Chapter 1
Pag nakilala ko na sya, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Yan ang madalas kong sabihin noong bata pa ako. Noong mga panahon na parang lahat ng nasa paligid ko perpekto pa. Mga panahon na nakikita ko ang buong konsepto ng pagibig in a purest way.
I have fallen in love with love. I love fairy tales, I am aiming for unconditional love, I want to have a real life Prince Charming- someone who will swift off my feet, someone who will hug me when I'm cold, someone who will kiss my tears away, someone who will make me laugh when things gets rough. Someone who would love me for who I am, not for what I have done.
I need and I want that, I am craving, dreaming and living for it.
Pero saan ba ako dinala ng kahibangan ko?
..to pain, endless agony. It shattered all my dreams along with life.
CHAPTER 1
Maingay ang paligid at halos lahat nagmamadali. Halos lahat napapatingin sa kanilang mga relos, tinitingnan kung makakahabol pa ba sila sa kanilang pupuntahan. May iba na parang nagaayos pa ng buhok habang lakad takbo papunta sa bilihan ng ticket. Siguro hindi na sya nakapag ayos ng buhok sa bahay sa pagmamadali.
May iba naman, may kausap sa cellphone habang naghihintay ng parating na bus train.
"Oo, malapit na ako."
Napailing ako. Totoo kayang malapit na sya? O isa lang yung alibi katulad ng ginagawa ng karamihan. Di bale, hindi lang sya ang gumagawa ng ganyan. Minsan nagagawa ko rin yan.
Ganito ang buhay dito sa MRT Station. Tinatawag nila itong Rush Hour dahil halos lahat nagmamadali. Well, actually hindi naman lahat, dahil ako wala namang hinahabol. I have my classes pero I am sure na hindi ako mali-late. One hour and thirty minutes palang before my class kaya nga andito ako nakapila at pinagmamasdan ang mga taong nagmamadali na nasa paligid ko.
Maaga akong nagigising. Believe me ayaw kong magising ng maaga, ang sarap kaya matulog. But I have a strict mother when it comes to education. Isa kasi syang teacher . So I was raised na dapat maaga magising sa ayaw at sa gusto mo.
So here I am nakiki-rush hour kahit wala naman akong hinahabol.
Third year College na ako ngayon. Political Science ang course ko. Kung tatanungin nyo ako bakit yan ang course ko, hindi ko rin alam ang sagot. Basta nakita ko nalang ang sarili ko na nasa third year college na.
Dahil sa nakasanayan sa pagpasok ng maagad, I find the enjoyment habang pinagmamasdan ang magulong buhay ng bawat tao dito. Masaya kaya sila panoorin. Iba’t ibang tao, iba’t ibang kwento at iisang sasakyan.
Pero may kakaiba sa araw na ito. Sa mga taong nakapaligid sa akin, parang may kakaiba; the way they smile, the way they talk,.. Teka! Bakit maraming naka suot ng red? Anung meron? Nilingon ko ang paligid and it’s positive, majority ng tao dito sa station ay naka-red.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko- isang basic cellphone lang ito-tiningnan kung anu nga bang date ngayon. And there, nalaman ko bakit kakaiba ang kilos ng mga tao ngayon.
Heart’s Day pala! Napailing nalang ako.
Call me bitter, pero talagang naiirita ako sa araw na ito. Noong bata kasi ako ang pag kakaalam ko, ang Heart’s day ay araw ng mga puso- ibig sabihin para sa mga taong nagmamahal. Isang selebrasyon para makapag pasalamat ka sa mga magulang, kaibigan at taong malapit sayo para sa kanilang pagmamahal.
Pero ngayon iba na eh. Pag sinabi kasi ngayon Heart’s day, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao lalo na sa mga kabataan ngayon ay 'freedom day' para sa magkakarelasyon. They are free to do whatever they want, kahit na alam nila na its beyond their limitation.
Hindi ko naman nilalahat, pero karamihan kasi talagang ganyan na ang pananaw.
