." hay, bumibilis ang t***k ng puso ko. Ngumiti sya ng malapad. "Libre ang pamasahe sa MRT kapag holiday,.." Napangiti din ako sa excitement. Alam ko ang tumatakbo sa isip nya at okay lang sa akin. Okay lang kahit maghapon pa kaming sumakay ng MRT basta sya ang kasama ko.         *****   "Wow Mara! Ikaw nanaman ang highest sa exam."   "Mara, siguro may boyfriend ka na? Inspired ka eh"   Basta ba highest lang sa exam may boyfriend agad? Matagal na ako nakaka highest ng exam ah. Bakit ngayon lang nila ako pinansin ng ganito? "Kayo naman, boyfriend agad nasa isip nyo." natatawa kong sagot. "May boyfriend lang ba ang pwedeng maging highest?"     "Kasi alam mo Mara, simula pa last sem napapansin namin na madalas kang masaya." Napangiti ako sa kanila. Sila ang mga classmates ko. Hindi kami super friends pero we get along just fine.   "Wag nyo ngang kulitin si Mara, hindi yan mahilig sa mga boypren-boypren na yan" si Kuya Bernard. Classmate ko pero matanda sya sa amin ng maraming taon. Maraming taon talaga ang term dahil hindi naman nya sinasabi ang totoong edad nya. Graduate na sya ng ibang kurso, at pangalawang course na nya ang kinukuha nya ngayon.   "Oonga, si Mara hindi ata yan basta-basta naiinlove eh" sigunda pa ng isa kong kaklase. Napaisip ako sa mga sinasabi nila. Sa dalawang buwan malaki ang pinagbago ng buhay ko.   Yung excitement ko everyday hindi nalang ang pagmasdan ang mga tao sa MRT station, hindi nalang basta isipin kung anu ang binubulong ng langgam sa kapwa langgam kapag nagkakasalubungan sila.   Ngayon iba na. Kasi nadagdagan na ang excitement ko.   Excited ako na makasama si Ivan. Yung mga simpleng nangyayari sa buhay ko, lagi akong excited na ikwento sa kanya, at napapansin ko na ganun din sya sa akin. Kinuha ko ang Kitkat ko sa bag. Tiningnan ko ito at si Ivan ang naalala ko. Malamang! Sya nagbigay eh.   Parang isaang Kitkat si Ivan. He always give me a break. A break from all my bitterness sa buhay, A break from my 'medyo boring' na buhay.   Sabi ng pinsan ko, hindi raw ba ako natatakot. Syempre wala akong ibang alam kay Ivan kundi ang pangalan, school at course nya- Isa syang Business Management student. Sinagot ko ang pinsan ko na 'Hindi..' Pero napaisip ako. Dapat ba ako matakot? Knowing na he's a total stranger na bigla lang humingi ng isang yellow paper and in exchange binigyan nya ako ng one stem rose at may chocolate pa.   Pero mas inisip ko na isang mabuting tao si Ivan. The way sya magsalita, the way nya ako igalang. Ramdam ko na mabuti syang tao kaya tingin ko wala akong dapat ipag alala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD