ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Hoy!” malakas na sigaw ko sa harapan nang nakapangalumbaba at nakatulalang si Alona. Napukaw ko naman ang atensyon niya dahil nanlalaki ang mga mata niya na tumingin sa akin. Gulat na gulat siya sa biglaan kong pagsigaw. Muntikan pa nga siyang mahulog sa kinauupuan niya. Hahaha! “Kanina pa ako kwento nang kwento dito tungkol sa naging trip namin ni Yuri sa Korea pero hindi ka naman nakikinig. Akala ko ba gusto mo na kwentuhan kita?” naiiritang sermon ko sa kanya habang tinitingnan siya ng diretso. “Sinasayang mo lang yata ang laway ko,” singhal ko pa sa kanya. Nandito ako ngayon sa flower shop namin ni Alona. Halata naman na nakauwi na kami ni Yuri dito sa Pilipinas. Kaagad ko ngang pinuntahan dito si Alona para kwentuhan siya ng mga nangyari at para na r