And the worst thing about this Heart's Day is when you're single. Naging habit na ng mga tao na ipamukha sa iyo na hindi para iyo ang araw na ito. Kulang nalang nga sabihin nila na bawal kang lumabas sa bahay ninyo because today is your…
'Independence Day'
'Single Awareness Day'
Ilan lang yan sa tawag ng karamihan sa Heart's day ng mga single. Like what I said, hindi ko naman nilalahat, I know na may iba na katulad ko ang view when it comes to Heart's Day.
I never had a boyfriend, pero masaya naman ako. Alam ko naman na andyan ang mga magulang at kaibigan ko na nagmamahal sa akin. Now, who says I am lonely? Pero hindi ibig sabihin nito na sinasarado ko na ang puso at isipan ko sa pag ibig. I am in love with love, but I want to meet the right guy, and I'm sure darating din sya sa buhay ko, ang kailangan ko lang maghintay. Kasi gusto ko, kapag dumating sya, wala nang atrasan, infinity na agad.
"Ay sorry Miss" napatingin ako sa lalaking nakabunggo sa akin. Andito kasi ako nag aabang ng tren na hihinto. At dahil siksikan ang tao, hindi maiiwasan na mabunggo ka.
Pero isa lang ang masasabi ko, hindi lahat ng makakabunggo sayo ay katulad ng nakabunggo sa akin ngayon. He's tall, he's wearing his cool short haircut. Nakasimple black jeans lang ito at maroon polo shirt.
I am single and I am happy with that. But being single doesn't mean na hindi na ako nagkaka-crush, na hindi na ako nakaka-appreciate ng gwapo. Lalo na sa mga lalaking katulad ng nasa tabi ko ngayon. Yung tipong amoy palang, kikiligin ka na. Yung mukha nya, enough for you to catch your breath, at yung ngiting nakakamatay- dahil sa sobrang kilig.
Pasimple akong tumingin sa tabi nya. Malay nyo may tinatagong girlfriend pala ito, aba sayang ang kilig ko pag nagkataon. Pero wala! Wala syang kasama! Nagdidiwang ang puso ko ngayon.
May huminto ng tren sa harap namin kaya naguunahan ang mga tao na makapasok agad. Sa dinami dami namin alam kong may hindi makakasakay, kawawa naman yun. Dahil sa dami ng tao, hindi ko na alam kung nasaan si crush.
Nakapasok ako sa loob, at salamat sa Diyos dahil nakaupo ako ngayon. Mahirap kasi ang nakatayo talaga lalo na at ilang station pa bago ang pinakamalapit na station sa School namin. Huminto ang tren sa kasunod na stop over, nagbabaan ang ibang pasahero meron namang sumakay. So parang walang nagyari, masikip parin.
Ilang minuto ang lumipas, huminto nanaman ang tren. At katulad ng kanina, may bumaba at may sumakay. Nasa pang anim na hinto pa ako at malayo layo pa. Buti nalang kahit papaano lumuwag na. Bakante na ang katabi kong upuan.
May umupo sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya dahil ramdam ko ang relief nya na nakaupo na sya. Baka pagod na syang tumayo. Natigilan ako ng makita ko kung sino ang tumabi sa akin. Si crush! Mas gwapo pala sya sa malapitan, mas mabango din sya. Mas kinilig tuloy ako.
Dahil sa g**o kanina sa pagsakay at sa daming tao, muntik ko na makalimutan na may crush pala ako dito sa MRT at salamat sa Diyos at katabi ko sya ngayon. Minsan lang ako magka crush, at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng closed-encounter with my crush. Ganito pala ang feeling.
Pasimple kong tiningnan ko ang kaliwang kamay nya na nakapatong sa thighs nya. Ang linis ng kuko nya, mahaba ang mga daliri at ang ganda. Hiyang hiya ako sa kamay nya daig pa ang kamay ko. Mabango, malinis, maganda ang kamay. Teka! Hindi kaya bakla ito?
