EPISODE 45 A DAY WITHOUT HIM ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Nakaalis na si Alonzo at Ludovica. Tulala lang ako habang nakatingin sa chopper na paalis ngayon sa isla. Hindi ko alam kung kailan babalik si Alonzo at hindi niya rin alam, pero nangako siya na babalik siya kaagad. Sana nga ay matupad niya iyon dahil bago pa nga lang siya nakaalis ay miss ko na kaagad siya. “Ate Alex, pumasok na po kayo sa loob. Mukhang uulan na po,” rinig ko na sabi ni Inday sa aking likuran. Bumuntong-hininga ako at pumasok na rin sa loob ng bahay. Para akong nawalan ng lakas at wala rin akong gana na gumalaw o hindi naman ay ang magsalita. ISANG ARAW na ang nakalipas simula nang umalis si Alonzo dito sa isla kasama ang kanyang impakta na kapatid. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita at hindi ko rin

