Agad na ipinark ni Luis ang kanyang sasakyan sa may tabing daan. Hindi kasi ito makapasok sa may manggahan. Pumihit siya agad palabas. Naglakad siya sa mainit na sikat ng araw. Umalis siya ng bahay para naman mawala ang kanyang inis sa mga pinaggagagawa ng kanyang Papa. Habang naglalakad siya ay may mga trabahador siyang nakakasalubong na mainit kung batiin siya. Sa mga ganung ipinapakita ng tao sa kanya ay napapangiti siya. Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid. Malawak na nga ang kanilang manggahan na noon ay ilang puno lamang. Kahit papano ay napalaki nilang mag-ama ito sa pamamagitan ng paghihirap nila. Naisip niya tuloy ang tiyuhin niyang kung makahingi ng pera ay parang pinulot lang sa daanan. Napangiwi siya sa isiping iyon. Dahil sa init ay nagmamadali siyang makarating sa