Lumingon sa akin si Crush at nagalaangan na ngumiti. Hindi ko napansin na sa mukha na pala nya ako nakatingin. With matching kunot noo pa. Ang panget kasi isipin na bakla sya eh. Sayang naman. Nahihiya akong yumuko ng nagtataka rin syang tumingin sa akin. Syempre, by the way I looked at him baka iba ang interpretation nya.
Hindi ko na sya tiningnan, pagsasawaan ko nalang muna ang pabango nya. Kahit yun lang at least I've got something from him. Sana nga dumikit sa uniform ko ang amoy. Remembrance. Bigla namang may nagring na cellphone. Alam ko kay crush yun. Malamang! Kasi sya lang ang kumuha ng cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello brad... Oo nasa MRT na ako,.. Bakit ngayon mo lang sinabi? Hay,.. Sige, gagawan ko nalang ng paraan."
On my peripheral view, nakikita ko na nakakunot noo nyang kinakalkal ang bag nya., parang may hinahanap. "Tss" hala, badtrip na sya.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Infairness, gwapo kahit badtrip na. Napatingin ulit sya sa akin. Pambihira, nahuli nanaman akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya. Kaya bahagyang tumagilid ako para kunwari wala akong pakialam. Nakakakaba pala ang closed-encounter with crush.
"Miss?" Miss? Ako ba yun? AKo ba ang tinatawa nya? Hindi ko nalang masyadong pinansin. Kunwari wala akong naririnig. Pero...
"Miss?" oh my! Kumalabit na.
Hinarap ko sya kasama ng pagsisikap ko na itago ang hiya, kilig at pagtataka. "Ha?" Kunwari wala lang. Para di halata na sasabog na ang puso ko sa kaba.
"Ahm.. Miss..." nahihiya syang napakamot ng ulo. "Miss mangiisturbo na ako ha... Pero ikaw lang ang malapit na studyante dito sa akin eh, pwede bang makahingi ng yellow paper?" Matutuwa ba ako o hindi? Hihingi lang pala ng papel. Wala syang pinagkaiba sa mga classmates ko na parasite. Walang alam kundi manghingi ng papel.
"Pasensya na Miss, kailangang kailangan ko lang" pakiusap nya.
Naawa naman ako, mukha na syang despirado magkaroon lang ng papel. "Ah, oo meron ako" Habang kumukuha ako ng papel sa bag... "Absent kasi ako kahapon, ngayon lang sinabi ng kaibigan ko na may assignment,. Kaya hahabol ako. Sayang ang time eh"
Talagang nagpaliwanag sya. Napangiti nalang ako. Nakaktuwa kasi sya eh, kahit na yung mga malalapit sa amin na kapwa pasahero ay napangiti. Tingin kaya nila bagay kami?
Binigyan ko sya ng dalawang papel. "Miss thanks ha."
"Welcome" atleast diba may pinasaya na ako ngayong Valentines. Kinuha nya ang hardbound notebook nya at ginawang patungan para makapag sulat ng maayos.
Aba! Maganda ang sulat.
Napatingin ako sa bintana! Malapit na ako bumaba, bigla akong nalungkot, iiwan ko na si Crush. Sakto nga at huminto na ang tren. Tatayo na ako ng "Miss!" tawag nya.
Paglingon ko. May inaabot sya "Happy Valentine’s day!"
Nakababa na ako ng tren. Pero natutulala parin ako. Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan ko pala i-secelebrate ang Valentine’s day. For the first time, ngayon ko lang naappreciate ang Valentines day. For the first time kasi, may nagbigay ng red rose at isang kitkat bar sa akin.
Iba pala talaga ang feeling!
*****
The next day
Katulad ng nakasanayan, maaga akong nagising dahil may pasok ako. Dalawang araw na ang nakalipas simula ng Valentine's Day- ang araw ng makilala ko si Mr. Crush. Hindi ko sa sya nakita ng dalawang araw dahil afternoon classes lang ang meron ako nung sumunod na araw at kahapon naman ay free day ko.
Ngayon sasakay nanaman ako sa MRT. Nakakatuwang isipin na ngayon hindi nalang ako manonood ng mga taong nagmamadali, may inaabangan na ako ngayon. Si Crush.
