ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Wow! Ang ganda!” manghang-mangha kong sambit habang nakatingin mula dito sa itaas. Kitang-kita ko ang buong Seoul mula rito sa kinatatayuan ko. Nandito kami ngayon sa tuktok ng Namsan Tower. Grabe! Ang taas ng tower na ito at pakiramdam ko nga ay nakalagpas na ako sa langit. Ang gaan-gaan ng loob ko habang nandito kami. Kitang-kita ko ang ganda ng Seoul ngayong gabi. Tila kumikislap na parang mga Christmas lights ang mga bahay at gusali sa ibaba dahil sa mga ilaw na nakasindi. Bukod pa riyan ay ang sarap-sarap ng hangin mula dito sa itaas. Ipinikit ko ang aking mga mata saka lumanghap nito. “Baka naman masinghot mo na ang buong Seoul niyan,” narinig kong pang-aasar sa akin ni Yuri kaya dumilat ulit ako at tiningnan siya ng masama. Tinawanan lang ako ng b

