EPISODE 49 THE DEAL ALONZO’S POINT OF VIEW. “Sir, hindi niyo ba sasabihin kay Miss Alex ang totoo na matatagalan kayo sa pag-alis niyo?” Natigil ako sa aking paglalakad at sumulyap ako kay Connor. Ngayon ang alis namin kasama si Ludovica paalis dito sa isla. Nag-usap na kami kanina ni Alessandra at nahirapan ako na lumabas sa kwarto at iwan siya. Ayoko na malayo sa kanya, pero kailangan. Nakapag-usap kami kanina ng seryoso ng aking kapatid at nakumbinse ko siya na bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para maayos ang lahat… para hindi na niya ituloy ang kanyang pinaplano sa pamilya ni Alessandra. Humahanap pa rin ako ng paraan para matigil na itong problema namin na walang dumadanak na dugo. Ayoko na masaktan sila pareho dahil pareho ko silang mahal. Ayokong pumili kung saan ako kak