Medyo mahaba ang pila sa bilihan ng ticket. Ito ang panget sa pang publikong sasakyan na to. Hindi sila makaisip ng bagong strategy na hindi magiging ganito kahaba ang pila kaya lagi silang narereklamo eh.
Habang nasa kahabaan ng pila, hindi ko naiwasang pasimple na hanapin si crush. Atleast ngayon di ko na nakalimutan na may crush ako. May hang over parin kasi ako sa isang long stemed red rose at chocolate na binigay nya. Kaya paano ko sya makakalimutan?
Minsan nga natatawa ako, bakit may rose sya sa bag? Para ba sa girlfriend nya yun? Nag away sila kaya sa akin nalang ibinigay. O baka naman habit nya ang maglagay ng rose sa bag nya? Or lover lang sya ng roses kaya sya meron sa bag?
Hay! No bad vibes. Binigyan ako ng rose and that's it.
Matagal pa akong naghintay sa pila. At katulad ng dati, magulo parin ang mundo sa MRT station. Lahat aligagang humahabol sa oras. Tumingin ako sa pila. Hay, nakakadismaya. Siguro mga forty na tao pa bago ako makabili ng ticket. Buti nalang wala talaga akong maagang pasok at di ako malilate.
Napatitig ako sa poste. Grabe, pati langgam nasa may poste na ngayon? Napatitig ako sa mga langgam na tulad namin ay nakapila. Bumibili din kaya sila ng ticket para sa MRT? Knowing na nasa MRT station din sila?
Anu bang naiisip ko!
Pinagmamasdan ko silang naglalakad, para silang nagki-kiss na parang nagbubulungan habang nagsasalubungan? Sabi siguro ng isa "Anu kaya ang sinasabi nila sa isat-isa?"
"Goodmorning!" may sumagot!
Tumango ako. "Pwede" sagot ko. Convincing na 'goodmorning' nga ang sinasabi nila sa isa't isa syempre umaga ngayon eh.
"Goodmorning" isa pang ulit nito at sinamahan pa kalabit sa akin. Napalingon ako. Pagharap ko. "Hi Miss.." isang mabangong gwapo ang nakagiting bumabati sa akin ngayon. Sya pala ang sumagot ng 'goodmorning' kanina.
"Crush" halos pabulong pero parang malakas parin dahil nagulat sya sa sinabi ko.
"Ha?" nagtatakang tanong nya. Bigla akong nahiya. "Ah wala, sabi ko yung mga langgam nagkaka-crash. Nagbubungguan sila eh. "Ah.." natatawa nyang sagot. Pambihira! Nakakahiya naman! Ramdam ko ang init ng pingi ko. Pero ngumiti ng nakakaloko itong si Crush.
"Halika na?" yaya nya
"Ha?" nagtatakang sagot ko. Bakit naman nya ako yayayain? Eh may pasok ako. Though alam ko na isa sya sa rason bakit ako napa aga dito. May itinaas syang bagay. Isang ticket "May ticket ka na! Kaya let's go baka malate pa tayo sa klase natin"
Parang nahipnotismong sumunod ako sa kanya. Kinuhaan nya ba ako ng ticket? 'Assuming?' bulong ko sa sarili. Baka naman kasi may kaibigan sya na kinuhaan tapos di nakarating. Sakto nakita nya ako.
Nakatayo na kami at naghihintay nalang ng tren na hihinto.
"Malapit na ako sa ticket station ng makita kita. Mahaba pa ang ipipila mo kaya naisip kong bilhan nalang kita."
Inaabangan nya rin ako? Hay, assuming na ako masyado.
Napatingin lang ako sa kanya at literally na nakatulala. Grabe! Totoo ba ang pagkakarinig ko?
"Alam mo ang cute mo... Lalo na nung nakatitig ka sa poste" sabi nya. "Sa dami ng tao sa station na ito ikaw lang ata ang pumansin sa mga langgam na yun." natatawa nyang sabi, medyo nahiya ako. Syempre naman, mukha kaya akong sira na nakatitig sa pader.
