ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO Pagkatapos namin pumunta at kumain sa isang café ay nagsimula na kaming maglibot ni Yuri sa iba’t-ibang lugar rito sa Seoul. Infairness, ang sarap ng hangin sa bansang ito! Palagi nga akong nagi-inhale, eh. Hahaha! Isa pa, naranasan rin namin ang traffic dito na palagi kong nararanasan noon sa Pilipinas. Akala ko nga walang traffic dito kasi sa mga K-dramas na napapanuod ko ay ang luwang-luwang ng kalsada nila. Expectation versus reality. Una naming pinuntahan ang mga historical attractions ng South Korea gaya ng Gyeongbokgung kung saan ito raw ang main place ng Joseon Dynasty. Grabe! Nakakanganga sa ganda ang lugar. Talagang na-preserve nila ang angking kagandahan ng lugar na ito kahit na ang tagal na panahon na nangyari ang makasaysayang pangyayari rito.

