Chapter 16

805 Words
Nagulat si Ash ng pagpasok sa opisina ng ama ay mapasukan nyang kausap neto ang kuya Lennon nya at si Sabina. Napatingin ang tatlo sa kanya na tila me seryosong pinag uusapan. “What are you doing here kuya?” bati nya dito. Sinulyapan nya si Sabina na nag good morning Mr President sa kanya. Why does she look extra pretty today? “Sabina and I gonna meet the representative from Techy Prints.” Nakangiting sagot neto. Ang Techy Prints ang ka deal nila para sa paggawa ng mga baong label ng kanilang mga producto and they had been planning to change label un iba nilang mga matatagal ng products. “I thought you were in Laguna?” kaswal nyang tanong dito. Nasa Laguna ang semicon company nila na syang pinamamahalaan ng kuya nya. Me kasosyo silang American semiconductor company kaya sa America naka base ang kuya nya. Umuuwi lang eto para bisitahin ang planta. “Wala namang masyadong gagawin ngaun dun.” Kaswal na sagot neto.”Samahan ko na lang si Sabina.” Tumingin pa eto kay Sabina at tipid naman etong ngumiti. Napakunot lalo ang noo ni Ash. “What time ka pupunta sa Batangas Ash?” tanong naman ng kanyang ama. Nasa Batangas ang kanilang manufacturing plant para sa kanilang mga canned products at pupunta naman sya dun para bisitahin eto. “After lunch Dad.” Kaswal nyang sagot. “Dad, Ash alis na kami.” Paalam ng kanyang kuya Lennon sa kanila. “Let’s go Sab.” Aya naman neto kay Sabina. Narinig nya ding nagpaalam si Sabina sa kanya at sa daddy niya. Tumango sya at sinundan ng tingin ang mga eto. Nang tuluyan ng makalabas ang dalawa ay narinig nyang nagsalita ang ama. “They look good together, aren’t they?” sabi neto habang nakatingin sa mga dokyumentong hawak. Napatikhim si Ash para maalis ang tila bumara sa lalamunan. “Do you think kuya Lennon would really pursue Sabina?” alanganin nyang tanong sa ama. “He doesn’t tell me anything yet. But if he would, I would be happy. I like Sabina. I was thinking nga dati na kayong dalawa ang magkakasundo because you know each other since college days. But it seems hindi nyo type ang isa’t isa.” Tila walang anumang sabi ng ama. Napailng si Ash at pagkatapos ay sinabi ang sadya sa ama.   Tahimik na nakatingin si Ash sa mga dokyumentong hawak. Eto ang mga reports na binigay ng general manager ng kanilang planta sa Batangas. Pero tila walang pumapasok sa kanyang isip. Kanina pa sa planta magulo ang isip nya. Mabuti na lang at isinama nyang ang secretary nyang si Joyce at narecord neto ang mga sinabi ng general manager. Tila pagod na sinapo ng dalawang kamay nya ang mukha. Magdadalawang linggo ng nasa Singapore ang kasintahan at nakakpag usap naman sila tuwing free time neto. Masaya naman sya na masaya eto at namimiss nya eto pero aminado syang apektado pa rin sya ng presensya ni Sabina. Two weeks na din ang kuya nya sa Pilipinas at nakakailang bisita na eto sa building nila. Kapag umuuwi eto sa Pilipinas, mas madalas eto ng maglagi sa Laguna dahil andun ang main office ng semicon company nila bagamat me sarili etong space office sa building ng Viltes Corporation. Duda nyang si Sabina nga ang pinupuntahan neto sa builing. The thought of them together makes him wanna slam everything on his table! Sabina. s**t. I’m crazy! Inis nyang sabi sa sarili. Hindi ang kagaya ni Sabina ang babaeng pangarap nya. He does not want a very career oriented woman, workaholic, proud and cold. He has his own reasons why. It’s Alexis. Sya ang dream girl nya kaya nga nun una pa lang nya etong makita sa orientation ng mga newly hired employees nakuha na agad neto ang atensyon nya. Unlike other newly hired, tahimik at mahiyain lang etong nakaupo sa isang tabi. She has an angelic face. Nang mapatingin eto sa kanya ay namula agad ang mukha neto at umiwas sa kanya. Kung ibang babaeng nakilala nya ay agad magpapansin, Alexis is different. Tinaguan pa sya neto. He was excited. Marami na din naman syang naging girlfriend but when he saw Alexis, he promised himself na gusto nyang eto na ang pakasalan nya. Hindi sya nangiming ligawan eto at wala syang pakialam kahit ano pa sabihin ng iba nyang empleyado. Afterall, his parents are ok with that. Hindi naman kasi matapobre ang pamilya nya. Alexis wanted to resign nun naging sila, pinigilan lang nya eto. She was submissive and that makes him fall in love more to her. He thought everything would go smoothly pero hindi nya ini expect na mababago ang lahat. And he knows it’s not just because Alexis wanted to chase her dream. Hindi naman sya ganun talaga kababaw para pigilan eto sa mga pangarap neto. Mahal nya eto at gusto nya etong maging masaya. Pero me mga bagay na hindi nya kontrolado – lalo na ang puso at isipan niyang may damdaming pilit kinakalimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD