THIRD PERSON Ilang araw na rin ang lumipas ng ma-aksidente si Ellyse. Lumipas na rin ang New Year ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nasa state of coma pa rin siya. Inilipat na sa isang private room si Ellyse at patuloy pa rin na mino-monitor ang kalagayan niya. Hindi nawawalan ng pag-asa sila Yuri na magigising pa rin si Ellyse. Sa araw-araw, iyon ang hinihiling nila, lalo na ni Yuri kahit na hindi naman talaga siya ‘yung tipo ng tao na humihiling. Nasa loob ng kwarto sila Yuri, Mommy Ji, Daddy Erick at Alona at nakabantay kay Ellyse. Halos hindi na sila umuwi para lang mabantayan ng mabuti si Ellyse. Ramdam na ramdam ang malungkot na aura sa kanilang lahat habang nakatingin sa nakahiga at natutulog na si Ellyse. Lumipas ang hindi nabilang na minuto ay napalingon ang lahat sa pintuan n

