ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO Haaay! Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Biruin niyo, sembreak na! Meaning, wala na kaming pasok ng ilang linggo! Yahoo! Hahaha! Umpisa na ng sembreak season kaya naman ang mga estudyante na kagaya ko, alam ko na mage-enjoy na this vacation season. Ang lapit na rin pala ng Christmas. Nasa living room ako ngayon at nakaupo sa sofa habang nanunuod ng Korean drama. Kilig na kilig ako kaloka! ‘Yung hawak ko ngang unan, yakap-yakap ko ng mahigpit at nakakagat ko ng madiin ‘yung dulo. Ang gwapo ng main lead! “Oh! Tama na muna ang kilig!” Bigla na lamang sumulpot sa harapan ko out of nowhere si Yuri. Naputol ‘yung kilig ko! Pinause ko muna ‘yung pinapanuod ko saka tiningnan ulit si Yuri. May inaabot siyang isang maliit na puting envelope na hindi ko alam kung

