ELLYSE MARIE ROMANO-DEL PIERRO “Wow!” namamangha kong sambit habang nililibot ang aking tingin sa paligid ng napakagandang airport na ito. Bukang-buka pa pabilog ang aking bibig dahil sa sobra kog pagkamangha. Ang ganda-ganda naman kasi saka hindi rin ako makapaniwala na ‘yung nakikita ko lang sa mga K-drama, nakikita ko na ng personal ngayon. “Ang OA mo,” narinig kong wika ni Yuri. Tiningnan ko siya. “Masama bang mamangha?” mataray na tanong ko kay Yuri saka siya inirapan. Nandito na kami sa Incheon International Airport. Nakakamangha talaga sa ganda at laki ng airport na ito. Kumpleto sa facilities at ang linis-linis tingnan. Kahit nga ang daming tao ngayon dito sa airport, hindi naman masikip kasi ang luwang talaga ng kabuuan ng airport. Ang babait pa ng mga personnel dito kahit hin

