EPISODE 44 I’LL BE BACK ALESSANDRA’S POINT OF VIEW. Kanina pa nakaalis si Alonzo sa kwarto at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako binabalikan dito. Si Ludovica ba talaga ang nakasakay sa chopper? Kung oo, dapat nandito na siya ngayon at tinignan kung ano ang nangyari sa akin at kumusta na ako. I’m still their prisoner. Dapat chini-check niya kaagad ako dito. Naiinip na ako. Gustong-gusto ko nang lumabas sa kwarto upang makita kung sino ba talaga ang nakasakay sa chopper kanina at kung sino ang nandito. Huminga ako ng malalim at napakagat sa aking labi. ‘Wag ka munang lumabas. Sumunod ka muna sa sinasabi ko. Muli kong naalala ang sinabi ni Alonzo sa akin kanina bago siya lumabas sa kwarto at iwan niya ako rito. Hintayin ko lang daw siya na pumasok ulit dito pero ilang minuto na

