Dahil sa pagbigay ni Senyor Lucio kay Manuel ng isang milyon ay nagalit si Luis. Pagkaalis na pagkaalis ng Tiyuhin niya ay hinarap niya ang kanyang Papa. "Pa! Kaya nasasanay ang kapatid ninyo dahil sa ginagawa ninyo!" bulalas niya sa sobrang galit. Hindi niya mapigilan ang kanyang nararamdaman. "Kapatid ko naman iyon iho kaya hayaan mo na. Huli na naman daw eh." mahinahong sagot ng matanda. "Huli?! Ilang ulit na niyang sinabi na huli. Natatandaan ko ang huling punta niya dito, ang laki na naman ng binigay ninyo. Nagkandahirap hirap tayo sa pagpapalago at pagpapalaki sa ating negosy pero siya ay lumulustay lang!" masamang loob na wika ni Luis sa ama. Tama naman ang sabi ni Luis. Hindi kasi marunong magtrabaho ang kapatid ng ama na siyang kinaiinisan niya dito. Umaasa lang sa ibang tao

