EPISODE 48 SHOCKED ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Alonzo is still avoiding me. Hindi siya natulog sa kwarto naming dalawa at ayun pa kay Inday ay doon siya natutulog sa kanyang opisina. He’s getting on my nerves! Don’t tell me nang makapunta siya doon sa syudad ay nakahanap siya ng isang babae at minahal niya ito at agad niya akong kinalimutan?! Mapapatay ko talaga sila pareho. Kahit na masama ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa rin na tumayo at maligo upang makalabas ako sa kwarto at makababa upang kumain. Dahil sa ginawang paglayo ni Alonzo sa akin ay sumasama na naman ang pakiramdam ko. Siya talaga ang sisisihin ko kapag may mangyaring masama sa baby namin dito sa loob ng tiyan ko! Nang matapos na akong mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako sa kwarto at bumaba na sa hagdan. Pa

