“Ang ganda ganda mo friend!” nakangiting sabi ni Moira kay Sabina matapos syang ayusan ng make up artist na kinuha neto para sa kasal nila ni Ash. Regalo daw neto sa kanya. Today is their wedding day. Nasa hotel sila kung san na din gaganapin ang kasal nila. Only closest family friends and relatives ang invited dahil mabilisan ang preparasyon ng kasal. Only two weeks ago ng mabulgar ang tunkol sa pagbubuntis nya at gusto ng chairman na bago tuluyang mahalata ang tyan nya ay maikasal na sila ni Ash. Sa side nya, tatlong tao lang ang pumunta si Moira, si Lyka at ang tita Ludy nya. Her tita Ludy asked her if she wanted to invite her mother but she said no. She asked her not to tell her mother she’s getting married because she’s afraid she would insist to attend with her entire family. Stres