"Natutuwa kasi ako sa kanila" bahagya syang natawa.
"Pansin ko rin nga!" sagot nya.
"Bakit mo pala ako binilhan ng ticket?" tanong ko.
Ngumiti sya, "Sinabi ko na diba?"
Pilosopo!
"I mean! Bakit naisipan mo akong bilhan nung nakita mo ako? Eh di naman tayo magkakilala" naalala ko ang madalas na paalala ni Mommy. Don't talk to strangers. Pero bakit ganun, laging nasa exemption ng rule na yun ang mga gwapo. Kasi kapag gwapo, hindi sila strangers. Dahil ba kapag gwapo hindi mukhang mamamatay tao?
Kumunot noo sya na humarap sa akin pero napangiti din sya. "I'm Ivan Ramirez!" inilahad nya ang kanang kamay. Medyo nagulat pa ako. Pero kinuha ko ang kamay nya at nagpakilala "Don't worry, hindi ako killer." sagot nya with a smile. Napatingin ako sa kamay nya na hawak ang kamay ko. Malinis na ang kamay, malambot pa. Tumingin ako sa kanya para ma-distract ako sa lambot ng kamay nya pero nakita ko ang perfect set of teeth nya. Kill me now! I can't take this anymore. I can't handle this man anymore, ang gwapo eh!
"Mara de Guzman" pakilala ko. Ngumiti sya. Bumitaw na kami sa kamay ng isa't isa. Inilayo ako ang tingin ko sa kanya at kinalma ang sarili ko.
"Oh ayan, magkakilala na tayo." napangiti narin ako "...Hindi kasi ako nakapagpasalamat sayo ng maayos eh, kaya naisipan kong bumawi" I don't know what to say dahil sa sobrang kilig.
Sakto naman may humintong tren sa harap namin. Inalalayan nya pa ako para makapasok ako ng safe. Lihim nalang akong napangiti. Ang tagal tagal ko na kasing sumasakay ng MRT at sa history Papa ko lang ang umalalay sa akin. Ngayon may sumama na sa history- isang gwapo na nag ngangalang Ivan.
Dahil sa maraming tao, nakatayo kaming pareho. Paminsan minsan, nadadala ako ng biglang hinto at bilis ng takbo ng tren. Sanay narin naman ako. Nakakapit naman ako eh kaya di ako mahuhulog.
"Kumapit ka sa braso ko!" sabi ni Ivan. "...ang payat mo kasi kaya para kang hangin na tinatangay tangay lang" napatingin ako sa kanya. Kung magsalita parang sya hindi payat.
"Okay lang ako! Sanay na ako!" sagot ko.
Kinuha ng free hand nya ang free hand ko. At inilagan nya sa braso nya "Kumapit ka na... Mahirap na matumba ka. Nakakahiya yun" Hindi ko malaman kung anung trip ng lalaki na to. Bakit grabe sya magpakilig. Yun ba ang course na kinuha nya? Parang master na master na nya eh.
Hindi na ako umimik, tahimik nalang kami sa buong byahe. Paminsan minsan napapahigpit ang kapit ko sa braso nya dahil parang matutumba ako. Napapangiti nalang sya habang ako naman ay parang lalamunin na ng hiya kaya mas pinili ko nalang na pagmasdan ang mga nadadaanan namin.
"Sa St. Catherine University ka, right?" napalingon ako sa tanong nya. Siguro kasi sa kulay ng lanyard ko, wala kaming uniform eh.
"Oo, ikaw?"
"Sa SFU!" sagot nya.
Kilala ang ang St. Francis University bilang University ng matatalino at mayayaman. Dito rin nanggagaling ang ibang mga kilalang artista ngayon.
"Malapit ka ng bumaba.," sabi pa nya.
Parang nalungkot ulit ako. Baba nanaman ako. Hindi ko nanaman alam kung kelan kami magkikita ng crush ko.
Huminto na ang tren. Patalikod na ako para umalis. Tinawag ako ni Ivan.
"Mara, magkikita pa tayo ha!" Napangiti nalang ako at tumango!