THIRD PERSON Nakaluhod si Yuri sa luhudan na nasa likod ng mahabang upuan na nasa harapan niya. Magkapatong ang kanyang dalawang palad. Matamang nakatingin ang kanyang mga malulungkot na mata sa harapan kung saan makikita roon ang isang lalaki na nakapako sa krus. Nasa loob siya ng chapel ng ospital. ‘Alam ko na isa akong makasalanang tao. Alam ko na marami na akong kasalanan sayo. Alam ko rin na hindi ako madasalin at hindi ka kinakausap kahit na sandali. Pero sa pagkakataong ito, nandito ako sa harapan mo at kinakausap ka. Huwag mo sanang isipin na kaya lang kita kinakausap ngayon ay dahil sa may kailangan ako sayo. Pero totoo naman, may kailangan nga ako sayo at sana nakikinig ka,” taimtim na sambit ni Yuri sa kanyang isipan habang nakatingin sa altar na nasa harapan. ‘Ang hiling kon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


